Chapter 7

2.5K 159 17
                                    

It's been four days. Simula nung mag-confess ako ng feelings ko sa kanya.

Today is the 13th day of July at alas quatro na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Umaatake na naman ang insomnia ko.

Lahat na ginawa ko para makatulog. Nag-paint ako kanina na puro black lines. Nagsulat sa journal and last... Nagbasa ng libro pero kahit mag-wave lang sa akin ng antok ay wala pa rin.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Bumalik sa isipan ko ang mga sinabi ko kay Hera. Sa tingin ko ay tama lang naman ang ginawa ko.

Lahat tayo ay hindi mabubuhay ng matagal. Katulad ng pagsilang sa atin, ano mang-oras ay pwede tayong mawala. Limitado lang ang mga oras na mayroon tayo sa mundong ito kaya nararapat lang na matuto tayong magpakatotoo sa sarili natin.

Napabuntong hininga ako dahil kinakabahan ako. Nag-uusap naman kaming dalawa pero parang hindi pa rin siya naniniwala. Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit naman sino ay mahihirapan maniwala kung bigla na lang may aamin sayo na gusto ka ng isang tao kahit na kakakilala niyo pa lang dalawa.

Nagpalit ako ng posisyon ng higa at humarap sa pader. Niyakap ko ng mahigpit ang unan dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko. Nasasaktan ba ako? Ganito pala ang pakiramdam non? Ang gusto ko lang naman ay maging totoo sa nararamdaman ko. Kapag gusto ko ang isang tao ay sinasabi ko dahil kung hindi ay pwedeng pagsisihan ko sa huli. Gugustuhing ibalik ang nakaraan na imposibleng mangyari. Pero, minsan hindi ko kayang ipagtapat ang feelings ko at magpapanggap na wala.

Pumikit ako at muling iminulat ang mga mata bago bumangon sa kama. Lumabas ako ng kuwarto para magtimpla ng kape. Mamayang hapon na lang ako babawi ng tulog.

Matapos kong magtimpla ng kape ay umupo ako sa upuan at piniling manatili sa kusina. Nakayuko ako at iniisip ang mukha ng isang tao. Kada segundo, minuto at oras ay laging siya lang ang laman ng isipan ko. Mababaliw na ata ako.

Napangat ako ng tingin nang marinig ang pagbukas ng fridge. Napaayos ako ng upo nang makita siya. Pinagmasdan ko lang siya habang umiinom ng malamig na tubig. Nang matapos ay magsisimula na sana siyang maglakad palabas ng kitchen pero tinawag ko agad ang pangalan niya. Huminto siya para harapin ako. Halatang bagong gising lang siya at nag-a-adjust pa ng paningin para makita ako ng malinaw.

"T-Tungkol sa sinabi ko four days ago." Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Huminto ako at sapat lang ang agwat sa pagitan naming dalawa. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari at hindi ko gusto ang awkward na atmosphere sa tuwing nagkakasama kami o nagkakausap. "I really like you. Alam kong nakakabigla rin ang sinabi ko pero alam ko sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko." Napayuko ako at nagsisimula na namang kainin ng kaba ang dibdib ko. "Okay lang kung ayaw mong maniwala sa akin." Mahina at walang siglang tumawa ako. "Wala naman talagang naniniwala sa akin." Bulong na lang itong lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya pero alam kong tama lang ang ginagawa ko. Hindi ko rin alam kung bakit ang bilis kong nagkagusto sa kanya. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Nung una ko siyang makilala ay may kakaibang saya na akong nararamdaman. Parang iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng happiness. Happiness... An elusive state of emotion to me.



"Gusto kita."

Mabilis na umangat ang tingin ko sa kanya pero bigla ko rin naalala ang sinabi niya four days ago. She care for me because she only see me as a little sister.

"Dati. Gusto mo ako pero ngayon ay hindi na." Nag-iwas ako ng tingin pero muli itong bumalik sa kanya.

"Hindi mo kayang panindigan ang mga sinabi mo."

Sinalubong ko ang mga mata niya at seryoso siyang nakatitig sa akin. Gusto kong malaman sa mga mata niya ang pwedeng tumatakbo sa isipan niya. Pero, wala akong mabasa na kahit na anong emosyon mula rito.

Walang alinlangan na sinabi ko na "Kaya ko." Determinado ako sa kung ano man ang mga sinabi ko.

"Di ba sabi ko sayo, h'wag kang magsasabi sa akin ng mga bagay na hindi mo kayang panindigan?" Wala pa rin akong mabasa sa mga mata niya. She is really good at hiding her emotions.

"I really like you, Hera. Kaya kong panindigan ang mga sinabi ko." Alam ko sa sarili ko na kaya ko. May isang salita rin ako.

"Gusto kita."

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. "For real?" Baka nabibingi pa rin ako katulad kanina.

"Mahirap bang intindihin ang sinabi ko?" Umangat ang kanang kilay niya na parang naninindak.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti na gustong kumawala. Pero tuluyan na akong napangiti. "Hindi naman. Pero sabi mo kasi..." Napakamot ako sa ulo ko nang maalala ulit ang sinabi niya nung nakaraan. Pero tama naman ang narinig ko, gusto niya ako. "Uhmn... I like you. Matulog ka na ulit. Good mornight." Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko. Napansin ko rin kasi na humikab siya kanina lang.

"Gusto rin kita." May ngiti sa labing sabi niya na mas ikinangiti ko pa. Ang mga ngiti niya ay isa sa nagbibigay ng happiness sa akin. Pero nagtaka ako na ang nakangiting labi niya'y napalitan ng pouty lips. "Ako lang ang matutulog?"

Tumango ako. "Hindi pa kasi ako inaantok." Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako dahil sa sayang nararamdaman ko.

"No. Let's sleep, Elliott."

Nalipat ang tingin ko sa kanang kamay ko nang hawakan niya ito. Ang lambot ng kamay niya at hindi ko mapigilang pisilin ito. Baka kasi panaginip lang ang lahat ng ito at bigla na lang akong magising.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon