Chapter 4

3.2K 189 5
                                    

"Dapat magkaroon tayo ng rules."

Nahinto ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ang sinabi ng katapat ko sa hapag kainan.

"Bakit?" Tanong ko kahit na hindi ako interesado sa mga rules.

Ngumiti muna siya bago nagsalita. "Rule #1: Dapat lagi kang makipag-usap sa akin." Naguguluhan na nakatingin ako sa kanya. "Rule #2: Hindi ka dapat magkulong sa loob ng kuwarto mo ng 24/7." Huminto muna siya saglit bago nagpatuloy. "Rule #3: Kailangan mong kumain lagi sa tamang oras lalo na ang breakfast and last... Rule #4: Pwede tayo maglaro."

"Ano?" Hindi ko mapigilang matawa sa rules niya. "Ang weird mo." Naiiling na sabi ko bago isubo ang hiniwang karne.

"I'm not." May diin na sabi niya. "In the first place, ikaw ang weird sa ating dalawa."

Hindi ko ulit mapigilang matawa. Ano bang meron sa babaeng 'to? Napaka—Basta she's different.

"Totoo ba 'to?" Parang naa-amaze siya habang nakatitig sa akin. "Dalawang beses kitang napatawa."

"Bakit?" Huminto na ako sa pagtawa. Pero, normal lang naman kung tumawa ang isang tao.

Ang paniniwala nga ng iba, 'Laughing means you are happy.' But I'm not happy though. Natawa lang ako sa kawirduhan niya.

"Nothing." Nakangiting umiling din siya. "Parang achievement unlock." Sabi niya pa at nagpatuloy na rin sa pagkain.

"Bakit nga pala kailangan pa na may Rules?" Hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan pa non.

Ito rin ang unang beses na may nagbigay ng rules sa akin. Napansin ko rin na parang ako ang dehado sa rules na gawa-gawa niya.

Uminom muna siya ng tubig at may ngiti sa labing sumagot. "Gusto ko lang na makalabas ka sa comfort zone mo."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon o maging sagot ko sa kanya.

"Nasabi sa akin ng Mama mo na hindi ka mahilig makipag-usap sa ibang tao. Napansin ko rin na tama siya. Ginagawa ko ito para tulungan ka at para rin ito sa sarili mo. Hindi naman masama kung susubukan mo di ba?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko alam. Nakakaramdam din ako ng kakaiba sa sinabi niya.

Marami nang sumubok na ilabas ako sa comfort zone ko pero sa huli sumuko rin sila. Ano bang meron at gusto nila akong ilabas kung pwede ko naman gawin iyon ng mag-isa? Hindi ako ganon kahina para hindi magkaroon ng self help.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Tumayo ako at iniligpit ang pinaggamitan na plato at baso.

Matapos kong ilagay sa sink ay umakyat na ako pabalik sa kuwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at inalala ang mga sinabi niya. Tutulungan? Hindi ko kailangan ng tulong galing sa ibang tao para lang makalabas ako sa sariling silid na ako rin mismo ang gumawa.

Ayoko na rin magtiwala kahit kanino lalo na kapag sinabi nilang mag-s-stay sila sa tabi ko. Nasaan sila? Wala at parang hindi nila ako nakilala kung tratuhin.

Natigil ako sa iniisip ko at tumingin sa direksyon ng pinto nang makarinig ng pagkatok mula rito.

"Elliott? Pwede ba tayong mag-usap?" Hindi ako sumagot. "Galit ka ba dahil sa sinabi ko? I'm sorry."

Tumayo ako at huminga muna ng malalim bago binuksan ang pinto. Kumunot ang noo ko dahil ang bumungad sa akin ay si Sirius. Mula sa gilid niya ay sumilip si Hera.

"Hi?" Nakangiti siya. Pero yung ngiti niya ay parang nahihiya. "Pwede akong pumasok?" Tanong niya pero hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil pumasok na lang siya sa loob.

"Bakit?" Tanong ko nang makaupo siya sa upuan na nasa tapat ng drafting table.

"Are you mad?" Tanong niya habang nakayakap kay Sirius.

"Hindi."

Hindi naman talaga ako galit. Maraming lang tumatakbo sa isipan ko at gusto ko ng katahimikan.

At isa pa, bakit ako magagalit sa taong cute tingnan habang nakaupo at yakap ang isang pusa?

I can't help it. Nacu-cute'an ako sa kanya.

"Sigurado ka?" Tumango naman ako. "Gusto mo ng ice cream? Mayroon sa fridge." Nakangiti na siya. "Anong flavor ang gusto mo?"

"Kahit ano." Kumunot ang noo niya sa sagot ko.

"Walang kahit ano na flavor, Miss." Parang may pagka-strict ang tono ng boses niya.

"Ikaw ang bahala."

"Wala rin Ikaw ang bahala na flavor." Ganon pa rin ang tono niya. Pinagtri-tripan niya ba ako?

Ibang klase. Dapat matakot ako sa pagka-strict niya kaso naa-attract ata ako? Geez, hindi ata ito maganda.

Nararamdaman kong may bagyong paparating kapag nagpatuloy itong kakaibang nararamdaman ko sa kanya.

Inaya niya akong sa salas na lang daw kami kumain ng ice cream.

"Walang KAHIT ANO at IKAW ANG BAHALA na flavor kaya magtiis ka sa strawberry flavor." Sabi niya.

Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o nang-aasar. Pero natawa talaga ako sa sinabi niya.

Inilapag niya sa mini table ang isang mangkok na naglalaman ng ice cream. Hati na lang daw kami. Umupo na rin siya sa tabi ko at kinuha ang isang kutsara.

"Cute."

"Mas cute ka po." Balik na sabi ko sa kanya.

Lumitaw ang ngisi sa labi niya at makikita mong confident siya sa kung ano man ang sasabihin niya ngayon. "Isn't it obvious?"

Ngumiti ako dahil sa confidence niya. "Ang hangin mo po." Wala na akong maisip na sabihin kundi iyon lang. She is really cute though.

Nagsimula na akong kumain ng ice cream at hindi ko maiwasan maalala ang sinabi niya kanina. Walang kahit ano at ikaw ang bahala na flavor kaya magtiis daw ako sa strawberry flavor. Kakaiba rin talaga ang humor ni Hera.

"Elliott..."

Nag-angat ako ng tingin habang nasa loob pa ng bibig ko ang kutsara. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. Nakikita at nararamdaman kong seryoso rin ang gusto niyang sabihin.

"Nahihiya man akong sabihin ito pero... Gusto talaga kitang makilala matagal na." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Matagal na?

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon