Chapter 8

2.4K 172 1
                                    

Kaming dalawa lang ni Sirius ang nasa bahay. Parehas kaming nanunuod ng paborito kong cartoon, Spongebob Squarepants. Pumasok kasi ng school si Hera.

Nakarinig ako ng messenger tone kaya naman agad ko itong kinuha sa ibabaw ng coffee table. Nag-chat ang bestfriend ko. Nangangamusta.

Nag-reply naman ako sa kanya. Humaba ang usapan naming dalawa hanggang sa tinanong niya kung kailan ulit ako babalik sa pag-aaral.

—Hindi ko alam.

Iyon lang ang naging sagot ko bago inilapag ulit sa coffee table ang phone.

"Sirius..." Kinuha ko ang remote at in'off ang TV. "Sa hideout tayo." Bulong ko.

Naglakad ako paakyat ng hagdan habang yakap ang alaga ko at tinungo ang attic. Hindi naman ito ganon kalaki pero ang espasyo ay sapat na para magkasya ang mga nakalagay rito. Bookshelves, bed, drafting table, easel and art materials. Sa kisame naman galaxy inspired at kapag pinatay ang ilaw ay nagliliwanag ito na parang nasa gitna ka ng kalawakan.

Sa isang linggo tatlong beses ko itong nililinisan. Dito ako laging nagr-review for exams dati at nagp-paint o gumagawa ng iba pang artworks.

Minsan dito na rin ako natutulog kapag tinatamad akong bumaba o bumalik sa kuwarto ko. Tinatawag ko nga itong Safe And Saving Room. Hindi ko alam pero sa tuwing malungkot o may problema ako? Lagi akong pumupunta rito at unti-unti nang mawawala ang mga dala-dala ko na nagpapabigat sa dibdib bago pumasok rito.

Inilapag ko muna sa ibabaw ng kama si Sirius bago kinuha ang isang canvas. Pinagkatitigan ko ito at isang imahe ang nabuo sa aking isipan. Kusa na lang sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Gusto kong gumawa ng painting.

Madilim na ang kalangitan pero kalahati pa lang ng painting ang nagagawa ko.

Tumayo ako at minasahe ang magkabilang balikat ko pati na rin ang batok ko na nangawit. Ilang oras din akong nakaupo at nagp-paint.

"Sirius?" Tawag ko dahil hindi ko siya makita. Napansin kong nakaawang ng kaunti ang pinto at sigurado akong lumabas na siya.

Lumabas na rin ako at dumeretso ng kusina para magtimpla ng kape. Tinatamad ako mag-dinner.

Pagpasok ko ng kusina ay agad din akong nahinto. Nagtataka akong nakatingin sa babaeng naglalagay ng mga plato at kutsara sa table.

Napansin niya agad ako kaya nakangiti siyang humarap sa akin pero, nawala rin ito at napalitan ng pagkunot ng noo. "Sa pagkakaalam ko, malinis kitang iniwan sa bahay pero bakit para kang naligo sa paint? Dinaig mo pa si Sirius na sobrang linis." Mahihimigan ang pagpipigil niya ng tawa pero nangingibabaw pa rin yung pagiging strict niya. Scary Girlfriend kapag naging kami siguro? Hindi ko alam kung lalo akong matatakot sa iniisip ko o matatawa. "Anong ningingiti-ngiti mo dyan?"

Napakamot ako sa batok ko at ngumiti sa kanya. "Wala po." Napansin ko si Sirius na nasa tabi ni Hera at naglalambing. "Maliligo muna ako." Mabilis akong tumalikod at tumakbo paakyat ng hagdan. Hindi na lang pala ako magkakape. Kakain na ako ng dinner dahil gutom na ako.

Pagkatapos kong maligo ay bumalik agad ako sa kitchen. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro kaya tahimik akong umupo sa tabi niya. Ang kapal ng libro na binabasa niya at makita ko pa lang ang kapal nito sumasakit na ang ulo ko.

"Tapos ka na?" Tanong niya. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

"Oo." Pigil ang ngiti ko habang nakatitig sa kanya. "Kung gusto mo, amuyin mo pa ako. Mabango na ako." Biro ko.

Tumingin siya sa akin at nagulat ako nang ilapit niya ang mukha sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang pag-amoy niya sa akin. Umayos siya ng upo at nakangising nakatitig sa akin. Habang ako'y gulat na nakatingin sa kanya.

"Oo nga. Mabango ka na." Inilapag niya sa gilid ang libro at hinubad na rin niya ang suot na specs. Nagsusuot talaga siya ng salamin dahil malabo raw ang mata niya.

Sabay kaming kumain at hindi ko mapigilan mapangiti. Masarap palang kumain na may kasama. Nasanay kasi akong walang kasabay kumain at madalas pa ngang late na ako kumakain. Hindi rin ako mahilig kumain ng breakfast sa umaga. Pero dahil kay Hera, nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko ginagawa noon. Medyo nahirapan ako mag-adjust nung una dahil nabago ang routine ko. Unti-unti na akong nasasanay at nagugustuhan ang bago kong routine.

"Nasaan si Sirius?" Tanong ng katabi ko. Nagkibit-balikat lang ako. "Matapos ko kasi siyang pakainin ay bigla na lang nawala."

Natawa ako na ikinakunot naman ng noo niya. "Baka bumalik sa hideout namin."

"Hideout?"

"Sa attic..."

"Okay, mamaya pupuntahan ko na lang siya roon."

Hindi ko naituloy ang pagsubo sa kutsara nang marinig ang sinabi niya. Nakaramdam din ako ng kaba.

"Uhmn... A-ako na lang ang kukuha sa kanya." Geez, hindi niya pwedeng makita ang painting na ginagawa ko.

"Bakit?" Sumubo siya na hindi man lang inaalis ang tingin sa akin. "Gusto ko rin makita ang loob ng Attic. Sabi sa akin ni Tita Erza, doon ka raw madalas magkulong at kung minsan doon na natutulog."

Gusto kong mainis kay Mama dahil ang daldal niya pero hindi pwedeng pumunta o pumasok sa loob ng attic si Hera. Hindi naman sa nagdadamot ako pero nahihiya ako kapag nakita niya ang ginagawa ko roon.

"Wala ka naman sigurong itinatagong..." Naghihinalang tiningnan niya ako. "Alam mo na, mga porn pictures or toys."

Nanlaki ang mga mata ko sa unang sinabi niya. "W-Wala ah. Ni-hindi nga ako nanunuod ng porno at saka dalawa o tatlo lang ang stuffed toys doon."

Nagtaka ako nang bigla siyang tumawa. "So innoccent." Umiling-iling din siya. "Kung manonood ka ng porn, dapat kasama mo ako. Bawal sa bata yon."

"Pero hindi na ako bata."

Mapang-asar na inilagay niya sa ulo ko ang kaliwang kamay at ginulo pa ang buhok ko. "But you are still a kid for me, baby." Napasimangot naman ako sa sinabi niya pero napansin ko ang itinawag niya sa akin.

Tinawag niya akong baby?!

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon