KABANATA 17 - LIRA AT YBRAHIM SA MUNDO NG MGA TAO

491 13 2
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

"Mahal na reyna, mga sanggre. Mayroon kayong di inaasahan na panauhin." Lumapit si mashna Aquil sa kanila. "Muros, Hitano ...papasukin na ang panauhin." Tumambad sa kanilang harapan si sanggre Pirena.

"Ano ang ginagawa mo dito Pirena?"

"Sigurado akong walang magandang pakay ang taksil na iyan." Galit na tugon ni Danaya.

"Huminahon kayo ... hindi ako narito upang makipag-away." Nangingilid ang luha ng sanggre.

"Kung ganun Pirena ano ang ginagawa mo dito?" Wika ni Amihan.

"Narito ako upang muling makipagkasundo sa inyo." Tumangis ang sanggre. "Alang-alang sa alaala ng ating namayapang ina. Patawarin niyo ako mga kapatid ko. Pinagsisihan ko ang aking mga nagawa." Lumuhod siya sa kanyang mga kapatid. "Patawarin niyo ako."

"Walang kapatawaran sa isang taksil Pirena." Nagmatigas si sanggre Danaya.

"Ito rin ba ang iyong pasya Alena?" Tinanong niya ang kapatid."Mahal na reyna...isa rin ba akong taksil sa inyong paningin at hindi ang kapatid na kasama niyong lumaki?"

"Hindi ako, kung hindi ang mahal na reyna ang magbibigay ng pasya." Sagot ni Danaya.

"Huwag kang padala sa mga salita ni Pirena, Amihan. Huwag kang magtiwala muli sa isang taksil at walang pusong anak na nanakit sa ating ina." Pagdidiin ni Danaya. "Kamatayan ang dapat sa isang ahas na kagaya niya!"

"Danaya!" Sigaw ni Alena.

"Batas ito na ipinatutupad sa lahat nang nagtataksil sa Lireo. Hindi siya dapat pamarisan mahal na reyna. Kaya dapat ay gawaran siya ng isang agarang kaparusahan!" Galit na sambit ni Danaya.

"Tama si sanggre Danaya, mahal na reyna. Iyon ang ating batas kaya iyon ang dapat masunod. Hitano." Inutusan ni Mashna Aquil ang sundalo. Nang akmang sasaktan na niya ang sanggre ay biglang nagsalita ang reyna.

"Huwag kayong kikilos nang wala akong inuutos!" 

"Mahal na reyna."

"Danaya, totoo ang sinasabi mo... Nasa batas natin ang magbigay parusa sa mga taksil. Pero kabilang din sa kautusan natin na magbigay tawad at pagtanggap muli sa mga taksil."

"Ngunit hindi karapat-dapat si Pirena sa inyong patawad mahal na reyna." Sagot ni Danaya.

"Kung hindi mo siya patatawarin." Kinuha ni Amihan ang espada ng isang kawal. "Ikaw ang magbigay parusang kamatayan sa ating kapatid. Kung talagang naniniwala ka Danaya, na walang kapatawaran ang ginawa ni Pirena ... ikaw ang kumitil sa buhay niya."

"Bakit ka natigilan Danaya...Huwag kayong mag-alala. Tatanggapin ko ang anu mang kaparusahan ibibigay ninyo sa akin." Pagsusumamo ni Pirena.

Kinuha ni Danaya ang espada ngunit sumigaw si Alena.

"Huwag Danaya!" Humarang si Alena. "Nakikiusap ako. Batid kong hindi ito ang nais ng ating inang reyna. Kaya utang na loob Danaya, patawarin mo na si Pirena."

"Ito rin ang pasya ko Danaya. Alang-alang sa namayapa nating ina. Tinatanggap ko na muli si Pirena dito sa Lireo. Igalang mo na ang aking pasya." Ibinaba ni Danaya ang sandata at dali- daling lumabas sa bulwagan.

"Salamat mahal na reyna." Wika ni Pirena. "Salamat mga kapatid ko."

.

.

.

.

.

"Sanggre Danaya." Tinawag siya ni Aquil. "Humahanga ako sa iyo at sa iyong tigas nang loob, ngunit sana ay gayahin mo ang iyong ina at mga kapatid na gamitin mo ang iyong puso..." Biglang nagsalita ang sanggre.

PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon