Kalila's POV:
Tamad na tamad na idinilat ko ang mga mata ko bago bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napabuntong-hininga ako dahil pakiramdam ko ay araw-araw na lang na mabigat ang loob ko simula nung araw na pumunta kami sa La Union para i-introduce ang isa sa mga properties ng RLC sa company nina Patrick.
Magkakaibang emosyon ang nararamdaman ko tuwing naiisip ang gabing yun. Pain? Loneliness? Fear? Worry? Hindi ko na rin mai-point out pa.
***
1 week ago..
"I like you, Reille", buong puso kong banggit sa babae sa aking harapan.
She seemed to be silent kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko para tignan siya. Pero para akong binagsakan ng lupa ng makita ko ang mga mata niyang puno ng luha. Shit. I made her cry. Her eyes are widened and her beautiful face screams a lot of emotions.
Agad akong napaatras at napabitaw sa kanya. She seems very surprised at hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin kaya lalo akong nagpanic. Pakiramdam ko namumutla na ko ngayon dahil hindi ko na alam ang gagawin. Parang bigla akong nagsisi sa padalos-dalos na ginawa ko.
Takot at pangamba ang pinakabumabalot sa akin kaya bago pa ko makarinig ng hindi maganda ay agad na kong tumakbo palayo sa kanya.
***
Kinabukasan ng araw na yun ay maaga kaming umalis pabalik ng Manila. Hindi na kami nagkaroon ng opportunity para makapag-usap ulit. I wanted to apologize to her pero nabalitaan ko on the same day na lumabas ulit siya ng bansa dahil kasama ulit siya sa mga meetings sa iba pa naming international clients.
Bumaba na ako sa unang palapag at natanaw ko ang walang kalaman-laman na dining area..
Dahil simula nung pag-uwi namin mula La Union.. hindi na ulit nagpakita si Ate Via para sa breakfast.
***
"Guys! Kindly pay attention! May announcement sa atin si Ms. Jaz!", sigaw ng isa naming officemate.
Magalang na bumati kami kay Ms. Jaz na sinuklian niya rin ng masiglang pagbati at ngiti.
"Everyone..", nakangiting tawag sa amin ni Ms. Jaz. ".. It's been exhausting and tiring for all us for the past few months. Napakarami ng naging trabaho and it's not even our busy season yet. But still, I would like to congratulate everyone for your perseverance and dedication to this company."
Masayang nagpalakpakan ang lahat. Totoo na sobrang nakakapagod talaga ang mga nakaraang buwan. Mahirap din kasi magwork sa corporate world, lalo na sa isang kilalang kumpanya na katulad ng RLC. Kaliwa't kanan ang mga responsibilidad.
"Pero bago pa tayo tumungo sa busy season na yan.. Alam niyo naman na 'to diba? It's already this time of the year everyone!", excited na panimula ni Ms. Jaz.
"I-ready niyo na ang mga swimwear niyo, Finance and Accounting Department, for our Annual Team Building!", masayang balita ni Ms. Jaz sa amin.
Masayang naghiyawan at nagpalakpakan ang mga kasama ko. Mukhang sila rin excited na excited. Malalawak ang ngiti nila at hindi nila mapigilan ang tuwa. Samantalang ako, medyo confused pa dahil ito nga ang unang taon ko sa kumpanya.
"Finally, Ms. Kalila. Mae-experience mo na rin ang pa-team building ng RLC. Sobrang saya nun, promise!", nakangiting saad ng officemate ko.
"Sana ako naman ang mabunot ngayong taon sa Day of Your Dreams na contest", banggit sa hindi kalayuan.
Saglit kong tinapik ang officemate kong si Bea para magtanong tungkol dun sa narinig ko, "Bea, ano raw yun? Yung Day of Your Dreams na contest daw na yun?"
YOU ARE READING
Because I Don't Love You
RomanceAfter working hard in becoming a Certified Public Accountant, Kalila Vienn Cortez finally decided to step-up in many aspects of her life-including her career life and social life. A lot of things seems to be moving forward except for one thing-her l...