(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
"May ibabalita ako sa inyo." Labis ang galak ni Amihan habang kausap ang mga kapatid.
"Ano iyon edea Amihan?"
"May anak na sa sinapupunan ko." Tinignan niya ang kanyang mga apwe. "Nagkita na kami ng encantado sa aking panaginip kagabi."
"Talaga... magiging ashti na kami ni Alena." Masayang tugon ng kapatid.
"Hindi lang iyon ang nais kong sabihin aking mga kapatid ... kilala ko ang ama ng aking anak."
"Siyang tunay Amihan? Kung gayon ay sino siya?" Ang tanong ni Alena.
"Si Ybrahim." Muling tinignan ni Amihan ang kanyang palad.
"Mahal na reyna Amihan, kapatid ko ... tunay nga na pinagpala ang araw na ito. Sapagkat ang arksha sa iyong sinapupunan ay bunga ng pagmamahalan niyo ni Ybrahim." Kita sa mga mata ang saya ni Alena.
"Salamat sa pagbati mo Alena.Kitang kita ang galak sa iyong mukha." Sagot ni Amihan.
"May iba pang pinanggagalingan ang kanyang tuwa mahal na reyna ... sapagkat may minamahal na siyang encantado." Nabanggit ng kanilang kasamang lambana.
"Napakadaldal mo talaga Muyak." Tugon ni Alena.
"Tunay ba? May iniibig ka na?" Masaya si Amihan para sa kanyang kapatid.
"Magandang balita ito, Alena" Sambit ni Danaya. "Sino siya? Sino ang napakapalad na encantadong napupusuan mo?"
"Bakit hindi mo sabihin sa amin Alena? Si Hitano ba, siya ba ang iniibig mo?" Tinanong ni Amihan ang sanggre.
"Hindi siya. Ngunit huwag niyo munang alamin kung sino siya. Basta't pangako ko na ipakikilala ko rin siya sa inyo sa takdang pagkakataon at nawa'y pagsapit noong panahon na iyon ay matanggap niyo rin siya."
"At bakit naman hindi namin siya matatanggap kung karapat- dapat siya para sa iyo." Habol ni Danaya.
"Kung sino man siya, ako ay lubhang natutuwa para sa iyo Alena." Hinagkan ni Amihan ang nagagalak niyang kapatid.
"Lubhang napakasaya ko ngunit Amihan, ako ay nagtataka lamang..." Tumingin si Alena sa reyna. "Narinig ko kay pinunong imaw na kung sino man ang encantado na ipinagkaloob ng paru-paro sa iyo ay tiyak na may dugong bughaw. Pagkat iyon ang kautusan.Ngunit kataka-taka na si Ybrahim ang itinakda, sapagkat sa aking wari ay hindi siya dugong bughaw." Napaisip ang mga sanggre.
"Kilala ko kung sino ang makakapagbigay liwanag sa ating katanungan. Kailangan nating makausap si Mashna Aquil." Ang sagot ni Danaya.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...