Brilyante. Ang ugat ng ating nobela.
Sa ugat na iyan uusbong ang samu't saring kwento na bubuo sa mundo ng Encantadia.
*Linya at mga imahe mula sa sanaysay ni Imaw (Encantadia 2016 GMANetwork):
Isang mahiwagang brilyante ang noon ay binabantayan ng sinaunang reynang si Cassiopeia. Makapangyarihan ang inang brilyante kaya naman maraming nagbabalak makuha ito.
.
.
.
.
.
*Kaya upang mapangalagaan ito at kahit ikagalit pa ni Emre - ang Bathala ng Encantadia, hinati ni Cassiopeia ang Inang brilyante sa apat na bahagi na sasagisag sa apat na elementong bumubuhay sa Encantadia.
Ipinamahagi ni Cassiopeia ang mga bagong brilyante sa apat na kaharian at lahi ng mga encantado.
*Ipinagkaloob nya sa mga Adamyan ang dalisay na brilyante ng tubig na bumubuhay sa lahat ng halaman at nilalang sa Encantadia. Sa kaharian ng Sapiro , ang tahanan ng magigiting at mapagpalang mga Encantado, sa kanila naman iginawad ni Cassiopeia ang pangangasiwa sa mahalagang brilyante ng lupa , na pinagmumulan ng mga pagkain at maraming biyayang handog ng kapaligiran. Ang brilyante ng hangin,na nagbibigay hininga sa lahat ng nilalang ,ay napasakamay naman ng mga mapagkalinga at matatapang na mga diwata na siyang pinagmulang lahi ni Cassiopeia. At sa kaharian ng Hathoria, ang kahariang nagmimina at nagpapanday ng mga sandata noon sa Encantadia, ipinagkaloob ang pangangalaga sa brilyante ng apoy. Sa pag-asang gagamitin iyon ng mga Hathor para sa ikabubuti ng lahat.
*Ngunit lingid sa kaalaman ni Cassiopeia, ang kaharian ng mga Hathor ay nasisilaw pala sa higit pang kapangyarihan.
.
.
.
.
.
Hindi nagtagal ay nilusob ng mga Hathor ang kaharian ng Adamya. At kahit pa nagmakaawa na si nunong Imaw kay haring Arvak na itigil ang pananakit at pagsugod ay hindi ito pinakinggan ng hari ng Hathoria. Bagkus ay nakuha ng mga Hathor ang brilyante ng tubig sa panlilinlang ni haring Arvak sambit ang pangakong hindi sasaktan ang mga Adamyan. Sa huli ay sinaksak din ng hari si pinunong Imaw.
*Dahil dalawa na ang hawak nilang brilyante, ang kaharian ng Hathoria ang kinilalang pinakamalakas at makapangyarihan sa Encantadia.
Binuksan naman ng mga diwata ang kanilang tahanan sa mga Adamyang naging biktima ng paghahasik ng lagim ng mga Hathor. Inalagaan din ng Reyna ng mga diwata na si Minea si pinunong Imaw.
Ang mga kalapastanganang naganap ay nalaman ni Cassiopeia. Sumugod siya sa kaharian ng Hathoria at hinarap si haring Arvak. Ngunit dahil dalawa na ang hawak na brilyante ng hari ng Hathoria ay nahirapan ang sinaunang reyna na magapi si Arvak. Nasambit ni Cassiopeia na kahit nagtagumpay man ang Hathoria ay hindi ito magiging habambuhay. Sapagka't sa mga sandaling iyon ay nasa sinapupunan na ni Minea ang isang natatanging pinuno. Sinabi niya na kasabay ng kamatayan ni Arvak ay ang pagsilang ng bata. Isang matapang na nilalang na balang araw ay tuluyang magpapabagsak sa kaharian ng Hathoria.
.
.
.
.
.
Sa kabilang ibayo naman ay malugod na ibinalita ni Muros kay prinsipe Raquim ng Sapiro na may arksha sa sinapupunan ng reyna ng Lireo, na nagbunga na ang pagiibigan ni Raquim at Reyna Minea - ang magiging ugnayan ng Lireo at Sapiro. Matapos marinig ang balita, bumisita sa Lireo si prinsipe Raquim upang ilahad kay Reyna Minea ang kanyang pagkagalak sa balita tungkol sa kanilang anak. Lalo na at ayon kay Raquim, ang bata ang bukod tangi na magbubuklod sa lahi ng mga Diwata at Sapiryan.
Sa kaharian din ng Lireo, magiliw na tinanong ni Sangre Pirena ang pagdadalang diwata ng kanyang ina. Ngunit ito naman ay pinalitan ng kaisipang di kanais nais ng kanyang tagapangalaga na si Gurna.
At dahil hindi mawala sa isip ni haring Arvak ang binitiwang sumpa ni Cassiopeia, iniutos niya ang pagsalakay sa Sapiro upang masiguro na hindi magkakatotoo ang sumpa ng sinaunang reyna. Ito ay naiulat ni Aquil kay Reyna Minea. Napagtanto ng reyna ng mga diwata na maaring uunahin lamang ng Hathoria ang Sapiro, malamang ay sasalakay din ang hukbo ni Arvak sa Lireo. Humingi ng pahintulot si mashna Aquil upang pamunuan ang hukbo na tutulong sa Sapiro. Sumang-ayon ang reyna at hiniling na maging ligtas ang lahat.
.
.
.
.
.
Ramdam na ang nalalapit na digmaan. Sa Sapiro ay naghahanda na rin ang pinsan ni Rehav Raquim, ang hari na si Rama Armeo. Kausap niya ang kanyang reyna na si Asnara. Nasa kuna ang dalawang anak nilang sina Rehav Ybrahim at Rehav Ybarro. "Hihintayin namin ng iyong mga anak ang inyong pagbabalik." Tila ba may takot at lungkot sa tinig ng reyna. "Mangako ka Armeo, babalik ka sa amin ng buhay."
"Para sa inyo nina Ybrahim at Ybarro, pangako mahal ko." Magiliw na tinitigan ng hari ang natutulog niyang kambal na senhino at niyakap ang kanyang reyna.
Hindi mawala ang lubos na pangangamba ni Reyna Asnara. Kaya naman lingid sa lahat ay ipinatawag niya si Mashna Aquil sa Sapiro pagkatapos umalis ng hari.
" Avisala mahal na reyna."
" Avisala din Mashna Aquil." Napansin ni Aquil na tila ba may bumabagabag sa isipan ng mahal na reyna. " Kaya kita ipinatawag dito dahil nais kong paunlakan mo sana ang aking kahilingan." Biglang kinuha ng mahal na reyna sa kanyang kuna ang sanggol na si Ybrahim. "Alam ko na ilang araw na lamang ay magaganap na ang digmaan. Sa ngayon ay naghahanda na ang mga hukbo ng Lireo at Sapiro. Hindi ko maialis sa akin ang takot para sa lahat, lalo na sa aking mga anak. Kaya nais ko sanang ihabilin ang aking senhino na si Rehav Ybrahim sa Lireo."
"Sa Lireo, sa pangangalaga ni Reyna Minea, kamahalan?"
"Hindi Aquil ..." Tila ba nagulat ang mashna. "Kahit papano ay naniniwala akong pagtatagumpayan ng kabutihan ang digmaan na ito kaya hindi na iyon kailangan pa... ang nais ko lamang ay dalhin mo ang prinsipe sa isang ligtas na lugar sa Lireo. Pagkatapos ng kaguluhan ay kaagad ko rin ipapasundo ang aking anak."
" Naiintindihan ko mahal na Reyna, si prinsipe Ybarro?" Dumungaw sa bintana si Reyna Asnara. "Lubhang masakit man para sa inang tulad ko, pero hindi ko maaring pagsamahin ang aking mga anak. Sapagka't ako ay may katungkulan din na pangalagaan ang Sapiro. Higit na makabubuti kung sila ay magkahiwalay sa ganitong sitwasyon. Hindi ko man gustong isipin pero ... kailangan ng kaharian ang tagapagmana. Walang nakakaalam ng mga mangyayari. Ang tanging mahihiling ko lamang ay maging ligtas ang lahat sa nakatakdang digmaan." Ang paluhang sambit ng reyna. Iniabot niya ang natutulog na si prinsipe Ybrahim kay Aquil. "E correi diu, Ybrahim panganay ko."
Sa kaharian ng Lireo ay nagbigay na ng tanda kay Reyna Minea sa nalalapit niyang panganganak.
Ilang araw nga at dumating na ang digmaan.Pinamunuan ni haring Arvak ang mga Hathor at si Haring Armeo naman para sa Sapiro at Lireo. Napuno ng mga pagsabog sa kalupaan at kalangitan noong araw na iyon.
Mula sa awtor:
Avisala eshma sa mga rebyu o komento!
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...