KABANATA 15 - ANG PANAGINIP

264 11 0
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

"Ina..." Lumapit ang reyna kay Minea

"Amihan, salamat anak at ikaw ay ligtas na." Tumatangis ang kanyang anak.

"Ina ... nais kong humingi ng tawad kung ako ay nasaktan. Hindi ako nararapat maging reyna."

Nilapitan ni Minea si Amihan. "Ikaw ay nasugatan dahil sa pakikipaglaban mo. Dahil sa iyong tapang. At nabalitaan ko din ginawa mong lahat para pangalagaan si Pirena. At para sa akin, ikaw ang siyang dapat na tunay na magmay-ari ng korona." Hinagkan niya ang kanyang anak.

.

.

.

.

.

Kinamusta si Amihan ng kanyang mga kapatid. Habang sila ay nag-uusap ay lumapit ang inang reyna.

"Ina." Sabay-sabay nilang binati ang hara durie.

"Alena, Danaya. Mabuti't narito kayo sapagkat may mainam akong balita tungkol sa inyong kapatid." Masayang inilahad ni Minea.

"Balita?" Tanong ni Amihan. "Ano ho iyon ina?"

"Natagpuan na namin ang encantado na magiging ama ng iyong anak."

"Magiging ama po ng aking anak?" Hindi makapaniwala si Amihan. Hindi siya makatugon nang maayos.

"Oo, Amihan. Sapagkat kailangan mong pangalagaan ang iyong korona at ang Lireo kung sakali mang may mangyari sa iyong masama."

Tinignan siya ng kanyang mga kapatid. Alam nila ang pagkakaunawaan sa pagitan nina Amihan at Ybrahim. Pagkatapos umalis ang inang reyna ay kinausap siya kaagad ni Alena.

"Amihan..." Hindi rin makatiyak ang sanggre sa mga salitang bibitiwan sa reyna. Batid niya na may iniibig na ang kanyang kapatid. Malamang ay nabigla si Amihan sa binalita sa kanila.

"Magandang balita, hindi ba..." Pilit ang ngiti ng reyna."Marahil ay kailangan ko munang magpahinga, pupunta muna ako sa aking silid."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


.

.

.

.

.

Dinalaw ni Gurna si Pirena sa Hathoria upang ipaabot ang balita ukol sa takdang pagkakaroon ni Amihan ng anak na tagapagmana. Nakaisip si Pirena ng paraan upang mawala sa kanyang landas ang magiging anak ni Amihan. Kasabay ni Amihan ay gumawa ng paraan ang sanggre upang siya rin ay magkaroon ng arksha sa kanyang sinapupunan.

.

.

.

.

PINAGTAGPO, ITINADHANA - Ang Simula (Encantadia / BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon