Kalila's POV:
Kinakabahan at naa-aligaga ako habang nakaupo rito sa waiting area ng mga job interviewees. Kanina pa malakas ang tibok ng puso ko dahil sa parehas na takot at excitement na nararamdaman.
Pero katulad nga ng sinasabi ng iba, your brain doesn't know the difference between fear and excitement.
Kaya kapag naiisip mong natatakot ka or kinakabahan, isipin mo na lang na nae-excite ka lang, and everything will be alright.
Pero nanlumo ako at lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko nang isipin ko kung gaano ka-disaster ang mga nangyari sakin kaninang umaga.
Nagising ako 30 mins late than my expected time nang pagbangon. Minadali ko tuloy ang ligo ko at paghahanap ng damit. Di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi ng dahil sa kaba.
Yung ine-expect kong beauty rest na gagawin ko the whole night, na-epic fail.
Ayan... paggising ko, mukha tuloy akong nag-zombie rest.
Paanong di ako kakabahan? Siyempre one time, big time to. Alangan naman kapag di ako tinanggap, bumalik ako ulit na parang walang nangyari.
Mukha naman akong shunga nun.
Habang nagpre-prepare, nakaligtaan ko rin yung sinaing kong kanin kaya medyo nasunog.
Sa taranta ko, nakalimutan ko pang kumuha ng pot holder nung hinawakan ko yung kaldero kaya napaso tuloy ang daliri ko dahil sa sobrang init.
Nung nasa taxi naman, dahil sa dami ng tumatakbo sa isipan ko, muntik na ko bumaba ng hindi pa nakakabayad. Baka nga naisip ni sir na driver na balak ko talaga siya takasan.
Nako, hindi po ko ganun.
Kaya di ako magkanda-ugaga kaka-sorry sa kanya. Kaya natawa na tuloy siya sakin. Sabi siguro nun sa sarili niya, "bat kaya lumilipad ang isip ng babaeng to."
Napabuntong-hininga ako habang iniisip yung mga katangahan ko kaninang umaga.
Please naman, Lord. Wag niyo naman po paabutin ang kamalasan ko hanggang dito sa job interview. Tama na po yung kanina!
I was pouting and crossing my arms ng di ko napansin na may nakatayo na pala sa bandang gilid ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at napansin kong nakatingin na sa akin ang isang babaeng naka-corporate attire. Someone who looks like she's in her 30s.
She was just smiling at nahiya naman ako.
I suddenly stood up straight and put my hands on my sides. Nagmukha tuloy akong batang naghihimutok kanina.
She lightly chuckled before speaking up, "Hi Miss Cortez. I'm Ms. Jasmine Garcia. I already got your documents ready. But I came here to tell you that your interviewer is a little pre-occupied at the moment."
I smiled and slowly nodded my head habang dahan-dahang umupo ulit, "Umm.. it's okay po."
She smiled back, "Okay, that's good. Kindly wait for a while na lang."
She was about to leave when someone tapped her shoulder and approached her from behind.
"Sir Lucas", the woman slightly bowed her head and smiled. "Good morning sir."
Napatitig ako sa lalaking kausap ng babae. He is very good-looking at makikita mo sa kanya ang isang maamong mukha.
Napakagwapo niya tignan sa suot na gray suit at white polo na pangloob na bukas ang unang tatlong butones. His brown leather shoes completes his attire na mukhang mamahalin.
He looks really manly and professional with his brushed up hair. Kitang-kita mo kung gaano kaganda ang facial features niya. Sa katawan niya ay halata mong maayos siyang nagda-diet at nagwo-work out.
"Good morning, Jasmine", bati ng lalaki sa babaeng kausap at ngumiti.
Lalo siyang guma-gwapo kapag nakangiti. Siguro ang dami ng babaeng napa-ibig neto.
"Hello po sir. Good morning", I said as I also bowed my head a little.
His gaze shifted to me and gave me a warm smile.
"She's here to apply for the vacant job positions, right?", tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin.
"Yes sir", sagot naman ni Ms. Jasmine.
"Alright", he smiled towards me at nagpamulsa ng kamay. "Let me do the interview"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
Siya ang magi-interview sakin?!
YOU ARE READING
Because I Don't Love You
Storie d'amoreAfter working hard in becoming a Certified Public Accountant, Kalila Vienn Cortez finally decided to step-up in many aspects of her life-including her career life and social life. A lot of things seems to be moving forward except for one thing-her l...