Chapter 18

9 1 0
                                    

Kalila's POV:

Madamdaming tinitignan ko ang mga pictures sa gallery ko habang umiinom ng iced coffee. My lips were forming smiles from time to time as I keep the straw in my mouth. These are the pictures that I took from the day that I spent time with Mireille and Lexie. Mahilig ako kumuha ng aesthetic photos and right now, namimili ako ng pwedeng i-wallpaper.

There are pictures habang nasa rides kami, habang naglalakad sila, at kung saan-saan pa. Natutuwa rin ako tignan ang mga pictures ni Lexie na halatang napaksaya nung araw na yun. Then I stopped at a particular photo that made me smile.

It was Mireille and Lexie walking towards the MOA Eye. It was a wide shot na nakatalikod silang dalawa ngunit nakatingin sa isa't isa. They were smiling at each other, at nasa harapan nila ang makulay na ferris wheel.

"Love, onti na lang iisipin ko ng inlove ka", the person in front of me grinned, making my smile disappear.

Napatingin ako sa coffee buddy ko na walang iba kundi si Hazel. Tinignan ko siya ng masama dahil sinira niya ang moment ko sa panibago kong wallpaper.

"Oh ano, akala mo di ko napapansin yang pangiti-ngiti mo diyan?", Hazel sneered.

I raised an eyebrow and acted tough to hide my embarrassment.

"Akala mo di ko pa napapansin na wala kang maharot kaya di mo ko tinitigilan sa kaka-Love mo na yan", I answered back.

Her jaw dropped and her eyes widened, "How dare you. You decided to go there you little piece of shi-"

Bago pa niya matapos ang gusto niya sabihin ay sinamaan ko na kaagad siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Sige. Ituloy mo", I smirked.

Hindi na niya tinuloy ang dapat na sasabihin kaya napangiti na lang ako. She just pouted in response and rolled her eyes. "Sabi ko naman sayo magjowa ka muna siz", she raised her perfect brow and playfully grinned.

I just made a face at her at natawa lang siya. "Pero in fairness ha, may kakaibang ngiti na umuusbong diyaan, ayiee. Parang nung kailan lang na kinakamusta kita, may inaaway-away ka pang pugita", pang-aasar niya at tinukoy ang pagkainis ko kay Octopus—este Octavia.

Napairap ako sa kanya habang nailing. "This is nothing", tukoy ko sa sinasabi niyang pagngiti-ngiti ko raw. "Maybe feeling.. a little happy. I guess".

I smiled a little at myself. Right after Mireille and I went on bad terms, the time with Lexie at the MOA by the Bay was the longest time that we spent with each other. Masaya ako dahil kahit papaano, nakausap ko siya, nagkaroon ako ng oras kasama siya, napagmasdan ko siya, nakita ko siyang nakatawa, nalapitan ko siy—

"Uy uy uy, haluh luh luh, ayan na naman siya pangiti-ngiti na naman", pang-aasar ni Hazel habang tumatawa.

I glared at her but she just kept her smile. "Whatever the reason for that, I hope that you feel genuinely happy about it", she said.

I nodded my head while smiling a little. I can feel myself feeling fuzzy with the thought of spending time with Mireille. "I am. But this time around, hindi ako papayag na ako lang yung nakakaramdam ng saya", I mumbled. I also wanted Mireille to be sincerely happy.

At gusto ko maging andiyan para sa kanya. Gusto ko manatiling andiyan para sa kanya.

"Ganito pala yung pakiramdam na nagiging concerned ka ng sobra, na nagma-matter sayo kung okay lang ba yung tao na yun, na importante sayo yung mga panahon na nakangiti siya, na humihiling ka palagi sa Diyos na sana maayos ang araw niya..", I gave a faint smile. Right now, it occurs to me how much I'm into Mireille.

"Alam mo..", Hazel looked at me intently. "You sound exactly like the person I know. Ganyang-ganyan din noon.. at sigurado hanggang ngayon", she smirked and mumbled the last part. "But am I hearing this right, you got your eyes on another person? How did I not know?", she raised a brow and grinned. 

Hindi ko masyadong masigurado kung talagang interesado ba talaga siya sa mga sinasabi ko. Kilala ko kasi si Hazel, alam ko yung actions niya kapag curious na curious siya. Hindi nga siya mapilit na tao pagdating sa mga secrets pero mahahalata mo sa kanya na hindi siya mapakali. Ngayon kasi, surprisingly, chill lang siya sa mga sinasabi ko. 

"Actually..", panimula ko. "..wala na siya sa buhay ko nung nakilala kita. That's why, obviously, you won't get to know each other. Also, at that time, I just.. didn't feel like talking about it", tukoy ko sa nakaraan. Kahit na sabihin nating bestfriend ko si Hazel, and I tell her almost everything, may takot pa rin ako na sabihin sa kanya... na nahulog ako sa isang kapwa ko babae.

Nakakatakot din na baka mailang siya.. o kaya may magbago sa pagkakaibigan namin. Napakabait ni Hazel at mauunawain din. Pero sa aspeto na ganito, hindi pa ko sigurado kung maiintindihan niya. Malay mo, napakarelihiyoso niya at dahil doon, bigla siyang maglecture sakin tungkol sa pagiging makasalanan o kung ano pa man. Hindi ibig-sabihin nito na nilalahat ko ang mga relihiyosong tao sa pagiging homophobic. Pero iba ang takot na pinaparating ng lipunan.

Napakalapit ko kay Hazel. Isa siya sa kakaunting tao na pinapahalagahan ako at pinapahalagahan ko rin. Apat na taon na kaming magbestfriends ni Hazel. Minsan, mas nakakatakot mag, "come out" sa taong mas malalapit sa atin. Dahil mas natatakot tayo sa kung ano man ang sasabihin nila.

Sigurado ako na may kanya-kanyang rason ang mga tao kung bakit hindi sila makapag-come out. Pero setting labels aside, may rason din tayo kung bakit hindi natin masabi na may minamahal tayong kapwa natin na kasarian.

And aside from everything that I had said, the reason why I didn't want to talk about falling for a girl was because I was trying to move on from that person..

.. which obviously, I failed to do so. Dahil kahit ilang taon na ang lumipas, siya pa rin ang gusto ko.. ang mahal ko. Nakakalungkot lang dahil huli na ang lahat nang mapagtanto ko yun. 

"Don't worry", my thoughts were interrupted when Hazel spoke and softly smiled. "Naiintindihan kita. You can talk about anything, whenever you're comfortable and ready", she smiled with assurance. "Well..", she tilted her head a little na para bang may seryosong iniisip. "You seem incredibly serious at that person.. hmm.. aren't you?", she questioned and narrowed her eyes, sounding.. protective?

I furrowed my eyebrows. Para saan naman itong sudden interrogation? "Of course!", I said determinedly. But I sighed after thinking how cold she remains to me. "Pero feeling ko malayo pa ang lalakbayin ko.."

She nodded slowly. "Malayo pa nga..", seryosong sabi niya at tumingin nang makahulugan.

I raised an eyebrow and chuckled uneasily, "Kung makatingin at salita ka diyan, parang alam mo ang pinagdadaanan ko ah." Mind reader na ba itong si Hazel Grace ngayon? 

Agad na nagbago ang ekspresyon niya. She chuckled lightly while shaking her head, "Maybe I don't. But I believe, that at the end of the day, the heart wants what it wants..", she shifted her gaze at the window. 

".. and as two hearts meet, they might establish maybe.. love? or.. just peace? But for the worse.. it may be destruction", Hazel added.

Hindi ko masyadong ma-pin point kung anong sinasabi ni Hazel ngayon pero isa ang masisiguradong kong napapansin ko.. she's doing her best to hide a kind of worry. 

Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ng kape ngunit narinig ko nanaman si Hazel na bumulong sa sarili niya.

"and what's worse than worse.. is that I might be held responsible for it.", she mumbled the last part that I didn't exactly hear.

Because I Don't Love You Where stories live. Discover now