note: u might be wondering kung bakit 11 nanaman 'to, uhmm nag adjust kasi ako ng numbering guys soo sana wag kayong malito, yung dating 11 naging 10 na siya.
It's been weeks since I and Nikkolai last talked, he really meant what he said, he acted like he doesn't even know me and he really did give a try to Rina's feelings, I can see how happy she is.
But I promised to myself that, that would be the last favor of her, enough of me being fooled, I hope she's going to play well because I sacrificed a friendship for that.Sabi nga nila, don't be afraid to cut off people from your life, it doesn't matter how many years you spend with that certain person, if it gets toxic,stay away from them.
"Anyare sa inyo ni Nikko? Para kayong mga bata ha." tanong sa akin ni Krystal, kasalukuyan akong kumakain ng lunch sa cafeteria nang lapitan niya ako.
"Sino si Nikko?" i tried my best not to laugh, well, sinasabayan ko lang trip niya, sabi niya mag pretend akong di ko siya kilala eh.
"Baliw, pag untugin ko kayong dalawa eh, parang di kayo matatanda ha." sabi sa akin ni krystal sabay subo ng pagkain niya. Napatawa na lang ako, kasi totoo naman, para kaming mga bata.
"Oy nakita niyo ba 'to? Si Nikko may dinadate tas di ikaw? awittt ha." pareho kaming napatingin kay Hans nang bigla itong dumating at may nakalap pa atang balita.
Kumunot naman ang noo ni Krystal at inagaw ang cellphone kay Hans, ako nama'y di mapigilang makisilip kung ano ba ang meron dito.
"Who the fuck is this?" medyo may pagkairitang sabi ni Krystal, kaya naman mas inilapit ko ang mukha ko sa screen ng cellphone dahil di ko ito masyadong nakikita.
It was a picture of Nikko and Rina sa parking lot, they are both going inside Nikko's car.
"Eto ba ang rason kung 'bat kayo di nag uusap ni Nikkolai?" tanong sa akin ni Hans, napatingin naman sa akin si Krystal at naghihintay din ng sagot.
"Hindi ah." mabilis kong sagot at umiwas ng tingin, kahit di ko na tinuturing na kaibigan si Rina, I still don't want to mess with her name, di ako ganoong tao.
"Eh, ano? bigla nalang kayong nagsawa sa isa't-isa?" tanong ni Krystal.
"Di naman sa ganoon, it's okay naman kung mag karoon siya ng relasyon sa iba dahil di naman kami, and di talaga maiiwasan minsan ang di pagkakaintindihan sa pagkakaibigan, we're just giving each other some space and time to breath." when in fact...he cut me out of his life.
"I hope that's true Li, I just want to say that Mahal ka ni Nikko, maybe he's denying it because he knows that you're not feeling the same way, and I know that you know what he really feels for you, I'm not pushing you to like him back, it's just please respect what he feels." seryosong sabi sa akin ni Krystal.
Guilt started to cripple inside me. I know that he likes me, hindi ako manhid, even if he keeps on denying it, I know that he really likes me, I can feel it, and I took advantage of his feelings.
Natapos na ang duty ko at nagpalit ako ng casual kong damit sa locker room, tinupi ko ng maayos ang scrub ko at nilagay sa locker pagkatapos.
I went to our department office to get my things, mag-isa lang ni Doc. Diana doon, pang night shift kasi siya ngayon at medyo maagang dumating, tinanguan ko lang ito at lumabas na.
Tumayo ako sa labas ng hospital para mag hintay ng taxi, maya maya pa ay linagpasan ako ng isang pamilyar na sasakyan, nakabukas ang bintana nito sa may bandang shotgun seat at nakita ko roon si Rina.
Mabilis ang takbo ng sasakyan kaya mabilis din silang naglaho sa paningin ko.
Napabuntong hininga nalang ako at sumakay sa taxi'ng huminto sa harapan ko. Binuksan ko ang bintana nito at pinagmasdan ang mga matatayog na gusali, habang dinaramdam ang malamig na hangin na humahampas sa aking mukha.
Nang makarating kami sa tapat ng building na tinutuluyan ko ay agad kong iniabot ang bayad ko at lumabas.
Ang bilis ng panahon at December na ngayon, ilang tulog nalang ay pasko na. Everything is going fine, medyo hindi na ngalang kami nakakapag hang out nila krsytal dahil busy din sila tulad ko at parang may mga problema, but yeah, lahat naman tayo may kanya kanyang dalang problema, tulad ko, dahil hanggang ngayon ay di parin kami nag uusap ni Nikkolai, mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya, well di ko naman siya masisisi eh, dahil ako ang nagtulak sa kanya.Balibalita na nga sa buong hospital na mag jowa na sila ni Rina, ang iba nama'y sinasabing nililigawan niya palang, at ang iba'y nagtataka kung bakit biglaang napunta siya kay Rina eh ako ang kasakasama noong una, but either so, that doesn't stop me from living my life, guilt is still visiting me but if that's how our fate was made, then I should just accept it, after all, I am the one who made the situation that way.
Pauwi na dapat ako nang makasalubong ko si Hans sa hallway, he looks problematic, parang ang lalim ng iniisip niya at di ako napansin, linagpasan niya lang ako, I was about to walk away when I saw Krystal following Him.
"Anyare doon?" tanong ko kay Krystal nang makatapat siya sa akin.
Mukha naman siyang nagulat sa akin,di rin ata kasi niya ako napansin." Di ko nga rin alam eh, bigla nalang siyang nagwalk out habang kumakain kami after recieving a call, ilang araw na yang ganyan eh, nag aalala na nga ako."
Binaling ko agad ang tingin ko sa direksyong pinuntahan ni Hans, we both starred at his back until he finally vanished from our sight.
Narinig kong bumuntong hininga si Krystal kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Hayys,, I wish I know what's going on, parang mababaliw na ako sa kanilang lahat. Mateo's on shits, tas si Hans, mukhang nawawala narin sa sarili, he's a loud person pero he never talks about his personal life, especially his love life, he just keeps on teasing us but once we did that do him tumitiklop siya agad. Tas si Nikkolai din, mukhang nababaliw na, kausapin mo nga, hanggang saan ba aabot ang pride niyong dalawa? Hayys, pagod na ako sa kanilang apat." puro buntong hiningang sabi niya.
Sa lahat ng sinabi niya, si Nikkolai lang ang tumatak sa isip ko, what's going on with him, mukhang ayos naman si ni Rina eh.
Pagpasok ko sa office ay biglang bumungad sa akin ang nag iisang si Nikkolai, nakaupo ito sa desk niya at may binabasang papel, sinulyapan niya lang ako at binalik din agad ang tingin sa binabasang papel, dumiretso naman din ako agad sa desk ko at doon ay nagbasa rin ako.
Walang umiimik sa aming dalawa at tanging tunog lang ng paglipat ng pahina ng binabasa namin ang maririnig. Nagkaroon lang ng ibang tunog nang tumunog ang cellphone ko, napatingin naman sa gawi ko si Nikkolai at mukhang nadisturbo pa siya sa pagtunog ng cellphone ko.
"Sorry." agad kong sabi at agad ding sinagot ang tawag.
"Ate!" agad na bungad ni Carl.
"Oh,ano 'yon?" maingat at mahina kong tanong dahil baka mainis pa lalo sa akin si Nikkolai.
"Si mama, tinakbo ko sa ospital." naiiyak na sagot niya.
"Ano? bakit? anong nangyari!?" sunod sunod na tanong ko, di ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko, kaya napatingin ulit sa gawi ko si Nikkolai, tinanguan ko nalang ito bago lumabas.
Ayon kay Carl, lagi daw sumasakit ang ulo ni mama at di na niya ito nakayanan, kasalukuyan pa daw siyang dinadiagnosed kaya mamayang hapon pa malalaman ang findings sa kanya, I hope it's not worst.
Pagbalik ko sa loob ng opisina ay hindi na nag babasa si Nikkolai, bagkus ay nakatingnin ito sa cellphone niya at mukhang may nilalaro. Tahimik nalang akong bumalik sa upuan ko at ipinagpatuloy ang binabasa kahit bumabagabag sa akin ang nangyari kay mama.
"I'm tired of pretending, why are we doing this?" bigla akong napaangat ng tingin kay Nikkolai na nakatingin rin sa akin ngayon.
"Lets stop this Li, talo ako, di ko na kaya, miss na kita."
—🌻
p.s. I'm sorry guys if parang nagiging boring na 'tong story ko, sobrang busy ko na kasi sa school especially that finals na namin this coming week, aaminin ko, I'm lacking of inspiration for this story pero I'll still try to do my best to put colors into it agaiin. So 'yoon lang, stay safe💛.