Chapter 11

11 1 0
                                    

Kalila's POV:

Naglalakad na ako papasok sa RLC nang may biglang nahagip ang mata ko.

Si Mireille!

A smile formed my lips as I saw her. I can't help but feel happy everytime I see her, even though I think that she doesn't feel the same. Napakabusy niya rin kasi sa trabaho kaya hindi ako basta-basta lang na nakakalapit sa kanya.

She was walking towards the front desk receptionist habang ako ay papasok pa lang ng establishment. My eyes are once again fixed towards her.

She was wearing a navy blue, v-neck, classy dress that reaches her knees. Nakalugay lang ang kanyang mahabang buhok and I can't help but look at her as she put a few strands of her hair behind her ear.

Shit. My heart won't calm down for her.

Nang mapansin ko na matatapos na siyang makipag-usap sa front desk, dali-dali akong naglakad palapit sa kanya.

Sakto nang tumalikod siya ay ang pagsulpot ko sa harapan niya.

I waved my hand a little and smiled.

It's no wonder I earned a simple frown and cold gaze at her.

Shit. Shit. Shit. 

Hindi siya natutuwa.. I mentally cried.

I smiled nervously as I greet her, "Good morning, Reille."

Lalo lang kumunot ang noo niya as she gave me a glare.  Her piercing, light brown, eyes looks cold yet admirable at the same time.  Bigla naman akong nagpanic sa reaksyon niya. I lightly bit my lip nervously.

This is not good. Ughh.

"I mean.. Mireille", I chuckled uneasily. "I said Good morning, Ms. Mireille", I kept my smile.

She kept a straight face as she walked past behind me. Habang ako rito, naiwang nakatanga na lang.

I sighed habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo.

You are so damn difficult! Grrr! Good morning na nga lang ayaw mo pa!, I pouted.

After ko magtime-in, I started walking towards the elevator when I felt my phone vibrated.

I continued walking slowly when I grabbed my phone at my pocket at tinignan kung sino ang nagmessage.

I smiled when I read that it was my stepfather.

Nangangamusta siya and nag-update kung nasaang country sila ngayon ng mom ko.

Recently lang dumating sa buhay namin ang stepdad ko pero nakapalagayan ko na kaagad siya ng loob. Mabait siya and mas approachable kaysa sa mom ko.

Sa katunayan nga, mas maayos kong nakakausap ang stepdad ko. When I met him 3 years ago, he was very welcoming and kind. Tinuring niya akong anak.

Ang nakakalungkot lang, sa stepdad ko mas nararamdaman na may magulang pa ako.

My eyes are still fixed at my phone nang makita ko ang oras. It's almost 8am. Medyo binilisan ko na ang lakad habang sine-send ko sa stepdad ko ang reply ko.

I was putting my phone away nang may nabangga akong lalaki.

"Ay tipaklong ka!", I exclaimed. Nagulat ako dahil wala naman itong tao na 'to kanina.

Bigla-biglang humihinto sa paglakad eh!

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita kung sino. 

Pero nagulat ako nang mapansin kong nalaglag yung folder na hawak niya na may mga laman na papeles. Nagkalat tuloy ang ibang mga papel sa sahig.

Nanlaki ang mata ko sa mga nagkalat na papel kaya agad ko naman silang pinulot.

"Nako po, nakakagulat ho kayo. Sa susunod po sana wag kayong bigla-biglang hihinto kapag naglalakad kay-"

I was interrupted when this man spoke up. "Kalila..? Right?", tawag niya sa akin.

Nag-angat naman ako ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makita ko na siya pala si Sir Lucas Rodriguez!

Shit. Yung president slash CEO pala 'to!

Hindi ko napansin! Inuna ko pa manermon!, nangingiyak na ko sa isip ko. 

"Hala sir!", I looked at him nervously. "Hindi ko po sinasadyang tawagin kayong tipaklong kanina", I explained with panic. "Expression lang po yun.. tas nagulat lang po ako kaya ako biglang--"

"Hey, Kalila", he cut me off as he laughed. "It's fine."

Binaba ni Sir Lucas ang hawak niyang briefcase. Dahan-dahang siyang yumuko upang magpulot na rin ng mga nagkalat na papel.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya", he apologized silently.

Agad ko namang napansin na namumutla siya. He doesn't look okay.

"Medyo nahihilo kasi ako kaya bigla akong napatigil sa paglakad. Hindi ko rin sinasadyang malaglag yung folder when you bumped into me", malumanay niyang sabi.

Jusko. Nakonsensya tuloy ako bigla sa mga sinabi ko!

Nakakahiya!

"O-okay lang po yun. Pasensya na rin po at hindi ko kayo nakita kaagad", I said as I fixed the papers inside the folder.

He just smiled faintly bago kunin ang briefcase niya. Napansin kong hirap siyang buhatin ito.

"Ako na po dito", tukoy ko sa folder na may mga lamang papeles.

"Are you sure? It's actually fin-"

Agad kong pinutol ang sasabihin niya, "Okay lang talaga sir Rodriguez. Kayo nga ang mukhang hindi okay."

He just chuckled lightly, "Kahit wag mo na akong tawaging sir Rodriguez. Lucas is fine."

"Okay, sir Lucas", I smiled lightly and we walked towards the elevator.

***

"Ms. Kalila! Ito na yung compilation ng mga reports for this week. Ikaw na bahala magdala kay Ms. Mireille? Di ko makita si Ms. Via eh", sabi ng officemate ko habang may inaayos na papers.

"Oo naman, sige. Ako na bahala", I smiled as I get the papers.

I walked towards Mireille's office pero bago ako pumasok ay chineck ko muna ang area ng pugitang si Octavia.

Yes! Mukhang busy ang Octopus ngayon!, sabi ko sa isip ko nang hindi ko siya nakita sa area niya. Natuwa naman ako dahil hindi uma-aligid ang impakta.

As I hold the door of Mireille's office. I smiled dahil may rason nanaman ako na makipag-usap at makalapit kay Mireille.

I still have that smile on my face as I entered her office.

Pero bigla itong nawala at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita ko ang isang tao na ayaw na ayaw kong makita..

Several thoughts lingered in my mind as I looked sternly at Via's eyes.

I can already feel the frustration at the sight of you, alone.

Yet it cannot be compared to what I feel at the sight of the both of you, together.

Because I Don't Love You Where stories live. Discover now