Chapter 19

1.3K 92 14
                                    

Tila naglalakad ako sa alapaap habang pauwi kanina. Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Parang ilaw lang ang naramdaman ko kanina from light to dim and back to light again.

"Sirius," Inilapag ko ang alaga sa ibabaw ng kama at itinaas ang forefinger ng right hand ko. "Sa susunod wag mo na ulitin yon ha? Alam mo bang natakot ako." Pinagmasdan ko siya pero nakatuon lang atensyon niya sa pag-uunat ng katawan. "Pero..." Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang leeg niya. Natigil siya sa pag-uunat, at malambing na hinawakan ang daliri ko na nasa leeg niya. Ikinikiskis din niya ang ulo sa daliri ko.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot o matuwa sa paglabas mo ng bahay kanina."

Napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang buong silid. Tahimik. Compared sa nagdaan na araw? Comfortable na ulit ako sa katahimikan ngayon.

Bumalik ang tingin ko kay Sirius para kausapin ulit siya. "Yung babae kanina. Siya ang lagi kong ikinukuwento sayo noon. Ang ganda at bait di ba?" Napangiti ako.

Isang taon lang naman ang nakalipas pero bakit parang mas lalo siyang gumanda? Pero ang hindi lang naman nagbago ay ang mga mata niya. Nakakalunod pa rin ang lalim at kulay nito.

Nag-flashbacks sa akin nung unang beses ko siyang nakita. I was mesmerized. Hindi pa ako nag-c-confess sa kanya, dahil masaya na akong nakikita at nakakausap ko siya non.

Hindi ko napigilang laruin ang suot na hikaw sa right ear ko. Bigla ako nakaramdam ng hiya sa iniisip ko ngayon, at nag-iinit ang pakiramdam ko sa buong mukha. Parang may kumikiliti rin sa stomach ko. Uhmn..

-
-
-

Kakatapos ko lang maligo at ngayon ay nakikinig ako ng kanta. Inayos ko ang suot na wireless earphone dahil nagpapatuyo pa ako ng buhok.

🎶 Castles glitter under Spanish skies
But I'm just looking out for you tonight
Snow white mountains in a foreign place
Tell me someday we'll get there🎶

Umupo ako sa harapan ng drafting table at pinagmasdan ang sketchpad na nasa ibabaw nito.

🎶I see a Technicolor shadow
Underneath your window
Just in case you don't know
I can see it🎶

Hindi pa naman ako inaantok kaya tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Sinigurado kong nakasara ang pinto bago nagtungo sa attic. Binuksan ko ang ilaw nang makapasok ako sa loob at pinagmasdan ang kabuuhan nito.

🎶...We looked for stranger things
'Cause that's just who we are🎶

Tinungo ko ang unused canvases para kumuha ng isa at ilagay sa easel. Nag-prepare na rin ako ng mga paint na gagamitin ko sa palette. Hindi ko na kailangan pa bumaba para kumuha ng tubig. Dahil naglalagay ako ng stock na isang bottled water dito sa attic.

Umupo ako sa wooden stool na nasa harapan ng canvas. Ilang segundo kong ipinikit ang mga mata para matandaan ang imahe na ip-paint ko. Gamit ang pencil ay nagsimula na akong mag-sketch sa canvas. Nang matapos ay isinunod ko na ang paglagay ng paint.

———*———

"Hm-mn..."

Inaantok na nagmulat ako ng mga mata dahil hindi ako makahinga. Kinuha ko si Sirius na nakahiga na naman sa ibabaw ng mukha ko. Inilapag ko siya sa ibabaw ng unan na lagi kong yakap. Bumangon ako at napasimangot.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon