(Ilang linya ng tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Inuunti-unti ng Hathoria ang pagsalakay. Alinsunod na rin ito sa hangarin ni Hagorn na mapahina ang kapangyarihan at impluwensiya ng bagong reyna. Inudyok niya si Pirena na kumitil ng maraming buhay.
"At sa bawat diwatang mapapaslang mo sa digmaang ito ay kabawasan sa buhay ng ating mga kalaban at magpapahina sa pagiging reyna ni Amihan ... at sa bawat buhay na inutang ay sisingilin nila sa iyong kapatid." Ang sambit ng hari sa sanggre.
"Nakikiramay kami sa inyo diwata."
"Para saan pa ang pakikiramay ninyo, kung patay na ang asawa ko. Anong klaseng reyna kayo, hindi niyo kayang pangalagaan ang mga kawal ninyo."
"at ito ang unti-unting magpapahina sa kapangyarihan ng reyna sa mga mata ng kanyang nasasakupan na siya namang magpapalakas sa pangalan mo. Sapagkat pangingilagan ka nila. At ang iyong lakas at galing ay kanilang igagalang." Tumingin sa kanya si Pirena.
"Kaya't huwag mong palampasin ang pagkakataong ito upang patunayan ang iyong sarili."
"Tama ka Hagorn. Ito ang dahilan kung bakit ako nandito." Nawala ang kanyang agam-agam sa gagawin. "Upang patunayan ko ang aking sarili. Susundin ko ang payo mo.Paiiyakin ko ang Lireo sa dami ng diwatang malalagas sa kanila."
"Tama.Tama.Ganyan nga. Masuklam ka sa kanila. Masuklam ka sa kanila." Labis ang galak ng hari ng Hathoria sa poot na nakikita niya sa panganay na anak ni Minea.
.
.
.
.
.
"Huwag ka nang mag-alala mahal kong reyna. Hindi nga't mapagtatagumpayan din natin ang laban na ito." Pag-aalala ni Ybrahim. Batid niya ang pagod at lungkot sa mga mata ni Amihan sa tuwing may mga encantadong nasusugatan o napapahamak dahil sa kasalukuyang digmaan.
"Hindi ko maiwasan na minsan ay mapanghinaan ng loob. Lalo pa na alam ko na kasama nila ang aking kapatid." Lumapit si Ybrahim.
"Alam kong bata pa lamang kayo ay hindi na kayo gaanong magkasundo. Ang unang pagkakataon na nakita ko ang iyong kapatid ... binato ko siya." Napatawa niya ang reyna.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...