Chapter 27

5 1 0
                                    

Kalila's POV:

Akma nang bubuksan ni Ms. Via ang pinto sa passenger seat nang bigla niya akong lingunin at tapikin ng malakas sa ulo.

"Via?!", she raised a brow. "Ganun lang ang tawag mo sakin? Via?", mataray niyang tanong.

I furrowed my eyebrows and pouted. I slightly leaned my head backwards and defensively covered my forehead. "W.. wala naman a..akong sinasabi na ganu-", paliwanag ko pero bigla nanaman siyang sumabat habang nagsasalita ako.

" 'Bakit ganito na lang kung umakto si Via?' ", panggagaya niya sa akin at umarte pang antok at nahihilo.

I was taken back by what she said. Pati pala 'yon narinig niya.

Nagulantang nanaman ako nang maramdaman ko ang malakas na tapik niya sa kamay ko na nakaharang sa noo ko. Di makapaniwalang tinignan ko siya. Lalo yata akong nahihilo sa ginagawa niya.

"Oo! Narinig ko yon!", bulalas niya. "Hoy bata ka! Tandaan mo na mas matanda pa rin ako sayo ha! Via Via- ka diyan.. Ate mo pa rin ako!", she said as a matter of fact.

Wala na talaga akong lakas na makipagtalo sa kanya kaya pinili ko na lang manahimik. Baka mamaya kung ano nanaman ang masabi ko. Binuksan na niya ang pinto ng kotse niya at saka ako mahinang tinulak para makapasok. Pikit ang isang mata na sinubukan kong sumakay pero agad akong nauntog dahil hindi ako nakayuko ng maayos.

Natawa naman ako sa katangahan ko at parang baliw na tinatawanan ko ang sarili. Via stared at me in disbelief with widened eyes and furrowed eyebrows.

"Lahat ba ng lasing ganyan ka-tanga katulad mo?!", she exclaimed and let out an exhausted sigh.

"Sorry na po, ate..", nakalabing paumanhin ko. Antok na talaga ko at hilong-hilo na.

Napailing siya at saka ulit ako inalalayan pag sakay ng kotse. Iniharang niya ang kamay sa ulo ko para siguraduhin na hindi na ako mauuntog ulit.

Matapos niya akong alalayan ay agad siyang sumakay sa driver's seat.

"Seatbelt", paalala niya habang inaayos din ang kanyang seatbelt.

Gusto ko man kumilos pero parang hindi ko magawa. Nanatili lang ang ulo ko sa may headrest habang unti-unting napapapikit ang aking mga mata. Pansin niya siguro na hindi ko magawang ayusin ang seatbelt ko kaya siya na rin ang nag-ayos nito.

Wala pang isang minuto mula nung napapikit ako ay agad akong napabalikwas dahil nararamdaman ko na parang may nagva-vibrate sa bandang inuupuan ko. Magda-drive na sana si Ms. Via pero bigla siyang napahinto at nagtatakang tumingin sa akin.

"Vi— ay, A.. ate Via..", nangingiyak na tawag ko sa kanya. "M.. may.. nagva-vibrate.. s.. sa..", hindi mapakali kong sabi.

"Saan?", she asked impatiently.

"Sa.. sa ano ko! Doon! San galing yun?!", nagpa-panic kong turo sa may mismong ano ko!

She leaned towards me a little and looked in between my pants. Samantalang hindi na maipinta ang mukha ko. Ang weird kasi sa pakiramdam! Para akong nakikiliti na ewan.. doon! Ugh!

Napatakip siya ng bibig at impit na tumawa bago niya muling ibinalik ang tingin sa akin. I still gave her an uneasy expression.

"Gaga ka. Naupuan mo kasi yung isa ko pang phone. Iniwan ko nga pala yan diyan. May reminder siguro kaya nag-aalarm at nagva-vibrate", pigil ang tawa niya habang nagpapaliwanag.

Hayy, phone lang pala! Kala ko naman kung ano!

Pinilit kong i-angat ang pwet ko para kuhanin ang phone niya. Nagsimula na siyang magdrive at itinuon ang atensyon sa daan. Matapos kong kunin ang phone ay matamlay na iniabot ko ito sa kanya. Hindi siya lumilingon kaya dinikit-dikit ko ito sa pisngi niya.

Because I Don't Love You Where stories live. Discover now