KABANATA 3 - ANG DESISYON NI MINEA

197 7 0
                                    

(Linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

Tuluyan ngang gumuho ang kaharian ng Hathoria.

"Agane...agane!" Ang sigaw ni Haring Hagorn. "Ano ang nangyari sa Hathoria." Tila ba naghihingalo ang hari.

Bumangon si Agane. Napapaligiran siya ng usok at mga guho. "Panginoon..." Hinaplos niya ang kanyang mukha. "Ang sumpa ni Minea." Tumatangis niyang sagot.

Naging kahindik-hindik nga ang kanilang mga wangis.

"Malupit ka Minea!" Ang ungol ni Hagorn. Dali-dali itong tumakbo palabas. Nagpatuloy siya hanggang marating niya ang kagubatan.

Isang dambuhalang ahas ang nagpakita sa hari ng mga Hathor. "Sino ka?"

"Ako si Ether na isang bathaluman, na gaya ni Arde na bathala ng Balaak ay isinumpa ni Emre. Batid ko ang mga naganap sa iyo Hagorn. Hayaan mong tulungan kita."

"Paano mo ako matutulungan?" Akmang nabigyang buhay si Hagorn at tumayo sa harapan ng bathaluman.

"Bibigyan kita ng kakaibang lakas at liksi kung mangangako ka na gagawin mo ang lahat upang lalong maging magulo ang pamumuhay dito sa Encantadia."

"Makikipagkasundo ako sa iyo. Basta makuha ko lamang ang proteksyon, ang lakas at liksi."

"Kung ganoon ay humanda ka na." Agad na tinuklaw ng ahas si Hagorn. Napahiyaw ang hari sa sakit.

Nang magising si Hagorn ay tuluyan na ngang nag-iba ang kanyang anyo. Kung noong una ay kahindik hindi ang kaniyang wangis, napalitan na lamang ito ng mga pulang marka sa kanyang mukha.

"Ngayon, hindi na lamang mga diwata ang may kapangyarihan. Ngayon ay may sarili na rin akong lakas laban sa kanila. Humanda kayong mga diwata. Sa inyo ko susubukan ang bago kong lakas." Humalakhak ang hari ng mga Hathor.

Nakita naman ng sinaunang reyna ng mga diwata na si Cassiopeia ang naganap na kasunduan. Agad din niyang binigyan ng babala si Minea.

"Minea, nasa panganib kayo ng iyong anak. Lalo at may bathalumang tumutulong ngayon kay Hagorn. Kaya't gamitin mo ang susi ng lagusan. Pumaroon kayo ng iyong anak na si Amihan sa mundo ng mga tao. At doon muna kayo manirahan."

Nagulantang ang reyna at nagising mula sa kanyang pagkahimbing. Pinuntahan niya ang kuna ni Amihan. Sa mga sandali ring iyon ay binisita siya ni Raquim.

"Avisala Minea." Napansin ng prinsipe ang pagaalala sa mukha ng reyna. Lumapit siya at niyakap ang kanyang pinakamamahal.

"Bakit Minea?"

" Napaginipan ko si Cassiopeia. Nagbigay siya sa akin ng babala."

"Hindi pa rin talaga nagwawakas ang kaguluhan dito sa Encantadia." Ang sambit ni Raquim.

"Raquim,kunin mo ito." Iniabot ni Minea ang isang mahiwagang pulseras sa palad ng prinsipe. "Magpahatid kayo kay Aquil sa puno ng Asnamon. Magtungo kayo ng anak natin sa mundo ng mga tao. Doon makakasiguro ako na ligtas kayong dalawa." Hindi mapigilan ng reyna na tumangis.

"Kami... bakit kami lang? paano ka?" Nag-aalalang sambit ng prinsipe.

"Sapagkat hindi sasaktan ni Hagorn si Pirena, alam mo iyan."

"Hindi, sasama si Pirena... sasama kayo ni Pirena sa amin ni Amihan." Nagmamatigas na pakiusap ng rehav.

"Hindi maari." Tumanggi ang reyna. "Sapagkat kailangan kong pangalagaan ang Lireo at ang mga encantado."

"Minea hindi kami aalis ng wala ka."

"Raquim, minsan na akong namatayan ng kapatid. Hindi ko puwedeng ipagsawalang bahala ang maaring mangyaring masama sa anak ko ... at sa iyo." Patuloy sa pag-iyak ang reyna. "Kaya umalis na kayo ni Amihan."

Nilapitan ng reyna ang kanyang anak. Malungkot niyang hinaplos ang mukha ng sanggre. "Amihan, anak ... patawarin mo ako kung hindi ka lalaki sa tabi ko. Titiisin ko iyan sa kaligtasan mo. Walang araw o gabi na hindi kita iisipin. Mahal na mahal kita anak." Tila ba ramdam ng sanggre ang kalungkutan ng ina kaya naman tumangis din si Amihan.

"Minea...Minea parang awa mo na." Hinagkan ng prinsipe ang reyna. "Hindi ako sang-ayon sa iyong desisyon."

"Pero Raquim kailangan niyong umalis." Tinitigan siya ng reyna. Kita sa mukha ni Minea ang kanyang mga luha.

"Minea, sumama ka sa amin kung ganoon." Lumayo ang reyna at tumindig. "Raquim inuutusan kita. Bilang reyna, aalis kayo ni Amihan sa lalong madaling panahon." Tinalikuran niya ang rehav.

Wala nang nagawa ang prinsipe. Sinunod niya ang kautusan. Bago sila umalis ay binigyan sila ni nunong Imaw ng mga ginto, upang makapagsimula muli ang mag-ama sa mundo ng mga tao. Kasama din ang mapa ng Encantadia, upang maituro kay Amihan ang lahat ng tungkol sa kanilang mundo. Dala rin nila ang tungkod ng pagkalimot, kung sakaling may makaalam ng kanilang tunay na pagkatao ay mabubura ng tungkod ang mga alaala ng mga nilalang na iyon.

.

.

.

.

.

"Avisala Alira Naswen, mukhang nasa kondisyon ang mga kawal ng Sapiro." Kasalukuyang nagsasanay ang mga sundalo ng Sapiro at Lireo. "Tila yata may bumabagabag sa iyo?" Napansin ni Aquil ang kalungkutan ng Sapiryan.

"May balita ka na ba kung may iba pang kawal ng Sapiro?" Pag- aalala ni Alira. "Simula noong nakaraang digmaan marami pa ring nawawala. Katulad nila Mashna Asval, sina Dagtum at Axilom."

"Walang makatunton sa kinaroroonan ngayon nila Asval. Sa tingin namin ay napaslang na rin sila." Malungkot na ibinalita ni Aquil.

"Simula noong napaslang ang hari at reyna ng Sapiro, pati na rin ang mga prinsipe namin, ay wala na talaga kaming babalikang kaharian. Iyong mga natitirang Sapiryang kawal ay nagsilisan na rin sa palasyo simula ng salakayin at gibain iyon ng mga Hathor."

Hindi mapanatag ang kalooban ni Aquil nang marinig iyon mula sa Sapiryan. Nais man niyang sabihin na buhay at nasa mabuting kalagayan si Rehav Ybrahim ay hindi niya ito magawa.

"Hindi niyo kailangang umalis. Hindi ba sinabi ni Reyna Minea na ang Lireo ay bukas sa mga encantadong nangangailangan ng bagong tahanan."

"Alam ko iyon... at nagpapasalamat kami sa dalisay na kabutihan ni Reyna Minea." Kahit papaano ay mukhang gumaan ang kalooban ng Sapiryan. "Kaya sa ngalan ng lahat ng nakaligtas na kawal na Sapiryan, kami ay palaging magiging handang lumaban para sa Lireo. Avisala eshma Mashna Aquil."


Mula sa awtor:

Avisala eshma sa mga rebyu o komento! 

PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon