Chapter:8

550 13 10
                                    

"Ano ba naman 'to..." rinig kong reklamo ng isang babae sa harap ng vending machine sa hospital. From what I can see, isa rin siyang residente dito pero sa ibang department siguro.

"Ah Doc, kalampagin mo dito kasi baka di nahulog ng tuluyan yung barya." sabi ko habang ginagawa 'yon. Mayamaya pa ay nilabas na nito ang paper cup at sunod ang kape.

Matagal nang nagloloko ang vending machine na'to pero di ko lang mawari kung 'bat di magawang palitan o ipagawa manlang ng ospital eh katiting lang naman sa kanila 'to. May pag ka kuripot din pala ang angkan nila Nikkolai.Tsk.

"Ah...salamat." mahinhin na sagot niya, ngumiti lang ako sa kanya at nag lagay rin ng barya para makakuha ng kape. Umalis naman siya.

She looks familliar...ah, siya pala 'yong babaeng nakita kong umiiyak nung isang linggo. Duguan yung surgery gown eh, sila ata kasi yung nag assist sa surgery ng isang VIP na pasyente dito na may sakit sa puso, sabi nila matagal na siya rito,  tas rinig kong bulungan dito ng mga ibang hospital staff na residente daw tulad namin ang nag opera dahil 'yon ang request ng pamilya ng pasyente like what the f*ck is that? pwede ba 'yon? Tsaka nasan na 'yong sobrang strict na protocol ng ospital? nakakabaliw ha.

"Yung kape mo lumalamig na." nabalik ako sa realidad nang magsalita si Krystal sa tabi ko, doon ko lang naalala na nasa tapat parin pala ako ng vending machine.

"Ah, oo nga pala." sabi ko at kinuha ito, bago gumilid para makakuha din siya ng kape.

"Lalim ng iniisip ah." saad niya habang naglalagay ng dalawang barya sa vending machine.

Gusto ko sanang itanong sa kanya about don sa residenteng nag opera pero pinili kong tumahimik nalang, nagiging chismosa na ata ako.

"Wala naman." tanging sagot ko, nang biglang sumulpot ang isang lalaki, siya din yong kasama niyang nagyayaya kay Nikkolai noon na kumain, yung seryoso tsaka parang bored na bored na sa buhay.

"Matagal pa ba yan?" tanong niya habang tinataas ang eyeglasses.

"Wait lang naman, kararating lang eh." reklamo ni Krystal.

Di ko alam kung tama bang nakatayo parin ako dito.

"Ah,,, Li, si Mateo nga pala." pagpapakilala ni Krystal nang mapagtantong nakatayo pa ako sa gilid niya. Napatingin naman sa akin yung si Mateo at ngumiti ng tipid.

"Hey." tipid na sabi niya sa akin kaya nginitian ko nalang din siya ng tipid.

"Sunod mo nalang yan ha, I need to check my schedule for the surgery, mag aassist kasi ako mamaya." sabi ni Mateo kay Krystal habang nagtitipa ito sa cellphone niya.

"Siguraduhin mong assist lang 'yan ha, mamaya ikaw nanaman umoopera." pangaasar ni Krystal.

Inirapan lang siya ni Mateo at tumingin sa akin, he just nodded and started walking away.

What the hell? siya ba yung tinutukoy nila?

I didn't got the time to ask her when my phone rang, kailangan daw ako.



"Anong nangyari?" tanong ko sa nurse, sinalubong ko kasi sila sa labas habang pinapasok ang pasyenteng sakay ng ambulansya.

"Binaril po siya sa may bandang dibdib Doc, hindi po stable ang vitals niya, pwede po siyang mag card----" hindi na natuloy ng nurse ang sinasabi niya nang mag-cardiac arrest na nga ang pasyente.

Agad kong pinakuha ang defibrillator.

Chinarge namin siya hanggang 350 joules pero ayaw paring marevive, nawawalan na ako ng pag asa dahil di ko sure kung kakayanin niya ang 400 joules, masyadong mataas na 'yon.

A long trip with you (Medical Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon