(Ilang linya ng tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nagtipon tipon sina Reyna Minea, Mashna Aquil at Imaw sa silid ng reyna.
"Tunay na walang kinikilalang dugo ang pagkagutom sa kapangyarihan." Sambit ni nunong imaw.
"Sabihin mo na sa kanya ang totoo mahal na reyna."Pakiusap ni mashna Aquil. "Ipagtapat mo na kay Pirena ang kanyang pinagmulan."
"Hindi ko maaring gawin iyan." Tugon ng reyna.
"Kahit iyon na lamang ang paraan para maintindihan niya lahat?"
"Kasusuklaman niya ang kanyang sarili kapag nalaman niya ang katotohanan at hindi ko gagawin iyan sa aking anak." Pagmamatigas ng reyna.
.
.
.
.
.
Sa paguudyok naman ni Gurna ay naisipang kunin ni Sanggre Pirena ang mga brilyante. Pumaroon siya sa kamara ng mga brilyante at tuluyang nakuha ang brilyante ng apoy.
Nagtungo ang sanggre sa Hathoria upang makipagkasundo kay Hagorn.
"Ibig kong labanan ang aking ina at mga kapatid.Tulungan mo ako Haring Hagorn. Nais ko silang pabagsakin." Seryosong winika ng sanggre.
"Sa ngayon ay hindi natin sila madadaig." Tugon ng hari. "Nasa kanila ang kapangyarihan ng apat na brilyante.
"Pagtutuwid kamahalan." Ngumiti si Pirena."Tatlo na lamang ang kanilang hawak ngayon."
Ipinakita niya ang hawak na brilyante. "Ang brilyante..." Ibinigay niya ito kay Haring Hagorn.
"Nagbalik na ang ating brilyante." Humalakhak ang hari. "Salamat Pirena. Salamat. Ito na ang simula nang pagbagsak ng mga diwata."
.
.
.
.
.
Ramdam na sa buong Encantadia ang pagbabalik kapangyarihan ng mga Hathor. Kaya naman may pagpapasyang ginawa ang reyna ng mga diwata. Ipinatawag muli ang lahat sa bulwagan.
"Ngayon na ang tamang panahon upang magampanan ni Amihan ang kanyang bagong tungkulin. Ang inyong bagong reyna. Ngunit may pagbabago sapagkat hindi lamang ang bagong reyna ang mangangalaga ng mga brilyante. Paghihiwa-hiwalayin ko ito upang makasiguro ako na hindi ito makukuha ng mga hathor." Tumayo ang reyna at tinawag si Danaya.
Nagbigay galang ang sanggre sa kanyang ina.
"Ipinagkakaloob ko sa iyo ang brilyante ng lupa." Ipinasa ito ng reyna sa kanyang bunsong anak. "Nawa'y ingatan mo ito at huwag mong ipagpapalit kahit sa ano pang bagay."
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...