(Linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Napuno ng pagsabog ang kalangitan noong araw ng digmaan. Kasama nito ang kalansing ng mga sandatang nagtatamaan mula sa magkabilang hukbo.
"Alira, si Agane nakakatakas!"
"Dagtum, ako na ang bahala sa kanya." Dali-daling hinabol ni Alira Naswen ang kalaban. Nagharap ang dalawa ngunit nangibabaw ang Hathor.
"Kayo na ang bahala diyan." Ang utos ni Hagane sa kaniyang mga kakampi. "May kailangan pa akong asikasuhin."
Sa kabilang dako ay nagtapat na ang dalawang hari - sina Arvak at Armeo. Dinig ang pagtama ng kanilang mga sandata sa bawat hampas. Ngunit sa kasamaang palad, nagapi ng hari ng Hathoria ang Rama ng Sapiro.
Sa kaharian ng Lireo ay patuloy ang pagdarasal ng reyna ng mga diwata. Hiling ni Minea na mailuwalhati niyang mailabas ang kanyang anak kasabay ng pagtatagumpay ng Sapiro at Lireo sa digmaang nagaganap.
Sa pagpapatuloy ng digmaan ay nagtagpo ang landas nina Hagorn at Raquim. Halos magkasinlakas sa simula ang dalawang prinsipe. Ngunit wala ring naging laban si Hagorn sa Rehav ng Sapiro. Agad naman na pinuntahan ni prinsipe Raquim ang naghihingalong hari ng Sapiro upang tulungan.
"Ilabas mo na ang brilyante ng lupa ... para magamot mo ang sarili mo." Sambit ni Arvak sa sugatang Armeo.
"Hindi Arvak, hindi ko ilalabas ang brilyante ng lupa. Hindi ko hahayaang makuha mo ito." Pagmamatigas ng hari ng Sapiro.
"Binibigyan pa kita ng isang pagkakataon. Ilabas mo na ang brilyante para makita mo ang pamilya mo. Alam mo bang pinasundo ko sila kay Agane."
"Pashnea ka Arvak!" Napasigaw sa galit ang hari ng Sapiro. Sa pagkakataon namang iyon ay dumating si Raquim upang pigilan ang tangkang pagpatay sa kanyang pinsan. At dahil nga may hawak na brilyante si Haring Arvak, hirap si prinsipe Raquim na magapi ito. Nang akmang tatapusin na ng hari ang dalawang Sapiryan ay bigla naman na may tumamang palaso sa kanyang likuran. Natupad ang tinuran ni Cassiopeia. Isinilang na ang anak ni Reyna Minea. Kasabay ito ng kanyang pagbagsak. Pilit na isinisigaw ni Arvak ang ngalan ni Hagorn ngunit ang prinsipe ay walang malay dahil sa isang pagsabog. Nakuha ni Rehav Raquim sa hari ng Hathoria ang dalawang brilyante. Ibinilin naman ni Haring Armeo ang brilyante ng lupa sa prinsipe bago siya nasawi.
Kasabay nga nang pagkasawi ng Hari ng mga Hathor ang pagsilang ni Reyna Minea sa kanyang anak na si Sanggre Amihan. Hiniling niya na lumaki ang bata na may marangal at malinis na puso, katulad ng kanyang kapatid kung saan isinunod ang ngalan ng bagong Sanggre. Idinagdag din niya na sana ay magkaroon din si Amihan ng pusong nagtataglay ng tapang tulad ng kanyang amang si Rehav Raquim at ng kanilang kanunununuan.
Samantala, sinambit ni Asval , ang Sapiryang pumaslang kay Arvak, na maari nang pamunuan ng Sapiro ang buong Encantadia sapagkat nasa kanila na ang tatlong brilyante. Hindi naman sumang-ayon si prinsipe Raquim sa kanya. Sapagkat hangad ng prinsipe ang kapayapaan sa buong Encantadia. Ang paniwala niya ay hindi sila ang dapat humawak sa mga brilyante. Inihabilin ni Raquim kina Muros at Aquil ang katawan ni haring Armeo. Dali dali niyang binalikan ang pamilya ng kanyang pinsan sa Sapiro. Sa kasamaang palad ay huli na siya. Naabutan niya na wala nang buhay ang Reyna. Nawawala rin ang mga prinsipe dahil ang kanilang balot na lamang ang natagpuan doon. Napagtanto ng prinsipe na maaring pinaslang na rin ang dalawa.
Sa pagbalik ng malay ni Hagorn ay nalaman niya na wala na ang kanyang ama. Lumantad sa kanyang harapan si Asval at sinabing si Raquim ang pumatay kay haring Arvak. Sa galit niya ay sinumpa niyang magbabayad ang prinsipe sa kanyang ginawa.
Nagtagumpay na nga ang hukbo ng Lireo at Sapiro sa digmaan
Mula sa awtor:
Avisala eshma sa mga rebyu o komento!
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...