It's been months already, actually ber months na ngayon, Christmas is approaching, I got to know Nikkolai's whole friends, si Krystal, Mateo, and Hans, they're all kind. I also get to know some secrets, that Mateo likes Lau, and vice versa but they keep on denying it to their selves. Bagay nga sila eh, and gusto ko si Mateo para kay Lau, they're both just so good. Hoping the right time will come for them to be together already.
Kung noon, si Rina lang ang ka hangout ko or mostly sarili ko lang, ngayon hindi na, Nikkolai's circle accepted me as one of them, parang pamilya narin, hindi lang ako, si Lauren din. Everything's turning good not until Nikkolai said that he's courting me noong naglaro kami ng truth or dare sa apartment ni Mateo pero binawi niya rin agad, na nag jojoke lang siya, I hope it's really a joke.
Because things are not turning out well with Rina, I'm trying my best to hook her with the squad kahit minsan nakakahiya na kila Krystal dahil kinupkop lang din naman nila ako and ayaw ko namang as in na ipagtulukan ko si Nikkolai sa kanya, natuto na ako.
"Kela Mateo ulit mamaya?" tanong ni Hans sa akin na kasabay kong naglalakad sa hallway, sa kanilang apat siya ang pinakamadaldal at maingay sunod si Krystal.
"Pag di pa ako pagod." sagot ko, bumalik na sa dati ang sched ko, from 7 am to 7 pm.
"Di 'yan." nakangiti nitong sabi sabay tapik sa balikat ko bago pumasok sa isang kwarto.
"May party mamaya, sama ka." napatingin ako kay Rina na biglaang sumulpot sa tabi ko hababg nagsusulat ako sa record.
"Kaninong party?" tanong ko nang di naglilipat ng tingin sa sinusulat ko.
"Birthday nung isang friend ko from general surgery, gwapo 'yon tas crush ka ata, lagi kang tinatanong sa akin eh." nanunuksong sagot niya.
Sinara ko naman ang hawak kong record at tumingin sa kanya." Baliw, ikaw nalang pumunta tinatamad ako, tawag ka nalang pag di mo na kayang umuwi."
Nginitian ko lang siya pagkatapos at akmang aalis na sana ako nang magsalita siya.
"Siguro may date kayo ni Nikko. Magtapat ka na kasi sa akin Li." mapait na sabi niya.
Napapikit nalang ako ng mata, heto nanaman kami." Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wala akong gusto sa kanya at kaibigan lang ang turingan namin."
"Kung totoo yan, come with me to the party and give a chance to Leo." nanunubok na sabi niya.
This time I looked back at her."Wala kang karapatan utosan ako kung sino ang mamahalin ko o bibigyan ko ng chance, why would I do that to a person I barely know, di ko nga alam na nag eexist siya eh, tas bibigyan ko pa siya ng chance? Rina out of limits ka na rin eh, ano bang gusto mo? Ipakain ko sayo si Nikkolai? kung pwede lang sana noon ko pa ginawa pero hindi eh. Ginawa ko na lahat ng kaya ko para magkalapit kayo, hindi ko na kasalanan kung ayaw niya talaga, pero kung mapilit ka, do it on your own, basta wag mo akong idadamay in case na may masamang mangyari, I'm done with this, di na ikaw ang Rinang kilala ko."
With that I walk away feeling a pain, ngayon ko lang siya sinumbatan ng ganito, because through out our friendship, siya lagi ang iniintindi ko kahit siya ang mali minsan.
I bumped on Nikkolai sa hallway pero tinanguan ko lang siya and I walked away, I need to be refresh, nakakapanghina lang ang lahat.
Umakyat ako sa rooftop at doon naupo sa pinakadulo, walang pakialam kung mahulog man ako o hindi, tinanaw ko ang boung siyudad na malapit ng kainin ng dilim, di ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko.
Dapat di ko 'yon sinabi, I felt bad for Rinah, bakit ba ang rupok ko pagdating sa kanya, kahit alam kong ako ang tama ngayon feeling ko ako parin ang mali.
Di ako pumunta sa inaalok ni Hans kaninang umaga, mas pinili kong umuwi nalang, i-chachat ko nalang sila. Pero pagdating ko sa harap ng unit ko, nakita ko doon si Nikkolai na parang batang naiwan ng nanay dahil nakaupo ito sa pinto ko habang nakayuko. Nagangat lang ito ng tingin at tumayo agad nang makita akong dumating.
"You're here." sabi niya.
"Ginagawa mo dito? Di ka pumunta kila Mateo?" tanong ko habang binubuksan ang apartment ko, pumasok ako at sumunod naman siya.
"Hindi." sagot niya at sumalpak sa sofa.
Nagtungo naman ako sa kwarto ko at naligo bago nagpalit, feeling ko kasi nasa akin na lahat ng virus. Paglabas ko, nakita kong nagluluto na si Nikkolai, ganyan na kasi siya, lagi na siya rito kahit minsan tinataboy ko di parin siya nagpapatinag.
"'Bat ka nagluluto?" tanong ko rito kahit alam ko na ang sagot niya. Dahil gusto ko.
"Dahil gusto ko." see?
Umupo ako sa stool at tumitig sa likuran ni Nikkolai."Nag away kami ni Rina, medyo masakit mga binitawan kong salita."
Tumingin lang siya sa akin saglit bago pinapatuloy ang paghahalo ng niluluto niya." Anong pinag awayan niyo?"
"Ikaw." sagot ko.
Napahinto naman ito sa ginagawa pero di siya tumingin sa akin, alam naman na siguro niya kung bakit siya, sinabi ko na kasi sa kanya noon.
"I'll talk to her." sagot lang niya at nagpatuloy ulit sa ginagawa.
"Nikko...I know, it's a little bit overboard na but I'm desperate...di mo ba talaga mabibigyan ng kahit konting chance si Rina, kahit konti lang...alam kong nakakahiya na ako sa sasabihin ko pero di ba pwedeng mag try kayong dalawa tas kung wala ka parin talagang nararamdaman edi tama na, gannon?" I desperately said, alam kong ang tanga ko sa parteng 'yon.
Napatigil naman ulit siya sa ginagawa niya but this time he looked back and met my eyes."Why are you doing this? I mean why are you going through this just because of her? She doesn't even care for you, baka nga di ka pa niya tinuturing na totoong kaibigan, di mo ba napapansin? she's always taking advantage to you,alam ko siya yung kaibigan na sinasabi mong laging wala kung kailangan mo at kung kailangan ka lagi kang nandoon para sa kanya, do you think I'm dumb enough not to realize that it's your own story? huh?"
"Nikko---"
"Cut it off Li, Di ko alam kung anong utang na loob ang meron ka sa kanya, di ko maintindihan Li, why would you do everything for her? huh? bakit? I'm sorry to say this but she's fucking fake!"
Nakayuko lang ako, di ko alam ang sasabihin ko kasi bakit nga ba? Alam ko naman 'yon eh, nararamdaman ko 'yon pero I choose to shrugged it away.
Siguro dahil siya lang ang naging kaibigan ko ng ganoong katagal, siya lang ang nag stay...dahil kailangan niya ako.
"Do you really want me to do it?" napa angat ako ng tingin kay Nikkolai ng magsalita siya.
Nagtitigan lang kami bago siya bumuntong hininga at nag iwas ng tingin."Fine, I'll do it, but until then, don't talk to me ever, let's pretend we don't know each other anymore. Consider this as my biggest gift to you before cutting our friendship. I hope you will not regret this Li." and with that, he went away. Pagkasara ng pagkasara ng pinto ay doon bumuhos lahat ang luha ko.
-🌻