Chapter 18

1.6K 111 24
                                    


Madilim na ang paligid nang maisipan namin umuwi. Habang nasa biyahe ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Parang nag-flashback lahat ng memories nung marinig ko ang boses niya. Nakaramdam ako ng kakaiba at parang naging light ang mood ko. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti.

Dahil sa nangyari kanina ang nasa isipan ko ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Tumitig ako sa gate bago pagmasdan ang two storey house namin. Madilim na sa labas pero may ilaw sa loob ng bahay. Bigla ako nakaramdam ng lungkot nang maalala si Hera. Parang kanina lang ang light ng mood ko pero ngayon parang naging dim na.

Bumuntong hininga ako bago pumasok. Isinara ko muna ang gate bago pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Hera na mag-isang nakaupo sa isa sa mga sofa rito sa living room

"Elliott, alas otso na ng gabi. Bakit ngayon ka lang umuwi?"

"H-hi?" Awkward na sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya.

Inilapag niya sa ibabaw ng coffee table ang hawak na notes bago tumayo at naglakad palapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko at sapat na ang space sa pagitan naming dalawa. "Hi? Iyon lang isasagot mo?" Nakataas ang isang kilay niya. Para tuloy akong natakot. "Where have you been?" Napalunok ako sa tono ng boses niya. Para siyang irritated.

"Na-"

"Nakipag-date ka ba?"

Huh?

"H-Hindi."

"You stuttered. You're lying."

Ano? Porket ba nag-stuttered ay nagsisinungaling na agad? Hindi ba pwedeng kinakabahan lang dahil sa kung paano niya ako tingnan? Kung makatingin kasi siya parang may ginawa akong krimen.

"Nag-bonding lang kami ng mga kaibigan ko."

Tumaas lang ang isang kilay niya sa sinabi ko kaya naman kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Pero biglang kumunot ang noo ko nang makita na may one missed call na naman ako galing sa unknown number. Hindi ko na lang muna pinansin at nagpunta sa isang social media app. Ipinakita ko sa kanya ang mga photos kung saan ako naka-tag. Alam ko naman na makikilala niya si Joyce dahil nakita na niya ito nung isang beses na sunduin ako rito sa bahay.

Matapos niyang tumingin sa screen ng phone ko ay nalipat ang tingin niya sa mga mata ko. Tinitigan niya muna ako saglit bago talikuran at maglakad pabalik sa sofa, kung saan siya nakaupo kanina. Kinuha niya ang notes na inilapag niya kanina sa ibabaw ng coffee table at nagsimulang magbasa. Hindi na rin siya nagsalita pa ulit.

Napabuntong hininga ako bago naglakad paakyat ng hagdan at tinungo ang kuwarto ko.

Pabagsak akong humiga sa ibabaw ng kama at pakiramdam ko ay sobrang bigat ng katawan ko. Parang naubos ang energy ko dahil buong araw akong nasa labas ng bahay at napapalibutan ng maraming tao. Nakapikit na ang mga mata ko dahil nakakaramdam na ako ng antok. Pero bigla rin napamulat nang maalala yung nakita ko kanina. Inangat ko ang kamay ko para tingnan ang one missed call galing sa unknown number na tumatawag sa akin minsan.

Dalawang beses siyang tumawag ngayong araw. Sino ba talaga 'to? Close friends at relatives lang naman nakakaalam ng phone number ko.

Tinitigan ko ang unknown number at parang nac-curious ako kung sino ba talaga ito. Binabalewala ko lang ang missed calls niya nung nakaraan pero lately nakakaramdam ako ng curiosity.

Napabuntong hininga ako bago bumangon para umupo sa ibabaw ng kama. Nag-compose ako ng message kay Joyce kung may ibang tao ba siyang pinagbigyan ng phone number ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nag-reply.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon