Sobrang busy ko na nitong mga nakaraang buwan dahil may part time narin ako tuwing sabado at linggo, kaya halos wala na akong pahinga, di ko alam kung tao pa ba ako o ano. I am barely living to be honest.
Simula nung tinawagan ko si Carl at nalaman ang diagnosis kay mama, feeling ko binagsakan na ako ng langit at lupa. Na diagnosed si Mama ng grade 3 tumor, matagal niya na palang nararamdaman ang mga sintomas nito pero pinasawalang bahala lang niya.Nag tanong tanong narin ako sa mga senior kong taga neuro at pareho pareho sila ng sinabi, malala ang sakit ni mama at mababa ang survival rate nito kung sa simpleng ospital lang siya dadalhin, kaya naman nagsusumikap akong magtrabaho ngayon para madala ko siya rito sa Manila.
"Are you okay? minsan nalang kitang nakikita ah. Are we okay?" tanong sa akin ni Nikkolai nang ihatid niya ako pauwi, ngayon niya lang ako naabutan, maaga akong pumapasok at maaga akong umuuwi dahil may online job pa ako.
"Huh? ah...oo naman ayos lang naman ako at ayos naman tayo, sadyang busy lang talaga ako." sagot ko.
Seryoso si Nikkolai sa sinabi niya noon, he's literally courting me kahit walang kasiguraduhang sasagutin ko siya, minsan na lang kami magkita pero lagi niya akong tinatadtad ng message, masama naman ang tingin sa akin ni Rina, lalo ata siyang nagalit sa akin nang kumalat sa ospital na nililigawan ako ni Nikkolai, madami na rin akong naririnig na masasakit na salita mula sa iba, na mang aagaw daw ako,kesyo ganyan kesyo ganto, pero sa sitwasyon ko ngayon, wala na akong oras para pansinin ang mga 'yon, I have more important matter to think and to lend my time.
Di na ulit nagsalita pa si Nikkolai hanggang sa makarating kami sa apartment ko, he even brought some food to cook at di ko 'yon alam, he insist to cook me dinner dahil namamayat na raw ako, di naman na ako nakipag argue pa dahil parang wala na akong energy para doon.
"Maliligo lang ako." paalam ko kay Nikkolai at tumango lang ito bago nagtungo sa kusina. Kinuha ko naman ang damit at tuwalya bago nagtungo sa CR, tinawagan ko pa si Carl bago naligo, kinumusta ko si Mama at maging siya narin, mabuti naman daw lagay ni mama at di inatake ng sakit ng ulo ngayon dahil sa painkillers na pinepescribed sa kanya.
Pagbalik ko sa kusina ay nakita ko siyang malapit nang matapos kaya hinanda ko na ang mga pinggan.Maya maya pa ay sinerve na nito ang adobo niyang halos isang linggo niyang aralin na lutuin.
"Ikaw palang nilulutuan ko ng ganyan." hirit pa nito habang kumakain kami.
Nginitian ko lang siya ng tipid at nagpatuloy sa pagkain, naradaman ko naman ang pagtitig niya sa akin.
"Ano?" tanong ko habang di nakatingin sa kanya.
"Kung may problema ka, pwede kang magsabi sa akin, di naman ako judgemental, you can always tell me anything." nakangiting sabi niya.
Tinignan ko naman ito at ngumiti."Thanks."
"Or if you want, may kilala akong psychologist, mabait 'yon, you can talk to her if you want." dugtong pa niya.
Tumingin naman ako sa kanya at bahagyang natawa."Ayos pa naman ako, pagod lang."
"Ohh.. I don't really mean that way tho, I mean, kung gusto mo ng babaeng friend, aside kila krystal? Grace is very friendly and mag kasing vibes lang kayo. In case you need someone to talk to." pagpapaliwanag niya.
"Thanks sa concern and seriously, ayos lang talaga ako." i assured him.
"You sure?" paninigurado pa nito.
"Oo nga, and who's grace, first time ko ata siyang marinig." curious na tanong ko habang nagsasalin ng tubig.
"Selos ka ba?" panunukso pa nito kaya muntikan ko ng mabuga ang tubig na ininum ko.
"Duh,, nagtanong lang ako, tsaka 'bat naman ako magseselos?" Depensa ko sa sarili ko.
"I'm just kidding, by the way, she's a friend from Cagayan." sagot nito.
"Layo ah, iba din ang isang Nikkolai umaabot sa Cagayan ang connection." biro ko.
Siya naman ang nagsalin ng tubig ngayon."uhh,,,it's not like that, I just know her because of Hans, we are secretly doing some charity sa isang orphanage doon, it was Hans thing, and I just want to help too so I joined him."
"Ohhhh, or baka sila na Hans?" mas lalo akong na curious.
"Baliw, they're siblings according to him, tsaka may girlfriend na si Hans, anak ng CEO sa isang sikat na publishing Company dito sa Manila." natatawang sagot niya dahil sa reaction ko.
"Weh? may girlfriend na si Hans? di halata ah."di makapaniwalang sabi ko.
"Shhhhh, atin atin lang 'to ah, ako lang ang nakakaalam dahil nahuli ko sila sa parking lot one time, so no choice si Hans kundi umamin but he made me stay silent about that dahil gusto niya ng lowkey relationship."
Tumango na lang ako, sometimes we need to give a person his own privacy. They have the right to keep a relationship if that ensures their peace.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay nagpaalam na si Nikkolai sa akin.
"Ingat ka bebe loves." nakangising sabi nito bago ko masara yung pinto.
"Ang corny mo, 'kaw ang mag ingat baka di ka makauwing buhay." biro ko at sinara na ang pinto, sumandal ako rito at huminga ng malalim bago nagtungo sa aking kwarto.
I honestly appreciate him. I only I could reciprocate his feelings towards me, kung hindi lang sana mahirap.
Weeks had past and we need to go to Baguio for our Free Medical service, our hospital always does this every Christmas. I packed my things for tomorrow.Kay Nikkolai ako sumakay kasama si Hans, krystal at Rina...nauna pa siyang sumakay sa passenger seat sa tabi ni Nikkolai na siyang kinainis ni Krystal, samantalang ako...ayos lang naman, like it wont kill me naman right?
We arrived in Baguio much earlier than Mateo and Eli. Agad kaming nagtungo sa hotel na tutuluyan namin, we even had a little arguments kung saan ako mag roroom, Krystal wants me to join her and Eli once they arrive, but Rina wants to join us too, but Krystal is not in favor and was ready to point the audacity of Rina to join but before she could do that, pumagitna na ako, in the end, Rina and I stayed on the same room.
"Masaya ka na ba ngayon? You fake!" agad na pangduduro sa akin ni Rina, di ko pa nalalapag ang dala kong gamit eh.
I choose to ignore her because I don't want a fight, I know that I was in fault too, kahit na hypothetically thinking, wala naman akong kasalanan talaga. I already did my best for her, di naman ako Diyos to manipulate Nikko's heart.
She was about to talk again when my phone rang, it was Carl...and the next thing he said broke my heart, without a second thought, I grabbed my sling bag at kumaripas ng takbo, the elavator was taking so long so I took the stair instead, halos mahulog na ako't lahat pero wala na akong pakialam.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng hotel building ay agad akong pumara ng taxi at nagtungo sa Baguio Gen. kung saan na ka admit si mama. Agad akong sinalubong ni Carl sa labas ng ospital, he was crying and that was enough for me to break down.
My mom was in a critical condition, she needs the treatment already, pero di ko 'yon afford, my savings was not yet enough, ayaw ko namang galawin ang perang nakalaan para sa pag kokolehiyo ni Carl, that was for him. Di ko na alam ang gagawin ko, gulong gulo na ako.
After an hour, my mom's condition become stable, but that was just temporary, she can be attack again and if I will not yet decide, pwede na siyang mahiwalay sa amin.
My phone keeps ringing, andami kong narerecieve na text at calls, rest day namin ngayon pwede pa kaming gumala but that is not my concern now. I met with Dra. Guttierez, siya nalang ang maaari kong lapitan ngayon.
I hate being abandoned the most. If going beyond is the only way to make people stay beside me, then I am willing to 'till the end of the earth.
—🌻