Chapter 28

9 1 0
                                    

Kalila's POV:

Bigla kong naramdaman ang pagbalik sa realidad nang maramdaman ko na may mahinang tumatapik sa pisngi ko.

Kahit na gising na ako ay ramdam ko pa rin ang bigat ng pakiramdam ko. Napakasakit ng ulo ko at hirap akong dumilat. Di ko rin alam kung bakit pati katawan ko ang bigat-bigat.

Lalo akong naalimpungatan nang muli nanaman akong tapikin sa mukha.

"Hazel, ano ba. Ang aga-aga ang likot-likot mo!", maktol ko. Kinapa ko ang comforter at iniangat ito hanggang sa ulunan ko. I lay on my stomach comfortably with my arms and legs spread widely on the bed.

"Ah ganon..", rinig ko mula sa isang di pamilyar na boses.

My mind didn't even start processing yet when I felt the comforter being abruptly pulled by someone.

"Babangon ka ba o babangon ka?!", masungit na tanong ng isang babae.

Saglit.. parang kilala ko ang boses na 'to ah! Pero hindi yun pwede.. imposible namang andito si...

Natigil na naman ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang lakas ng pwersa ng unan na dumampi sa may bandang likod ko. Bigla tuloy akong napabangon at idinilat ang isang mata. "Via?!", gulat na gulat na tanong ko.

Kinuha nanaman niya ang unan at saka ito hinampas-hampas sa akin, "Ilang beses ko ba sasabihin sayo na mas matanda ako sayo kaya tawagin mo kong ate!"

"Aray.. aray ko! Oo na! Tama na!", reklamo ko habang inihaharang ang braso ko mula sa pwersa ng paghampas niya ng unan.

She gave me a glare while I'm still in my state of shock and confusion. Nalasing nanaman ako kagabi! I mentally cursed. Worse, kasama ko pa si Ms. Via rito.. 

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Bakit siya nandito? Bakit suot niya ang pambahay ko? Hindi naman siguro..?!

Nagmamadaling ibinaba ko ang tingin ko sa katawan ko. Iba na ang damit na suot ko. Nakapambahay na ko. Ibig-sabihin.. naghubad ako?! Bakit?! Wala naman sigurong nangyari sa amin ni ate Vi--

"Aray!!", nawala ako sa pag-iisip dahil sa malakas na hampas ng unan.

"Ayusin mo nga 'yang mukha mong di maipinta! Hoy, wag kang feeling ah! Akala mo naman may mangyayari sa atin?! Excuse me. Over my dead body!", giit niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. May point naman siya. Considering our current situation, walang may magi-initiate sa amin para may mangyari sa aming dalawa. 

"Get up. We'll have breakfast soon", seryoso niyang saad. "Yung gamot sa hangover mo nasa lamesa sa labas. Kumain muna tayo bago mo yun inumin", yun lang at lumabas na siya ng kwarto.

Hilot-hilot ang sentido na nagtungo ako sa banyo. Naghilamos ako at nag-toothbrush. Tinignan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin. Mukha naman akong maayos at malinis, maliban na lang sa mukha kong mukhang pagod na pagod. Idamay mo pa ang mga mata kong namamaga.

Bakit namamaga nanaman 'tong mga mata ko? Wala naman akong maalaalang umiyak ako kagabi. 

Pero sabi rin ni Hazel, madalas daw kapag lasing ako, medyo namamaga ang mata ko kinabukasan. Hindi ko naman alam kung bakit.

Napakarami ko ring tanong sa isip ko. Ang huling pagkakatanda ko pa kase ay nasa bahay ako nina Bea, nakikiparty, umiinom. Kaya gulat na gulat ako nang magising at agad kong inalala kung papaano ako nakauwi. Ang masaklap pa rito,  si Ate Via pa ang kasama ko. Yung tao pa talaga na kinaiinisan at kinagigigilan ko!

Because I Don't Love You Where stories live. Discover now