Kalila's POV:
Hala.
Hala. Hala. Hala.
Tama ba yon? Nalasing ako kagabi? Arghhh ang sakit ng ulo ko, bwiset ka Hazel!
My thoughts were interrupted ng makaramdam ako ng paa na sumisipa sa pisngi ko.
Inis na pinalo ko ng malakas ang paa ng kasama ko sa kama kaya bigla siyang napaupo.
"Kalila naman umagang-umaga namamalo!",reklamo ni Hazel na sarado pa ang isang mata. Halatang antok na antok.
"Ikaw nga umagang-umaga naninipa! Bat mo pinapahalik sakin yang paa mo? Ang likot mo matulog!", I exclaimed.
"Argh!", she groaned at humiga ulit.
Naisipan ko namang magtanong sa kanya tungkol sa kagabi.
"Zel?", tawag ko sakanya habang lumalapit sa kanya.
"mmm..", she just hummed while her eyes still shut.
"Paano tayo nakauwi kagabi?", I asked while I lightly poke her cheek.
"Sumakay tayo ng kotse ko, duh! Ikaw lang naman ang wasted kagabi!", sabi niya habang nakapikit pa rin.
"Ah ganun. Akala ko kasi kagabi, may kasama tayo. Akala ko nga may kinakausap ka eh", sabi ko dahil hindi ko ganun na naaalala yung kagabi.
Saglit na natahimik si Hazel, nananatili pa ring nakapikit.
After a few seconds, she spoke up.
"Ano ka ba siz. Akala mo lang yun. Wala akong kausap kagabi at tayo lang ang magkasama kagabi hanggang pag-uwi."
"Oh okay", I nodded slowly.
Oo nga naman. Wala naman kaming nakita ni Hazel na kakilala namin or kakilala niya. Baka akala ko nga lang yun.
***
"Welcome to Rodriguez Land Corporation, Ms. Cortez. I'm Jasmine Garcia, incase you don't remember", siya yung babae na kumausap sa akin before ako magkaroon ng interview with Mr. Lucas Rodriguez.
She smiled at me and I smiled back, "Natatandaan ko po kayo. Kalila na lang po ang itawag niyo sa akin."
She smiled. "Okay, Ms. Kalila. You're the new management accountant, right?", she asked nicely.
"Yes po, Ms. Garcia.", I nodded.
"Jaz na lang. Yun ang tawag sa akin ng halos lahat dito. Meanwhile, I'm the personal secretary of the president."
Saglit kaming nag-uusap ni Ms. Jaz dito sa may elevator habang papunta kami sa may accounting department.
Magaan siya kasama at halatang napakabait. Natuwa naman ako dahil ang approachable ng personality niya.
Habang naglalakad papunta sa accounting department, di ko maiwasang kabahan.
Kakayanin ko kaya dito?
Magiging maayos kaya ang work ko rito?
Paano na lang kung may makaaway ako?
Nangingiyak na ko sa loob ko sa totoo lang. Kaya nagulat ako nung hinawakan ni Ms. Jaz ang balikat ko at ngumiti sa akin.
"Halatang kinakabahan ka, Kalila. Don't worry, the whole team will be here to help you grow", she smiled.
"Ms. Jaz, naiiyak na ko", sabi ko at sumimangot.
"Kaya mo yan", natatawang tinapik niya ang dalawang balikat ko. "Oh nandito na tayo."
I took some deep breaths habang tahimik na nakasunod kay Ms. Jaz.
YOU ARE READING
Because I Don't Love You
RomansaAfter working hard in becoming a Certified Public Accountant, Kalila Vienn Cortez finally decided to step-up in many aspects of her life-including her career life and social life. A lot of things seems to be moving forward except for one thing-her l...