KABANATA 10 - ANG SAGOT NI AMIHAN

225 12 0
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

Hindi mabatid ni Amihan kung bakit nagulat siya at basta na lamang iniwan ang kaibigan. Hindi niya nais na magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya binalikan niya si Ybrahim.

"Mas mainam na sarilinin ko ang aking nararamdaman ... At kahit hindi mo man ito malaman, ibubulong ko na lamang sa hangin ... tunay kitang iniibig, mahal kong Amihan."

"Ybrahim..." Hindi niya inaasahan ang mga salitang iyon mula sa kanyang kaibigan. Tila gulat na gulat si Ybrahim na lumingon sa kanya.

"Amihan..." Hindi nila mawari ang sasabihin sa isa't isa. Nahimasmasan ang sanggre.

"Nais ko lamang magpaalam ng maayos. Paumanhin sa biglaan kong pag-alis kanina." Pilit ang ngiti ni Amihan. "Avisala meiste Ybrahim." Ginamit ng sanggre ang kanyang ivictus.

Marahil oras o ilang minuto ang lumipas, nakatitig lamang si Ybrahim sa lugar kung saan naglaho si Amihan.

.

.

.

.

.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW

Tinangka naman ni Ybrahim kausapin ang sanggre dahil nararamdaman niya na iniiwasan siya ni Amihan. Gumaan man kahit papaano ang kanyang kalooban dahil nalaman na rin ni Amihan ang kanyang nararamdaman, hindi naman niya nais na mabagabag ang kaibigan lalo pa't papalapit na ang pagsubok ng Inang Reyna. Gusto niyang mapanatag ang loob ni Amihan kahit pa taliwas sa katotohanan ang balak niyang sabihin.

"Amihan." Nakita niya ang sanggre na malapit sa kampo ng mga kawal. Lumingon si Amihan, ngunit bago pa man siya makapagsalita ay isang kawal ang lumapit sa kanilang dalawa.

"Mahal na sanggre, may mahalaga po kaming ulat."

"Ano iyon?"

"Nawawala ang pangkat nina mashna Aquil. Huli silang namataan sa Ayleb, mukhang sinalakay sila ng mga Hathor mahal na sanggre."

"Ano ang iyong tinuran?" Hindi makapaniwala si Ybrahim."At ano na ang ginagawa ng hukbo?May naghahanap na ba sa kanila? Kailangan natin silang hanapin." Hinawakan ng sanggre ang kamay ng kaibigan.

" Hinawakan ng sanggre ang kamay ng kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huminahon ka Ybrahim." Nakikita ni Amihan na hindi mapalagay ang kasama. "Ibalita ninyo agad ito kay Muros."

"Masusunod mahal na sanggre."

"Kailangan ko ... kailangan kong tumulong." At naglakad papalayo si Ybrahim. Hindi na siya nahabol ni Amihan dahil dumating ang isang dama at sinabing pinapatawag ang mga sanggre ng Inang reyna.

.

.

.

.

PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon