KABANATA 7 - ANG PAGLAKI NG MGA SANGGRE

212 9 1
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

"Ang cucute naman ng mga hayop na iyon." Sambit ni Amihan.

"Cute?" ang tanong ni Ybrahim sa kanyang bagong kaibigan.

"Maganda o nakakatuwang tignan." Tinawanan ni Amihan ang pagkalito ng kaibigan. Muli silang nagtagpo sa batis para sa pangako ni Ybrahim.

Iginuguhit ni Ybrahim ang wangis ni Rehav Raquim sa tulong ni Amihan.

"Makisig ang aking ama." Masayang alala ng bata."At napakabait pa."

"Mabuti ka pa Amihan." Hindi inalis ni Ybrahim ang mga mata niya sa kanyang ginuguhit. "Kahit papaano ay may ala-ala ka ng iyong ama."

"Huwag ka nang sad."

Tinignan ni Ybrahim si Amihan. "Malakas ang pakiramdam ko magiging bihasa din ako sa wika ng mga tao dahil samu't saring bagong kataga ang naririnig ko mula sa iyo." Napangiti na lamang siya.

"Oh di ba, kahit papano gumaan ang loob mo." Naglaro kasama ng mga pashnea si Amihan habang ginagawa naman ni Ybrahim ang dibuho.

"Ano sa tingin mo?" Ipinakita ni Ybrahim ang iginuhit na dibuho sa kaibigan.

(Orihinal na guhit ni Noel Flores/Atongwali, character and costume designer of  Encantadia)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Orihinal na guhit ni Noel Flores/Atongwali, character and costume designer of  Encantadia)

"Ang galing!" Lumapit siya muli kay Ybrahim. "Avisala eshma kaibigan!" Tuwang tuwa na pinagmasdan ni Amihan ang larawan. 

"At bilang pasalamat , ito oh" Dala niya ang isang paneya. "Pinasadya ko iyan."

"Parang may kakaiba sa paneya na ito." Tinikman ng bata ang tinapay. "May mansanas! Ang paborito ko!" Nagulat si Ybrahim.

"Oo parang apple pie!"

"May ganito sa mundo ng mga tao?!" Namangha ang bata. "Magpasabi ka lang Amihan, baka may gusto ka pang ipaguhit...sapat na ang ganitong paneya!" Nagtawanan ang dalawa. 

.

.

.

.

.

Makalipas ang ilang araw. Sa palasyo ng Lireo.

"Sanggre amihan, papasyal daw kayong mga magkakapatid." Sambit ni Ades, ang punong dama.

Tuwang tuwa ang mga magkakapatid habang namamasyal sa may tabing-ilog.

"Ang cucute talaga nila." Sambit ni Amihan habang nakatingin sa mga kakaibang nilalang malapit sa ilog.

"Pashnea amihan." Inakbayan siya ni Alena.

"Ay, oo nga pala. Pashnea nga pala ang tawag sa kanila."

"Siguro ay kaya ka nagagandahan sa mga pashnea ay magkasing-amoy kayo." Ang inis na tugon ni Pirena.

"Pirena..." ang pagbabawal ni Ades.

PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon