Kalila's POV:
Mireille..
I stood still.. frozen.. while looking at that person in a distance.. walking towards us.
My eyes are completely wide and everything around me seems to blur.
My vision focused on her. Only her..
My jaw was slightly open as I look at her. Nararamdaman ko na parang may nakabara sa lalamunan ko. Parang ang daming salitang gustong lumabas.
Gustong-gusto ko banggitin ang pangalan niya. Pero wala akong ibang nagawa ngayon kundi ang titigan siya.
She looks so gorgeous and professional in her white, spaghetti strap top along with her black coat and black pants that fit her perfectly. She's also wearing white heels na lalo pang nakapagpatangkad sa kanya.
She looks so flawless and fierce with her long, wavy brunette hair at para siyang model dahil sa aura niya.
Habang papalapit siya sa amin ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Humihigpit na rin ang paghawak ko sa mga documents na kanina pa nasa kamay ko. I can't help but be mesmerized by her. She's like a goddess..
Gusto kong ibaling ang tingin ko pero hindi ko magawa. My eyes remained focus on her. Samantalang hindi ko makita ang kanyang mga mata dahil sa suot niyang dark sunglasses.
Biglang tumayo si Via nang nakalapit na si Mireille kaya napilitan muna akong tumabi.
"Hey welcome back!", Via held Mireille's arm at humalik sa kanyang pisngi.
Ang awkward lang na andito ako sa gilid at hindi ko mapigilang hindi sila pagmasdan.
I can't help it.
Nandito siya. Yung taong gustong-gusto ko makita.
"How's Hongkong?", tanong ni Via na may abot-tengang ngiti. Naka-kapit pa rin siya sa braso ni Mireille.
"Fine", tipid na sagot ni Mireille.
Napansin ko namang mas matangkad pa rin si Ms. Via kaysa kay Mireille.
Saglit pa silang nagkamustahan. Nananatili pa rin akong nakatayo habang hawak-hawak ang documents na hinihingi ni Ms. Via kanina. After standing here that feels like forever, Via finally noticed me.
"Oh. Wait. I have our new management accountant. She's only been here for just a few days", sabi niya at ibinaling ang tingin sa akin.
Lalong humigpit ang hawak ko sa mga papeles nang bumaling ang atensyon nila sa akin.
"This is Kalila Vienn Cortez...", she gestured towards me.
"... and this is Mireille Angelique Salvador. Our VP for Finance", she smiled as she gestured her.
Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakaharap kami sa isa't isa.
I felt very nervous and uneasy as I find the right words to say, "I-It's n-nice to meet you Ms. Mireille.."
"Pleasure", tipid niyang sabi bago dahan-dahang lumapit sa kinatatayuan ko.
Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo sa harapan ko.
Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko at napako ang tingin ko sa kanya. She was getting closer kaya napasandal ako sa pintuan na nasa likuran ko.
Because of the distance between us, I can't help but notice kung gaano nagmature ang itsura niya. Lalo siyang gumanda.
I was looking at her and admiring her beauty when she suddenly spoke up.
"Door", she said firmly.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya, "Huh..? What doo-"
"You're blocking the door to my office", she said impatiently.
"Oh. I'm sorry", sabi ko at dali-daling tumabi.
Dire-diretso siyang pumasok habang sinundan ko lang siya ng tingin. I really can't believe that she works here.
I was still mesmerized at her when Ms. Via made me snap back to reality.
"So? The reports?", mataray na tanong ni Via.
Tahimik na binigay ko kay Ms. Via ang mga hinihingi niyang documents. I kept looking sa office ni Mireille. I still can't get over the fact that she's here.
"Well? Do you still need anything?", I was startled when she raised an eyebrow at me.
Onti na lang talaga at aahitin ko na ang kilay nitong babaeng 'to!
"No po..", I quietly said and shook my head.
"Then go. Ano pang tinatayo-tayo mo dito?", she crossed her arms.
I took a last glance at Mireille's office bago tahimik na naglakad palayo. Pagkalakad ko ay saka ko pinakawalan ang hininga na parang kanina pa gustong kumawala.
***
"Nanggi-gigil na talaga ako sa babaeng yun!", I exclaimed while holding my cup of coffee.
Nandito kami ngayon ni Hazel sa isang coffee shop sa MOA. Naisipan naming magkita at gusto niya ring magpakwento sa experiences ko sa ilang linggo kong pagtra-trabaho sa Rodriguez Land Corporation or RLC.
"Kanino nanaman?", kunot noo niyang tanong. "Yung dun sa Octavia nanaman?"
"Oo. Yung si Octavia na yun nanaman", sabi ko at masamang tumingin.
For the past weeks, hindi ko talaga siya napalagayan ng loob. Wala ata sa vocabulary nun ang bait. Sungit at taray lang.
And another thing na nakakainis sa kanya.. ay kung paano siya kumapit-kapit kay Mireille!
Sa iilang taon na nagtra-trabaho si Via sa RLC, yung mga officemates ko halatang sanay na. Pero sa akin, nakakainis pa rin!
"Di ko maiwasang mainis sa Octavia na yun", inis na bulong ko.
"Octavia na kala mo Octopus kung makakapit.. bagay sa kanyang tawagin Octopus", I sniggered.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Hazel, "Wow, Love. Nahawa na sa pagiging bitch ko ha?", she smiled in amusement.
Tinignan ko lang siya ng masama at natawa lang sa akin ang loka.
Hindi ko rin maiwasang mainis dahil kahit ilang linggo na akong nagtra-trabaho sa RLC, hindi ko man lang nakausap ng maayos si Mireille.
Sagabal pa minsan yung bwiset na Octopus na yun! Hindi tuloy ako makahanap ng timing!
"Iinumin mo ba yang kape mo o sasamaan mo na lang ng tingin yang hangin?", tanong sa akin ni Hazel.
Bumuntong-hininga na lang ako at saka itinuloy ang pag-inom ng favorite kong White Chocolate Mocha.
"Kalila, just always remember na kapag gusto, laging may paraan", she suddenly spoke up.
Bigla naman akong napatingin sa kanya. I looked at her questioningly.
"I was saying, sa mga gusto mong mangyari diyaan sa work mo. Kung gusto mo tapatan yang Octopus na yan, may paraan. As well as sa lahat ng gusto mong ma-achieve", she smiled.
I slowly nodded as I took a sip of the drink.
She's right. Kung gusto ko talaga makausap si Mireille.. may paraan!
Noon hinayaan kitang malayo sakin..
At hindi na yun pwedeng mangyari ulit..
YOU ARE READING
Because I Don't Love You
RomanceAfter working hard in becoming a Certified Public Accountant, Kalila Vienn Cortez finally decided to step-up in many aspects of her life-including her career life and social life. A lot of things seems to be moving forward except for one thing-her l...