KABANATA 9 - CORREI

254 12 0
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

"Batid kong isa sa mga araw na ito ako ay mamimili na ng hahalili sa akin sa aking mga anak." Wika ni Minea kay nunong Imaw."At magiging tagapangalaga ng mga brilyanteng ito."Nilabas ng Inang reyna ang mga brilyante.

"Malalaman mo ang takdang sandaling iyon. Pagkat darating ang mga senyales." Sagot ni nunong Imaw.

"Nawa'y gabayan ako ni Bathala.Upang mapili ko kung sino ang karapat-dapat sa aking mga anak." Tila ba ay nag-aalala ang reyna.

"Mangyayari iyan Minea, huwag kang mag-alala. Batid kong sinuman ang hahalili sa iyo, siya ay magiging mahusay ding reyna kagaya niyo."

Ipinatawag ng reyna ang kanyang mga anak. "Ina." Ang bati ni Pirena bago siya umupo. "Inang reyna." Pagbibigay galang ni Amihan.

"Binabati ko kayo." Masayang pahayag ni Minea. "Sapagkat inulat sa akin ni Aquil mahusay na raw kayong humawak ng mga sandata."

"Avisala eshma ina." Sabay-sabay nilang sinabi.

"Ngunit minsan raw ay sakit kayo ng ulo sa kanya." Nagtinginan at tumawa ang mga sanggre. "Ganoon pa man, ikinararangal ko kayong apat."

Napansin ni Danaya ang mga pashnea sa paligid. "Ang gaganda ng mga paru-paro."

"Ayan na sila Minea. Dumating na ang senyales na hinihintay mo."

"Tama ka Imaw." Tumayo ang reyna. "Ito na ang tamang panahon para pumili ako ng hahalili sa akin bilang reyna ng mga diwata. Sino kaya sa inyong apat ang karapat dapat?"

"Bilang panganay wala pong karapat-dapat na humalili sa inyo ina kung hindi ako."Tumayo si sanggre Pirena.

"Hindi gulang ang pamantayan sa pagiging reyna Pirena." Sinagot siya ni Danaya. "Ako man ang pinakabata, ngunit kaya ko rin pamunuan ang Lireo." Tumawa ang kanyang edea.

"Puro salita, kaya ba ng gawa." Ang hamon ni Pirena. "Isa pa ni hindi ko naisip na magiging karibal kita.

"Iniinsulto mo ba ang kakayahan ko?!" Hinarap ni Danaya ang kanyang kapatid.

"Huwag na kayong magtalo.Sapagkat hindi niyo makukuha ang inyong ninanais sa ganyang pamamaraan." Nahinto ang kanilang pagtatalo sa sinabi ng kanilang ina.

Nagtanong si Alena. "Sa ano ho bang paraan pipiliin ang pagiging reyna ina?"

"Sa isang pagsubok. Kaya ihanda niyo ang inyong mga sarili. Sapagkat hindi ko mapapangako na magiging madali ang pagdadaanan niyo."

.

.

.

.

.

Nakita ni Amihan si Alena na inaayos ang pumpon ng mga bulaklak sa kanyang ulo - isang korona ng mga bulaklak.

"Alena? ano ang ginagawa mo?"

"Tinitignan ko kung bagay sa akin maging reyna?" Ang sagot niya sa kanyang kapatid.

"Alena, siyempre bagay sa iyo maging reyna. Dahil tulad ng ating ina mabait ka rin." Ang magiliw na sambit ni Amihan.

"Ngunit, mas gusto kong maging isang pangkaraniwang diwata lamang." Inialis ni Alena ang kanyang korona. "Isang diwatang may karapatang magkaroon ng asawa at anak."

"Pwede ka pa rin naman magka-anak Alena. Tulad ng ating ina."

"Ngunit hindi pwedeng mag-asawa ang isang reyna di ba." Naging mapanglaw ang mga mata ng sanggre. "Ang gusto ko malaya akong makaka-ibig sa isang encantadong mamahalin din ako, na makakaisang dibdib ko. Alam mo ba na palagi kong pinagdarasal kay Bathala na sana balang araw ay makilala ko na rin siya."

PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon