Chapter 14

9 1 0
                                    

Mireille's POV:

"Angelique, anak?. Wala pa ba ang bisita natin?", tawag sa akin ni mama habang inilalapag ang mga niluto niya sa hapagkainan.

Sanay si mama na tinatawag akong Angelique at siya lang at mga relatives ko ang tumatawag sa akin sa 2nd name ko. Birthday niya ngayon at ang gusto niya, mag-invite ako ng kakilala ko for dinner para raw hindi lang kaming dalawa ang kakain ng mga niluto niya.

Separated na ang parents ko kaya hindi mo na mapagsasama ang mama at papa ko sa isang lugar. Pero kahit ganun ang nangyari, mahal na mahal ko pa rin ang parents ko at hanggat kaya ko, I'll be there for the both of them.

"Ma, masanay na po kayo na late madalas ang babaeng yun. Magugulat na lang kayo maggra-grand entrance nanaman yun", sabi ko habang inaayos ang mga utensils at plato sa mesa.

And as if that person heard us talking, I suddenly heard the door open with footsteps approaching near the dining area.

"Happy Birthday Mama Belle!", masaya at malakas na bati ng babae sa mama ko.

Parang bigla namang nabuhayan ang bahay ni mama pagkarating ng nag-iisang bisita namin. Kahit di na ko lumingon ay alam na alam ko na kung kaninong boses ang narinig ko.

Speak of the devil and the devil shall come, saad ko sa aking isip habang naiiling.

"Zelay!", tawag ni mama sa walang iba kundi si Hazel Grace na may abot na tengang ngiti. Yun ang nickname namin sa kanya simula pa noong mga bati pa kami. 

Dito lang naman kami sa bahay magdi-dinner pero ang suot niya ay isang gray silky wings dress na  kasing ikli ng casual shorts. Medyo mahaba rin ang v-neck line sa harap kaya kita ang toned collarbone niya. 

Kala mo talaga sa fine dining kami kakain ano? Pero dahil si Hazel yan, sanay na kami. Besides, she can still wear whatever she wants.  

Nagmamadaling lumapit si Hazel kay mama habang naka-extend ang mga braso upang yakapin ang mama ko. Natatawa habang napapailing ako kay Hazel. Akala mo talaga bata eh. 

"Grabe, Mama Belle na-miss ko kayo pati na rin 'yang luto niyo!",sabi ni Hazel habang yakap-yakap ang mama ko at kunwari ay humihikbi pa.

I just watched them with a smile as they talk warmly to each other. 

"Aba, lalo kang gumanda Zelay!", sabi ni mama matapos nilang magyakap. Mas matangkad kami ni Hazel kaysa sa kanya kaya medyo nakatingala siya ngayon kay Hazel.

"Kayo rin po lalong gumaganda!", proud na ngumiti ako sa sinabi ni Hazel. Siyempre, maganda talaga ang mama Isabelle ko. Hindi mo rin gaano makikita ang katandaan sa kanya kahit magfi-fifty years old na ito. 

"Di pa rin po kayo nagbabago ng hairstyle 'no, mama Belle?", sabay tingin sa wavy, brunette na buhok ni mama na umaabot lang sa may bandang dulo ng leeg. 

"Nako, hindi. Ito ang favorite ko", nakangiting sagot ni mama. Actually, parehas kami ang may paborito ng ganung hairstyle. Nung una, paborito ko yun dahil favorite ni mama. Pero kalaunan, hindi ko yun binago dahil naging favorite siya ng isa sa mga naging importanteng tao sa buhay ko. Si Kalila. 

" Kay ganda rin naman ng buhok mo, Zelay. Maganda ka talagang bata, ano?", puri ni mama habang hinahawakan ang buhok nito na abot sa kanyang likod. 

Mukhang tuwang-tuwa nanaman ang isa dahil sa mga sinasabi ng mama ko. "I know right, Mama Belle", ngiting-ngiting sabi ni Hazel at hinawi pa ang buhok.

Tumaas naman ang kilay ko dahil flattered na flattered naman ang Hazel. I can't help but let out a mocking laugh.

Napansin naman ito ni Hazel kaya natuon ang atensyon niya sa akin. "Ikaw!", tumaas ang boses niya at sinamaan ako ng tingin.

Because I Don't Love You Where stories live. Discover now