Chapter 20

8 1 0
                                    

Kalila's POV:

Nanghihinang naglakad si Mireille papalayo sa akin nang makarinig ako ng isang malakas na tunog sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya na halos humiga na sa sahig. She looks really pale and weak.

"Mireille!", I exclaimed.

Mali man ang timing ng pantog ko pero pakiramdam ko ay nagbounce back ang ihi ko matapos siyang makitang bumagsak. Parang umakyat ang dugo ko dahil sa panic at kaba.

Aligaga at puno ng pag-aalala na yumuko ako pababa sa tabi niya. Dahan-dahan ko siyang inalalayan para maka-upo siya. I sighed in relief as she wasn't knocked unconscious. Napakahirap kung mahihimatay siya. That case is not really good.

"Mireille, don't fall asleep yet. Hindi ka okay. Mas lalong la-lala ang kondisyon mo kung magiging unconscious ka", I said worriedly as I touch her cheek.

She was struggling to stay awake kaya ang ginawa ko, I opened the faucet. Nagbasa ako ng kamay at pinunas ang iilang tubig sa kanya. Para manatili siyang gising.

"I-I'm s-sorry. Nandilim a-ang paningin k-ko kanina", she tries to say in quick breaths.

I put away a few strands of her hair that was covering her face. I held both of her cheeks as I look at her intently. "Hey, it's okay. Don't apologize, please?", I comforted her. "What do you want me to do? You want me to bring you to the hospital?", I asked worriedly.

"No!", mabilis niyang tanggi.

Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Pero lalo akong nag-alala nang dali-dali siyang pumasok sa isang cubicle at nagsuka.

Agad ko naman siyang sinundan. Sa totoo lang, nawiwindang na ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko alam pano ko siya matutulungan. Grabe ang pag-aalala na nararamdaman ko habang hinihimas ang likod niya. I also held her long hair dahil baka masama sa toilet bowl.

"Ugh, go away. It's disgusting", she groaned, looking embarrassed.

I gave her a look habang nakayuko pa rin siya sa toilet bowl. Di ko alam kung susuka pa ba siya o ano.

"Ano ka ba? Wag mo ko intindihin! Okay lang 'to", I said as I wiped the sides of her mouth with my long sleeves. "Ikaw nga pakiramdam ko onti na lang isusuka mo na yang organs mo", I said seriously. "Dalhin na kita sa hospital, Mireille."

She just shook her head, "No, I can deal with this. Ang complicated pa kung mago-ospital ako. And this is not the first time."

Not the first time?! Ano naman kaya ang pinaggaga-gawa mo babae ka!, I mentally scolded her with the idea that she's not been taking care of herself.

But I kept that in mind. It's not what she needs right now.

"I just want to go home. I have my medicine at my purse. Right now, I just want to rest", she softly said.

I nodded slowly at that. "May kasama ka ba sainyo?", I asked.

"Umm..", she looked away. "Wala..", she hesitantly said. "But I'll be fine. You can now leave."

"No! Hindi ka okay. Uuwi kang mag-isa na ganyan ka? Papaano pagdating mo sa inyo? Hindi ka nga makalakad ng maayos!", I furrowed my eyebrows at her.

"I said.. I'll be.. fine. Please.. leave", hirap na hirap siyang sabihin.

My jaw slightly dropped. I looked at her in disbelief. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. "Inaapoy ka ng lagnat tapos nagsusuka ka and you want me leave?!", I exclaimed as I protested. Mukhang nagulat siya sa mga sinabi ko and she pouted like a kid dahil doon.

Because I Don't Love You Where stories live. Discover now