(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Matapos maisagawa ang seremonya para sa kanyang ama na si Haring Arvak ay inilipat na kay prinsipe Hagorn ang pamumuno sa Hathoria. Itinanghal siya na bagong hari ng nasabing kaharian. Inihatid din ni Gurna sa bagong hari ang balita ukol sa pagsilang ni Minea sa bagong Sanggre. Nang malaman ni Hagorn na anak ni Raquim ang bata ay naisipan nitong paghigantian ang prinsipe gamit ang bagong Sanggre.
.
.
.
.
.
Naibalita na si Lireo ang sinapit ng hari at reyna ng Sapiro. Halos lahat ay nangangambang ganoon din ang sinapit ng dalawang prinsipe.
"Buhay ng aking mga kaanak ang naging kapalit nito." Sambit ni prinsipe Raquim bago niya inihandog ang tatlong brilyanteng hawak niya. "Tanggapin mo ang mga ito Minea, mas makabubuti kung ang mga diwata ang magpapangalaga sa mga brilyanteng ito."
Sumang-ayon dito si nunong Imaw." Tanggapin mo mahal na reyna. Pagkat naniniwala rin ako na higit na magiging ligtas sa kamay ninyong mga diwata ang mga brilyante ng Encantadia."
Pumayag si Minea. Napasakamay ng mga diwata ang apat ma brilyante.
"Prinsipe Raquim...saan ka paroroon?" Pag-aalala ni Minea habang paalis ang prinsipe."Nawalan ka man ng kaanak ngunit isinilang ko ang iyong anak na si Amihan.Hindi mo ba siya nais makita?" Napalingon ang Rehav. Iyon ang unang pagkakataong nasilayan niya ang kanyang anak.
"Ano pang hinihintay mo prinsipe Raquim." Siya namang reaksyon ni nunong Imaw. "Kunin mo na ang iyong anak." Hindi maialis ng prinsipe ang kanyang mga mata kay Amihan. Kinalong ng prinsipe ang kanyang anak. " Napakagandang nilalang. Binigyan mo ng bagong pag-asa ang aking puso." Hindi na naitago ng prinsipe ang kanyang kaligayahan.
Ilang oras matapos ang naganap. Nagkaroon ng pagkakataon sina Reyna Minea, Rehav Raquim at Amihan na magsama nang sila-sila lamang.
"Napakaganda talaga niya no ... hindi ako magsasawang titigan siya...Amihan." Rinig sa boses ng Rehav ang paglalambing niya sa kanyang anak.
"Mukhang si Amihan din naman." Ang nakangiting sambit ng reyna. "Hindi magsasawang tignan ka ...tignan mo, napakatamis ng kanyang ngiti sa iyo."
"Sayang talaga, kung nabubuhay lang sana ang mga pamangkin ko, sana tatlo na silang inaalagaan natin."
"Ngunit ang salaysay niyo ni Imaw ay hindi niyo natagpuan ang kanilang katawan.Nakakasiguro ba kayo na patay na talaga ang mga tagapagmana ng Sapiro?"
"Noong makita ko ang kanilang balot ay ... punung puno ng dugo. Nakasisiguro ako hindi sila bubuhayin ng mga Hathor."
"Tama na nga ang usapan nating ganyan. Mabuti pa ay titigan mo nalang muli si Amihan." Ang sambit ng reyna nang maramdaman niya ang pagkalumbay muli ni Raquim.
"Amihan..." ang magiliw na lambing ng rehav. Tuwang tuwa ang dalawa habang pinagmamasdan ang kanilang anak. "Sa iyo na siya nakatingin ngayon ... ayaw mo na, ayaw mo na sa akin ... ayan tumitingin siya ...Anong tinitignan mo ito... itong espada na ito Amihan."
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nakita sila ni Sanggre Pirena.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanficAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...