"Sino nga 'yon?"halos di ako tigilan ni Rina hanggang sa makapasok kami ng apartment ko.
"Kaibigan nga." sagot ko at nilapag sa lamesa ang gift ng kapatid ko.
"Ano yan?"turo niya rito.
"Regalo para kay Carl." sagot ko habang kumukuha ng tubig sa ref.
Tumango lang ito at tinignan ulit ako na parang nagdududa.
"Pamilyar yung sasakyan, boyfriend mo 'no?" paninimula niya ulit.
"Ilang ulit ko bang sasabihin na kaibigan lang." niiritang sagot ko.
Inirapan niya lang ako.
Nasa likod ako ngayon ni Dra. Guttiererez, ang senior ko at kasalukuyang kaharap namin ang isang mag ina.
"Nakuha na po namin ang result. We saw a lump on the result of your son's CT scan kaya po nag pa MRI tayo noon, and unfortunately po, the lump might be cancerous so we need to do a biopsy." Paninimula ni Dra.
Agad naiyak ang nanay habang nakatulala lang ang binatang anak niya na sa panghuhula ko ay halos ka-age pang ng kapatid ko.
"The location of the tumor isn't ideal, meaning mahihirapan po tayong tanggalin ito sa simpeng surgery lang, kaya kailangan niya pong mag undergo ng chemotherapy o radiation therapy." pag tutuloy ni Dra. at pinakita ang larawan ng result ng CT scan sa mag ina.
"Pero bago po natin gawin ang mga treatment, gaya po ng sinabi ko kanina, kailangan po nating magsagawa ng biopsy para ma-confirm ang diagnosis. But as of now, I'm suspecting that it is neuroglioma at kung grade 1 o 2 lang ang tumor, radiation therapy is enough and the survival rate is high pero kung nasa stage 3 o 4 na yung tumor, we need to combine chemotherapy and radation therapy but the survival rate is low." Pag papaliwanag ni Dra. na siyang mas nagpaiyak sa nanay, the son was silent and emotionless, but I can see through his eyes that he's breaking into pieces inside. Ang bata niya pa magkaroon ng ganitong sakit. Sometimes, life is indeed very cruel.
Pagkatapos ipaliwanag ni Dra. ang iba pang impormasyon ay iginiya ko na sila palabas.
Inabot naman sa akin ni Dra. ang isang file pagbalik ko sa loob." Request a biopsy, sabihin mo urgent, naaawa ako sa mag ina."
"Sige po Doc." sagot ko at mabilis kinuha ang papel at lumabas na ng opisina niya.
"Balikan mo nalang ulit mamaya or I'll contact you nalang." Saad ni Dr. Alfred nang iabot ko ang papel.
"Sige po." sagot ko naman at pinagpatuloy ang shift ko.
Paglabas ko ng ward ay nakasalubong ko si Nikkolai na halatang kagagaling din sa kabilang ward.
"Lunch?" tanong nito sa akin.
Tumingin ako sa sout kung relo at pasado alas dose na pala, tumango nalang ako at nagpunta muna kami sa opisina ng department namin para ilapag ang mga hawak naming records.
Papasok na sana kami ng cafeteria nang may sumalubong sa amin, it was Rina. She was about to greet me when she noticed that I'm with Nikkolai, kaya nag palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
"A-Ah hehe, Nikkolai this is Rina by the way, my bestfriend." pag papakilala ko kay Rina to break the silence.
"Oh...hey, nice meeting you." saad ni Nikkolai at ngumiti ng tipid.
Si Rina naman ay parang di alam ang gagawin, namumula pa nga.
"H-hi, n-nice meeting you too." she even stuttered, gusto ko tuloy lumagalpak sa tawa but of course I controlled myself.
In the end, we had a lunch together.
Ang tahimik namin, pasulyap sulyap pa si Rina kay Nikkolai at sumusulyap din sa akin, her eyes contains a lot of questions.
"So saang department ka?" Nikkolai started to ask Rina.
"Anesthesiology." pabebeng sagot niya.
Napailing nalang ako at tinatago ang ngiti sa pag kain.
"Oh...nice, best friend with different specialization" pag tango ni Nikkolai.
"Possible naman 'yon diba." Saad ko at sumulyap silang dalawa sa akin.
"Oo naman, it's just a rare sight for me, karamihan kasi sa mga magkakaibigan nag susunuran diba." sabi niya sabay kain.
Naisip ko naman, he and his friends, kung kaibigan man niya yung mga 'yon, they've taken different paths too.
"Oh, mauuna na ako sa inyo, quick lunch lang ako ngayon, I have a surgery to assist." biglang saad ni Nikko pagkatapos niyang kumain at sakto rin ang pag ring ng cellphone niya.
Tumango lang kami ni Rina at nagpatuloy na ako sa pagkain.
"See you later Li." pahabol pa niya at tinapik ang likod ko. Tinanguan ko lang ulit siya at uminom ng tubig. Tinaasan ko naman ng kilay si Rina nang mapansin nakatingin siya sa akin.
"Close pala kayo? Sabi mo di mo siya kilala. So totoo pala yung mga rumors na lagi kayong sabay kumain ng lunch at hinahatid ka pa daw niya minsan, I even saw a picture of you too from a stolen shot ng isang nurse kaninang umaga, nasa mall kayong dalawa, yun yung day na pinuntahan kita sa apartment mo pero wala ka, and ngayon ko lang narealize na sasakyan niya pala yung naghatid sayo nung last, kaya familliar." derideritsyo niyang sabi sa akin.
Napaawang naman ang labi ko but I composed myself immediately.
"Hi---" I was about to say something when she cut me off.
"Are you two dating?" she directly asked me.
Napapikit nalang ako, I know that this moment would come.
"Of course not." I honestly answered dahil 'yon naman ang totoo.
"Do you like him?" sunod na tanong niya ulit.
Napabuntong hininga naman ako."Hindi rin."
She looked at me intently, not convince with my answer.
Kaya napabuntong hininga ulit ako." Rina look, It is true that hindi ko siya kilala when you told me about him, nakilala ko lang siya nung sa party, diba lumabas ako noon 'don? Nakita ko siya sa labas, he was finding a dog, and the dog happened to come to me. And nagsimula ko lang naman din siyang mapansin dahil lagi mong kinikwento, na-curious lang ako na ka-departmemt ko pala yung lagi mong inis-stalk nung college tayo, I'm not even aware of him dahil naka focus lang ako sa ginagawa ko. And yeah kasama ko siya sa mall and I hide it from you dahil alam kong mag seselos ka and think like what you're thinking right now. But to tell you the truth, from the bottom of my heart and soul, I'm not interested with him, we're just friends and my intentions are pure." I explained. I hate what's happening.
Unti-unti namang nagliwanag ang mga mata niya, parang bata na nabalik ang laruan.
May sasabihin pa sana siya pero biglang nag ring yung phone ko, ready na daw yung biopsy result kaya dali dali akong nag paalam kay Rina at halos takbuhin ko yung hallway para makuha na agad yung result.
"Stage 1 yung tumor and luckily it's not cancerous. Radiation therapy alone will do." paliwanag sa akin ni Dr.Edward kaya naman nakahinga ako ng maluwang.
"Salamat po Doc."masayang sabi ko pag kaabot ko ng result. Agad akong nagpunta sa opisina ni Dra.Guttierez at pinakita sa kanya ang result.
Kitang kita ko rin ang saya sa mukha niya.
Pabagsak akong umupo sa upuan sa may hallway habang hinihimas ang likod ng leeg ko. I feel so restless, derideritsyo ang duty ko ngayon, halos di na ako makahinga sa sobrang toxic ng schedule ko, pinadala kasi sa kabilang branch ang ibang resdidente.Tumayo lang ako nang maring kong nagagalit na ang tyan ko, gutom na siguro ang mga alaga ko, kaninang lunch pa ang huling kain ko, amputek talaga, parang want ko nalang maghanap ng sugar daddy 'tas siya na bahala sa lahat.
-🌻