(Ilang linya ng tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
"Amihan!" Biglang lumayo sa isa't isa ang dalawa nang marinig ang tawag ni Danaya.
"Kanina pa kita hinahanap." Ang sambit niya. "Kumakain ka lang pala."
"Tila ay narinig ko na ito noon."Napangiti na lamang si Ybrahim. Tumayo na ang dalawa.
"Mukhang tapos naman na ang pagsasanay niyo. Amihan, ipinapatawag tayo sa palasyo.Marahil ay para ito sa pagsubok bukas."Sambit ni Danaya. "Ybrahim." Wika ng sanggre bago maglaho.
"Avisala meiste Ybrahim." Hinawakan ni Ybrahim ang kamay ni Amihan at hinalikan ito. "Avisala meiste , mahal ko." Nasabi niya bago naglaho ang sanggre.
.
.
.
.
.
Umalingawngaw ang ugong ng tambuni. Sinimulan na sa bulwagan ang pagsubok.
"Sila ang aking mga anak." Isa-isang tumayo ang mga sanggre. "Isa sa kanila ang papalarin upang pangalagaan ang apat na brilyante. Mga brilyanteng nagbabalanse ng mga elemento sa ating mundo at sa encantadia. At habang nasa atin ang brilyanteng ito nakakasiguro akong hindi tayo masasakop ni Hagorn at ang buong Encantadia."
Lumapit si Minea. "At isa sa kanila ang papalarin upang mamuno sa mga diwata." Humarap siya sa konseho."Kayong mga tagapayo ang tutulong sa akin kung sino ang karapat-dapat.Pagkat sa inyong kamay nakasalalay ang kaligtasan ng buong Encantadia. Kaya iiwan ko na sa inyo ang pagsubok na ito." Lumabas na sa bulwagan ang reyna.
"Hayaan niyong kami ni Imaw ang magpakilala sa magkakapatid." Ang bati ni mashna Aquil sa konseho. Tahimik na nanonood si Ybrahim sa gilid ng bulwagan.
Unang lumapit at nagbigay galang si Danaya. "Siya si Danaya. Ang ikaapat sa magkakapatid.Maganda, kaakit-akit." Napatingin si Ybrahim sa kanyang adto ng marinig ang mga katagang iyon."Ngunit pagkaingatan." Nagpalakpakan ang mga encantado.
"Siya naman si Alena."Ang pakilala ni nunong Imaw."Mahinhin ngunit sa labanan ay makikipagtapatan." Narinig muli ang palakpakan sa bulwagan.
"At si Amihan.Ang ikalawang sanggre. Lumaki sa mundo ng mga tao. Dumadaloy sa kanya ang dugong diwata at sapiryano." Pumalakpak si Ybrahim at sandali rin silang nagkatinginan ng sanggre.
"At ang panganay ay si Pirena. Diwata na natatangi na may kakaibang tapang at bagsik." Pumalakpak ang lahat.
Nagsalita muli si Mashna Aquil. "Sino kaya sa mga sanggre ang magwawagi?Malalaman natin sa pagsubok na ito."
"Mga sanggre handa na ba kayo?"
"Handa na kami."Sabay sabay nilang winika.
"Ngayon kilalanin ang iyong makakatunggali." Ipinakilala ni Imaw ang kanilang kalaban. Pumasok ang isang encantada. "Nasa nilalang na iyan ang susi sa kapangyarihan ng buong Encantadia." Suot suot ng nasabing nilalang ang isang susi. "Sino man ang makakakuha noon ang siyang magiging bagong reyna. At sino man ang mapabagsak niya ay ituturing na talunan.Kaya maging mahusay sana kayong lahat."
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ang ating istorya ay iikot sa tamb...