(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Maliwanag ang sikat ng araw. Dinig din ang huni ng mga ibon. Mainam ang panahon na iyon kaya naman naisipan ni Ybrahim na pumunta sa kanyang paboritong lugar sa kagubatan. Inakyat niya ang mataas na puno. Nais niyang gumawa ng dibuho ng batis. Habang inilalabas niya ang kanyang papel at panulat ay may narinig siyang ingay sa baba.
Hinahaplos ni Amihan ang pulseras na ginawa ng kanyang ama para sa kanya. Hindi niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Dumating si Pirena at nilapitan siya.
"Bakit tumatangis ka?"
"Tumatangis? ang lalim naman ng sinabi mo... Pero tama ka , naaalala ko kasi yung tatay ko."
"Tigilan mo na ang kakaiyak. Naaduwa ako sa iyo. Hindi ka na dapat bumalik pa dito. Hindi ka na dapat nakita pa ng ating ina. Mang-aagaw ka." Puno ng paninibugho ang mga salita ni Pirena na tila umaalingawngaw sa parteng iyon ng kagubatan. Kaharap niya ang kanyang kapatid na tumatangis malapit sa batis.
"Ano ang inagaw ko sa iyo?" Tumayo si Amihan ngunit tinulak siya ng kanyang kapatid. "Akala ko ba tanggap mo na ako?"
"Matatanggap na sana kita." Galit na tugon ni Pirena. "Kung hindi matayog ang iyong pangarap. Tandaan mo ito Amihan. Walang makakahigit sa akin sa ating magkakapatid. Ako lang ang pinakamahal ng ating ina. At ako lang ang karapat-dapat na susunod na maging reyna. Tandaan mo iyan."
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay mayroong encantado na nakarinig sa kanilang pag-uusap.
At makalipas nga ang ilang sandali ... Hindi na nakapagpigil pa ang batang encantado. Mula sa taas ng isang puno ay binato niya si Pirena ng maliliit na bunga.
"Aray!" Natamaan niya ang bata. At dahil nakatago si Ybrahim sa mga sanga ng puno ay hindi siya maaninag ni Pirena.
"Aray! Ssheda! Anong mahika ito?!" Tuloy tuloy lang ang pamamato ni Ybrahim. "Ssheda!" Tinitigan ni Pirena si Amihan at dali- daling umalis. Makalipas ang ilang saglit ay bumaba sa puno si Ybrahim. Pinuntahan niya ang bata.
"Mansanas ... baka iyong ibig..." Inabot niya ang prutas. Hindi mapagtanto ni Ybrahim ang sasabihin sa tumatangis na batang babae. Naitaboy man niya ang mapang-aping encantada ay hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng luha ng bata. "Wala na ang mapang-aping encantada..."
Patuloy pa rin ang hikbi ng batang babae kaya naman tumabi na lamang sa kanya si Ybrahim. Kinuha niya ang kanyang papel at panulat. Itinuloy na lamang ni Ybrahim ang paggawa ng dibuho sapagkat hindi rin naman niya maiwan ang kanyang kasama.
Makalipas ang ilang minuto, narinig niyang nagsalita ang kasama. "Sorry ... salamat sa ginawa mo kanina ... ako nga pala si Amihan." Sinubukan ng bata na ngumiti nang kaunti.
"Sorry?" Nagtaka si Ybrahim. Hindi niya naintindihan ang tinuran ng kasama.
"Ah paumanhin." Tugon ni Amihan.
"Walang anuman." Sambit niya.
"Ako naman si Ybrahim. Ikinagagalak kitang makilala."
Hindi pa rin maialis ni Amihan ang lungkot sa kanyang mukha.
"Maaring hindi lamang ang pangyayari kanina ang dahilan ng iyong kalungkutan...may iba ka pa bang dinaramdam?"
Tumingin sa batis si Amihan."Namimiss ko si itay."
"Namimiss?"Napaisip na naman si Ybrahim. Marahil ay dayo si Amihan sapagkat iba ang pananalita ng bata.
"Ah oo nga pala nag-Ingles na naman ako. At malalim magsalita ang mga tao dito."Bulong ni Amihan. "Nais kong makita muli ang aking ama." Biglang napalitan ng galit ang kanyang boses. "Pinatay siya ng mga salbaheng Hathor."
Lubos na naiintindihan ni Ybrahim ang mga salitang tinuran ng kasama. "Kagaya din ng ginawa nila sa aking pamilya...ikinalulungkot ko ang nangyari..."
Ilang saglit din na huni lamang ng mga ibon at agos ng tubig ang maririnig. Tahimik lamang ang dalawang bata habang nakatingin sa batis.
"Kung ganoon..."Napatingin si Amihan kay Ybrahim. "Nais mo bang gawan ko ng dibuho ang iyong ama? Para sa tuwing siya ay nais mong masilayan?"
"Dibuho?"
Kinuha ni Ybrahim ang kanyang papel at lapis. "Parang ganito." Ipinakita niya ang kanyang naiguhit.
Ngumiti si Amihan kay Ybrahim. "Ah drawing ... sige!"
"Kung ganoon ay tulungan mo ako upang maayos kong mailarawan ang kanyang wangis." Tinulungan ni Ybrahim na tumayo ang kasama. "Ngunit magtatakipsilim na ... mas mainam na ituloy natin ang ating pag-uusap sa ibang pagkakataon." Akmang palakad na paalis si Ybrahim. "Ihahatid na kita sa inyo, baka makasalubong mo ulit iyong encantada kanina. Saan ka nakatira?"
"Sa palasyo." Sagot ni Amihan. "Palasyo..."napatingin sa kanya si Ybrahim.
.
.
.
.
.
"At ikaw ay isang sanggre..." Bulong ni Ybrahim habang inilalahad ni Amihan ang kanyang pagkatao. Nasa loob na sila ng palasyo ng Lireo. Hindi na bago sa kanya ang lugar na iyon sapagkat minsan na rin siyang nadala ng kaniyang Adto doon.
"Oo at ako ay lumaki sa mundo ng mga tao." Bago pa man matapos ang sasabihin ni Amihan ay nakasulubong nila ang Inang Reyna.
"Ina."Ang masayang bati ni Amihan. Napatigil at yumuko si Ybrahim bilang tanda ng paggalang. "Si Ybrahim po, kaibigan ko."
"Mabuti naman at nakakilala ka ng bagong kaibigan anak." Nakangiti sa kanya ang reyna.
"Ybrahim?" Gulat na pagkakasabi ni Aquil. Kasama siya sa mga kawal ng reyna.
"Adto!" Masayang sagot ng bata.
"Hindi mo nabanggit na mayroon ka palang nakababatang kapatid Aquil." Ang magiliw na tugon ng reyna. Sa pakiramdam ni Minea ay tila ba pamilyar ang bata.
"Huwag po kayong magalit." Ang sambit ni Amihan nang makita niya na parang magagalit ang mashna. "Tinulungan po ako ni Ybrahim at inihatid dito." Napatingin ang reyna at mashna sa mga bata.
"Opo. Kasi po kanina ..." Hinawakan ni Amihan ang braso ni Ybrahim. "Tinulungan po niya ako kanina kasi naligaw ako." Hindi na nagawang sumagot ni Ybrahim. Naalala niya ang sanaysay ng bagong kaibigan. Kapatid niya nga pala ang encantada kanina. Mukhang inililihim niya ang naganap para hindi magalit ang kanilang ina sa kanyang nakatatandang kapatid. "Ah opo, opo." Ang pagsang-ayon niya. Nginitian na lamang siya ni Amihan.
"Ganoon ba. Avisala eshma Ybrahim." Lumapit na si Amihan sa kanyang ina. "Sige, bukas na lamang, sa dating lugar din. Bye Bye Ybrahim." Kumaway ang sanggre.
"Ah... bye bye Amihan." Inulit niya ang kataga ng kaibigan.
"Ybrahim..." narinig ng bata ang tinig ng kanyang adto. "Sige kuya Aquil, mauuna na ako." Dali-daling tumakbo pauwi ang bata.
Mula sa awtor:
Avisala eshma sa mga rebyu o komento!
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...