Chapter 26

10 0 0
                                    

Kalila's POV:

Tahimik na nakasandal ang ulo ko sa may malambot na sofa habang nakatingin sa kawalan. Magkahalong hilo at antok man ang nararamdaman ko, pinipigilan ko pa rin na mapapikit dahil nakakahiya naman kung bigla-bigla akong makakatulog dito sa bahay nina Bea.

Hinigpitan ko na lang ang hawak ko sa bote ng vodka para mas lalo kong maramdaman ang lamig nito sa palad ko. Alam kong marami-rami na rin ang naiinom ko at sa totoo lang ay hindi ko na mabilang kung ilan. Samantalang ang ibang officemates ko ay patuloy pa rin sa kanilang masayang kantahan at sayawan.

Lumilinga-linga ako sa paligid para muling hanapin si Mireille. Pero ilang segundo makalipas ay saka ko maaalala na nakaalis na nga pala sila ni Patrick.

Patrick? Sino nga ulit si Patrick? Ah. Oo. Yung kasama niya kanina na ang kulit-kulit.

Bakit nga ba ulit siya makulit? Lalo akong naguguluhan ngayon at para akong timang na kausap ang sarili ko.

Pakiramdam ko ang dami-dami ng nangyari kanina pero hindi ganun ka-klaro sa akin dahil parang wala yata ako sa sarili ko nung mga panahon na yun. Saka lang ako medyo nahimasmasan nang makasuka at makaihi ako kanina sa banyo. Pero mukhang nagsisimula nanaman akong mahilo dahil hindi ko pa tuluyang hinihinto ang pag-inom ko.

Hindi naman talaga ako sanay at malakas uminom. Kaya nga mas gusto ko na sa bahay na lang uminom tuwing nag-aaya si Hazel. Lagi akong tumatanggi kapag ang aya niya sa akin ay sa mga bar o kaya sa mga party.

Pero heto ako ngayon, nagbabakasakali na baka maalis ng alak ang kung ano-anong nararamdaman ko. Magkakahalong lungkot, inggit.. selos. Oo, nagseselos ako. Bakit parang ang dali-dali para sa ibang tao na mapalapit sa kanya. Bakit sa akin, ang hirap-hirap?

"Earth to Kalila", my attention was caught as my endless thoughts were suddenly interrupted by someone.

Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. "Sir Lucas, kayo po pala", saad ko ng may tipid na ngiti.

Tumabi siya sa akin kaya saglit akong nag-alis ng tingin dahil umusog ako sa may dulo ng sofa para hindi naman ganun ka-sikip. Ipinatong ko ang braso ko sa may armrest at nung tumingin ako pabalik kay Sir Lucas ay nakita ko ang mga mata niyang nakatingin ng diretso sa akin. 

His gaze quickly shifted to something else as he took a sip of his beer. Hindi ko alam kung may gusto ba siya sabihin o gusto niya lang talaga maki-upo. I just chose to not think about it that much and continue to drink.

He looked down and cleared his throat before looking towards me once more. "Parang ang lalim-lalim ng iniisip mo kanina", he gave a warm smile.

Pinilit kong ngumiti pabalik sa kanya. "Hindi naman po sa ganun, Sir."

He just nodded slowly at saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "You have a really good voice", he said after a pause.

I lightly chuckled while shaking my head, "Not really, sir. But thank you."

Natawa lang siya sa sinabi ko, "Sus, ayaw pa maniwala."

Saglit pa kaming nagtawanan nang mapansin kong unti-unting nagiging seryoso ang ekspresyon niya sa mukha. He let out a quick sigh before speaking up, "Do you want to talk about it? It seems that you have something going on."

He gave a small smile while I sigh heavily. For the past few months, Sir Lucas was nothing but kind to me. He seems trustworthy too. Pansin ko nga na parang ang dali lang sa mga empleyado na pakisamahan siya at makagaanan siya ng loob.

Pinilit ko ulit ngumiti at saka siya hinarap. "Iniisip ko lang po kung ganun ba talaga ako ka-hirap na pakisamahan", matamlay kong saad.

He quickly shook his head. "That's not true! Ang approachable mo nga eh. I also had a good time when we had coffee before", he smiled.

Because I Don't Love You Where stories live. Discover now