(Linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
"Muros, ihanda mo ang ating hukbo."
"Masusunod mahal na reyna." Nakita na nila ang hudyat mula kina mashna Aquil. Ang ibig sabihin ay namataan na nila ang hukbong pinamumunuan ni Haring Hagorn.
"Ayokong makitang mag-alala ang aking ina.At nangako ako sa kanya imaw kaya't pwede bang ipagpaalam mo na lamang ako sa kanya." Kinausap ng reyna ang pinuno ng mga Adamyan.
"Masusunod mahal na reyna."
"Sasama kami sa iyo ni Danaya, Hara Amihan. Hindi ka namin iiwan." Sambit ni Alena.
"Napakapalad ko na may mga kapatid ako na tulad niyo."
.
.
.
.
.
SA BAYBAYIN NG LIREO
Nahakahanda na ang mga sasakyang panlaban sa himpapawid at tubig ng magkabilang panig. Halos magkalapit na rin ang dalawang hukbo.
"Kunin mo ang brilyante Pirena.Kailangan ikaw ang may hawak nito." Ibinalik ni Hagorn ang brilyante sa sanggre.
"Ipinagkakatiwala mo sa akin iyan?"
"Sapagkat nakatitiyak ako na hindi ka sasaktan ng iyong ina at iyong mga kapatid. Higit na ligtas ito sa iyong mga kamay." Tinanggap ito ng sanggre.
"Patayin lahat ng diwata at sakupin ang buong Encantadia." Utos ni Hagorn sa kanyang hukbo.
"Akin si Amihan." Ang dagdag ni Pirena.
SA HUKBO NG MGA DIWATA
"Ito ang unang beses na pamumunuan ko ang ating hukbo. Kaya hindi ko maaring biguin ang Lireo. Mga kasama! Mga diwata! Mga Sapiryan! Mga Adamyan! At mga kapatid. Tulungan niyo akong puksain lahat ng masasamang Hathor! Hasne ivo live Encantadia! Agtu!" At sumugod sila sa mga Hathor.
"Atayde Hathoria!" Ang sigaw ni Agane kasabay ng paglusob nila.
Nagliwanag ang kalangitan dahil sa mga pagsabog. Dinig din ang hampas ng mga sandata ng magkabilang hukbo. Patuloy ang pagsugod nila sa isa't isa.
Hindi nagtagal at tuluyan ngang nagharap ang reyna ng mga diwata at hari ng mga Hathor.
"Matagal kong hinintay ito Hagorn."
"Kung nakaligtas ka noong bata ka, hindi na ngayon." Bumalik sa isipan ni Amihan ang paghaharap ng kanyang ama at ni Hagorn. Sinimulan niyang lusubin ang hari.
"Para ito sa ginawa mo sa aking ama."Magagapi niya na sana niya ito.
"Nagtatapang tapangan ka rin Amihan tulad ng ama mo.Pero mayroon akong ipagtatapat sa iyo mahal na reyna. Di lahat ng kaaway ay lumalaban ng harapan." Inambahan si Amihan ng saksak sa likod ni Pirena. Hindi makapaniwala ang reyna.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...