(Linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Nagising si Amihan. Nagtaka ang bata sapagkat hindi niya mawari kung nasaan siya.
"Avisala sanggre." Binati siya ni nunong imaw. "Mabuti at nagkamalay ka na."
"Aaaah impakta!" natakot ang sanggre kaya hinataw niya ng tungkod ang pinuno ng mga Adamyan. "Aaaah impakto ka! Tiyanak ! Umalis ka dito!"
"Hindi ako tiyanak. Ssheda. Isang akong adamyan sanggre. Ako si Imaw." Tumigil si Amihan.
"Adamyan? Imaw? Ah ikaw yung ikinekwento ni itay. Yung kaibigan niya.Yung pinuno ng Adamyan."
"Ako nga sanggre. Tama ka."
"Ngunit bakit ganyan ang itsura mo?" Litong lito ang bata. "Nasaan ako?" Tinignan nya ang kanyang paligid.
"Nandito ka sa Lireo. Sa lupain ng mga diwata at kakaibang nilalang na gaya ko."
"Weh, di nga..." Hindi makapaniwala ang sanggre. "Ha...anong weh?"pagtataka ni Imaw.
"Nagsisinungaling ka lang eh." Galit na tugon ng bata.
"Hindi ako nagsisinungaling Amihan. Bakit ko naman gagawin iyon." Iniabot ni Imaw ang kamay niya sa bata. "Halika, sumama ka sa akin."
Manghang mangha ang bata habang pinagmamasdan niya ang kanyang paligid. Tanaw niya ang mga nagliliparang nilalang at nagtataasang tore sa palibot ng palasyo.
"Maligayang pagdating sa Lireo Amihan. Masayang pagbabalik dito sa Encantadia."
"Avisala Amihan." Binati siya ng isang maliit na nilalang. May pakpak ito at nakakalipad. "Natutuwa ako na makilala kita mahal na sanggre."
"Ang ganda ganda mo, ang cute cute." Tuwang tuwa ang bata. "Nanaginip lang po ba ako Imaw? Totoo po ba ang lahat ng ito?"
"Oo Amihan, totoo ang lahat ng ito."
"Sayang kung nandito pa sana si itay..." nalulungkot na sambit ng bata.
"Huwag ka nang malungkot Amihan. Dahil may sorpresa ako para sa iyo."
"Ano po iyon?"
"Sabik na sabik na siyang makita at mayakap ka. Kaya halika na."
Dinala ni Imaw si Amihan sa bulwagan ng trono ng kaharian. "Ah Imaw...trono ba iyon?"
"Iyan ang trono ng inang reyna." Kasabay noon ang paglapit ni Minea sa anak.
"Maligayang pagdating Amihan."
Nilapitan si Minea ng bata. "Parang kilala ko po kayo."
"Amihan , siya si Minea ... ang reyna ng mga diwata. Siya ay walang iba kundi ang iyong ina." Paliwanag ni Imaw.
"Ina." Seryosong sambit ng bata. "Kayo po ang nanay ko?"
"Ako nga anak." Nakangiti ang reyna. "Matagal din akong nanabik sa iyo. Lubhang napakasaya ko na nandito ka na."
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...