Kalila's POV:
Tahimik akong naglalakad habang pinagmamasdan ang paligid dito sa MOA by the Bay. It's already 4pm at ang nakakatuwa ay hindi ganun ka-init. Malakas ang simoy ng hangin at nakakatuwang panuorin ang mga pamilya at magkakaibigang nagbo-bonding. Pero di ko mapigilang mapangiwi at mapaiwas ng tingin sa mga magjowang ang swi-sweet.
My gaze shifted at the wide view of the bay. Seeing bodies of water calms me a lot. Kaya gustong-gusto ko ang dagat. Para sa akin, napakarelaxing na panuorin ang mahinang pagpitik ng mga alon. While watching the view, I can't also help but admire kung gaano kaganda ang langit.
I continued walking slowly while keeping my vision at the view. Pero nagulat ako at napahinto nang may bumanggang isang maliit na batang babae.
Bigla siyang napahiga sa sahig dahil hindi niya yata ako napansin habang tumatakbo siya ng mabilis. I became worried dahil mukhang hindi maganda ang pagkakabagsak ng pwet niya sa lupa. I immediately kneeled down para tulungan siya.
"Hey, are you okay? Nasugatan ka ba?", I asked habang chine-check kung nasugatan ba siya o nagasgasan.
Tahimik lang siya na nakayuko. Bakas sa kanya ang pagkahiya. "I'm sorry po", bulong ng bata na halos hindi ko na marinig.
Hinihimas niya ang kanyang likod habang nakapout. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin dahil nga siguro nahihiya. Tinulungan ko naman siyang makatayo habang pinapagpag ang dumi sa damit niya. Ang cute niya dahil hanggang bewang ko lang siya.
"Okay lang yun", nakangiting sagot ko sa kanya. "Don't worry about it", saad ko habang inaayos ang nagulong buhok ng bata. Nakayuko pa rin siya habang inaalis ko ang ilang hibla ng buhok niya na nakatakip sa mukha niya.
Tinignan ko nang mabuti ang bata as I slightly tilted my head. Teka lang, parang kilala ko ang batang 'to ah."Lexie?", tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang napatingin sa akin and she also tilted her head at the side. Pinagmasdan niya rin ako na parang kinikilala ako. "Tita Lila?", tawag niya sa nickname ko ng may abot-tengang ngiti.
I nodded while smiling widely. Si Lexie ay isa sa mga pamangkin ni Mireille na iilang taon na tumira sa kanila. Kaya tuwing nasa bahay ako nina Mireille noong college pa kami, madalas kaming naglalaro ni Lexie. 3 years old pa lang siya nung una ko siyang nakilala at inalagaan namin ni Mireille ng 2 taon.
"Natatandaan mo pa ako?", I asked while running a hand through her hair. Mukha pa rin siyang bata. Napakababy face niya.
"Opo!", she said enthusiastically at yumakap sa bewang ko.
"Lalo ikaw tumangkad Tita Lila", she said while her face is still buried on my shirt.
Natawa naman ako sa kanya. "Ikaw ang baby baby mo pa rin. Huling nagkita tayo 5 years old ka pa lang. Ngayon at ilang taon na yung lumipas para ka pa ring 5 years old."
Inangat niya ang mukha niya mula sa pagkakadikit sa may t-shirt ko at tumingin sa akin. Nagpout siya habang ang maiikling braso ay nakayakap pa rin sa bewang ko.
Ang cute cute talaga ng batang 'to. "Joke lang, mukhang mga.. 6 years old naman", I said with a chuckle. Pero seryoso, parang hindi naman siya gaanong lumaki at nagbago.
My attention was entirely focused on her nang may biglang sumigaw sa di kalayuan. "Lexie!! Where are you?!", tawag ng isang babae.
Lumingon ako sa direksyon kung nasaan ang boses na agad ko namang nakilala. Napangiti ako nang biglang kumapit ng mahigpit si Lexie shirt ko.
I saw her while she's walking in a swift manner. Nakasuot siya ng isang white spaghetti strap top and maong shorts. White shoes naman ang sapatos niya at meron din siyang sunglasses na nakataas sa may ulo niya.
YOU ARE READING
Because I Don't Love You
RomanceAfter working hard in becoming a Certified Public Accountant, Kalila Vienn Cortez finally decided to step-up in many aspects of her life-including her career life and social life. A lot of things seems to be moving forward except for one thing-her l...