Kalila's POV:
"Ms. Kalila, sorry sa abala, medyo urgent sana ang mga 'to. Pwede pahanap si Ma'am Via dahil kailangan ang pirma niya sa iilang pages.", pakiusap ng officemate ko, tinutukoy niya yung mga bagong financial statements na ginawa.
"Hala, okay lang. Wag kang magsorry", sabi ko at kinuha ang mga papeles mula sa kanya. "Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?", tanong ko.
"Ang huling balita ko papunta raw siya sa office ni Sir Lucas ngayon eh", he tilted his head on the side na parang sinisigurado pa sa sarili ang sinasabi.
"Okay sige. Dalhin ko na ang mga 'to. Naka-progress naman na ako sa mga ginagawa ko", I smiled.
"Osige, maraming salamat ha!", he seemed relieved.
Yakap-yakap ang mga papeles, naglakad na ako papunta sa office ni Sir Lucas. Isa-isa ko na ring binasa ang laman ng papeles incase na may tanong siya. Chineck ko na rin kung saang mga pahina siya pipirma.
Nang marating ko na ang office ni Sir Lucas ay huminga muna ako saglit bago mahinang kumatok. I opened the door and took a small step para sumilip sa loob ng office. Bahagya lang akong pumasok, nananatili ang isang paa ko sa labas.
Well, my officemate is right. Nandito nga ang pugita. Saglit na napatingin si Ma'am Via sa akin. She had a frown on her face and she seems to be in a bad mood. Matapos niya akong tignan for like a second, binalik niya ang tingin kay Sir Lucas.
"Hey there, Kalila", bati sa akin ni Sir Lucas. "What do you need? Don't just stand there. Come in", he gave a warm smile.
Medyo nahiya naman ako pero pumasok na lang ako kaysa kausapin ko sila mula sa pinto. Pero papasok pa lang ako ay nagsalita na si Ms. Via.
"Seriously, Lucas?", she glared at him. "Narinig mo ba yung sinabi ko?", mataray niyang salita.
"You were saying?", nakingiting asar ni Sir Lucas kay Ms. Via.
"Argh!", Via groaned.
Natawa naman si Sir Lucas sa reaction ni Ms. Via. "Just kidding. I heard what you said", panloloko ni Lucas kay Via.
"Well.. ", panimula ni Sir Lucas. "..Si Mireille ang kilala ng mga investors natin sa Hongkong. Right now, they need some reports and documents. Of course, they'll be requesting for Mireille. It's because they're already comfortable talking to her. Iba ang dating ni Mireille sa kanila. Sa talino at galing ba naman niya", he said. "Hmmm, feeling ko tuloy kailangan ko i-libre ang batang yun. Nakakamiss din siya kasama kumain sa labas", he put his hand on his chin as he whispered to himself.
"You just keep on sending her away. Ugh", Ms. Via whined. "Hindi mo man lang siya pagstayin dito ng matagal", she pouted like a kid.
Lucas just shrugged bago tumawa sa nakasimangot na si Ms. Via. He looks like he's enjoying picking on Via. "Di ko naman madalas pinapalabas ng bansa ang bb mo. Ikaw naman. Ngayon-ngayon lang dahil maraming inaasikaso sa mga investors natin sa Hongkong", sabi niya at tumawa.
I kept a straight face pero deep inside I flinched at what Sir Lucas said.
And medyo awkward na rin na nakatayo lang ako rito at nakikinig sa kanila.
"Well, what do you need Kalila?", tanong ni Sir Lucas na para bang na-feel ang pagiging awkward ko.
"Uhm, good morning Sir. I didn't mean to interrupt, but our department needs Ms. Via for these", I told him and gestured the papers. I shifted my gaze to Ms. Via, "we needed a couple of your signatures. It seems urgent."
"Oh, urgent daw oh", Sir Lucas made a peace sign at Ms. Via at ngumuso sa mga hawak-hawak kong papeles.
Ms. Via rolled her eyes at him. "Damn you, Lucas."
Nanlaki ang mga mata ko at ang kaninang poker face ko ay napalitan ng gulat matapos marinig ang sinabi ni Ms. Via
"I'm sorr-, what?", he asked, looking shocked and amused but still keeping his smile.
"I said.. Damn. You. Lucas!", she said firmly at maarteng tumalikod. Mabilis siyang naglakad palabas ng office, dala-dala na ang mga papeles na hawak ko kanina pa.
Medyo napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkagulat sa inasta ni Ms. Via. She's really brave. She got the nerve to talk like that.. and sa CEO pa talaga!
"Kindly pardon us", he lightly chuckled. Napansin niya siguro na medyo nagulat ako sa paraan nila ng pag-uusap. "We're really like this. It's because we're batchmates. Classmate ko siya buong college kaya sanay na ko diyan", he said.
"But she's actually nicer than you thought", he winked.
Ughhh. Why do people keep on saying that?!, I mentally scrunched my face.
I gave a small smile as I bowed a little as a sign of leaving. But as I turn around, I heard Lucas called to me.
"Kalila", he said hesitantly.
"Sir Lucas?", I was quite caught by surprise.
He looked away a little before fixing his gaze at me. "I had fun at our coffee", he smiled a little and lightly scratched the back of his neck. "Can we do it again.. sometime?", he gave a warm smile.
Kahit na nahihiya ako ay parang mas nakakahiya naman kung bigla akong hi-hindi. It feels a little rude.
"Of course, sir."
***
It's already past 9pm. Nandito pa rin ako sa office. At sinong mag-aakalang mago-overtime ako? May mga bagong dating na documents na kailangan gawin kaagad. In my few months working here, this is actually the first time that I had to stay here for extra work.
Kakaunti na lang talaga ang mga nandito sa loob ng building. Sa department nga namin, ako na lang yung natitira.
Naisipan kong gumawa ng coffee saglit kaya umalis muna ako sa area ko. I came across Ms. Jasmine Garcia, ang secretary ni Sir Lucas, na mukhang pauwi na. Paminsan ko lang siya nakikita dito. Napakabuti niya sa akin sa buong time na nagwork ako sa RLC kaya medyo comfortable ako sa kanya.
"Ms. Jaz!" tawag ko habang nakangiti.
"Kalila", she smiled. "Still working?", she asked.
"Opo, may mga kailangan na pong tapusin eh. Kayo po?", I asked.
"I'm about to go home na. I just brought someone some coffee. Napakasipag din kasi. Anyway, don't stay up too late ha. Kumain ka na ba? Kumain ka pa rin ng maayos and rest well after this. I'll go now, take care!", she waved and smiled.
Natuwa naman ako sa pagiging maaalalahanin ni Ms. Jaz. Kaya pansin ko parang ate siya ng halos lahat dito.
"Kayo rin po! Ingat, Ms. Jaz!", I waved back.
Matapos kong magcoffee, bumalik na ako sa kailangan kong trabahuin. Kakaunti na lang naman at matatapos ko na siya. After a few minutes, finally, I smiled as I saved my work at the PC.
Naiihi ako bigla kaya medyo nagmamadali akong pumuntang comfort room. Dali-dali kong binuksan ang comfort room pero nagulat ako nang makita si Mireille na sa loob nito. Her face looks really pale and she's slightly sweating. Her hand covers her mouth while the other holds a tight grip at the sink. She looks really awful.
Nanghihina siyang tumingin sa akin. Medyo nanlaki naman ang mata ko dahil sa pag-aalala sa kanya kaya dali-dali ko siyang nilapitan.
"Are you okay?", I asked in a worried and panicked tone. I softly rested a hand on her arm. Hinawakan ko rin ang noo niya para i-check ang temperature niya. Ang init niya!
She softly pushed my hand away. "I'm fine", she struggled to say while taking out quick breaths na parang hinihingal.
She was about to walk past me when a loud thud was made as she abruptly fell down on the floor.
"Mireille!"
YOU ARE READING
Because I Don't Love You
RomanceAfter working hard in becoming a Certified Public Accountant, Kalila Vienn Cortez finally decided to step-up in many aspects of her life-including her career life and social life. A lot of things seems to be moving forward except for one thing-her l...