Chapter 13

2.5K 158 10
                                    

Weekend . . .

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano manligaw. Take note, manligaw ng babae. Wala naman akong kaibigan o close na lalaki para magtanong kung paano ba manligaw sa mga babae. Kahit babae ako, wala rin akong ideya. Magkaiba naman kasi ang sitwasyon ng nililigawan sa nanliligaw.

Akala ko basta gusto niyo ang isa't isa ay pwede na maging kayo. Hindi pala. Ganon kasi ang nangyayari sa iba. Sabi nga nila, kapag madali mong nakuha ang isang babae? Madali rin magtatapos ang relasyon niyo. Kaya dapat lang na paghirapan mong mapasagot ang isang babae dahil may magandang kapalit iyon.

Napangiti ako dahil ito ang magsisilbing isa sa motivation ko.

Pero kung sakaling hindi talaga kami ang para sa isa't isa? Ayos lang. Tatanggapin ko iyon. Dahil ang pinaka mahalaga ay nagpakatotoo ako sa kung ano ang nararamdaman ko at maganda ang intention ko sa kanya.

Kinuha ko ang phone sa ibabaw ng headboard kung saan nakalagay ang ilan sa mga paborito kong libro. Pumunta ako sa google search and typed how to court a woman? Nung una ay nag-aalangan pa ako na pindutin ang search button. Dahil hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ang bagay na katulad nito.

Maraming lumabas na result at hindi ko alam kung tama ba ang mga nabasa ko.

Learn the difference between dating and courting.

-Dating and courting are very different things, especially in modern society. Dating, a lot of times, can be very casual, and done without any serious commitment. You can date exclusively or you can date several woman at a time and many times it's just for fun. Courting is a serious commitment you are making to get to know a woman with the intention of the relationship leading into marriage.

Kumunot ang noo ko. I don't date. Kahit sa ex ko ay hindi ako nakipag-date sa kanya. Hindi naman kasi naging matagal ang relasyon naming dalawa.

And I used to hangout alone.

If I prefer to hangout with you than to my self? You are special. Importante ka sa akin kapag ginawa ko 'yon lalo na't ayokong pumupunta sa mataong lugar. Pakiramdam ko ay mas-suffocate lang ako.

Mas nakakapag-enjoy pa nga ako kapag mag-isa kaysa sa may kasama.

"Elliott?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatayo sa tabi ng pinto si Hera habang buhat si Sirius.

Mabilis kong pinindot ang exit ng phone ko nang maglakad siya palapit sa akin. Nakakahiya kapag nakita niya ang binabasa ko. Pero hindi niya ako masisisi lalo na't wala akong alam sa courting na yan.

"Matulog na tayo." Umupo siya sa gilid ng higaan ko at hindi pa rin inilalapag si Sirius.

"Masyado mong bine-baby yan." Tukoy ko sa hawak niya. Hinahaplos niya rin ang makapal na balahibo nito.

Tumawa siya at mas lalong pinanggigilan si Sirius. "Ang cute mo talaga. Nagmana ka sa akin."

"Ako? Hindi ba ako cute sa paningin mo?" Nahinto siya sa ginagawa kay Sirius para ikunot ang noo sa sinabi ko.

"Nope."

Tumango na lang ako. Hindi ako cute sa paningin niya pero gusto niya ako?


Kapwa na kami nakahiga habang nasa gitna namin si Sirius. Naisipan kasi naming matulog ng magkatabi, matutulog lang.

"Bakit ka nag-stop?"

Habang nakaharap sa kisame ay lumingon ako kay Hera na seryosong nakatingin sa akin. "Saan?" Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Maraming bagay din kasi akong itinigil.

"School."

Hindi agad ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mga mata niyang seryoso pa rin. Nag-iwas ako ng tingin at piniling ituon sa kisame. Patay ang ilaw sa loob ng silid ko at ang tanging liwanag ay mula sa lampshade. Nakapatong ito sa night stand na nasa gilid ko.

"Elliott..."

"Hindi ko alam."

"Hindi mo alam? Pero sabi sa akin ng mama mo. Second semester na raw non nung bigla ka na lang nag-dropout sa school." Nararamdaman ko ang disappointment sa tono ng boses niya. "Imposibleng wala kang rason. Tinatanong ka niya pero hindi ka sumasagot. Hindi ka naman daw nabu-bully at maganda rin daw ang mga grades mo pero bakit? Ano ba ang nangyari?"

Hindi ko gusto kung saan man patungo ang usapan na 'to. Ang gusto ko lang ay makaalis kapag nasa ganitong sitwasyon ako.

Yes, I used to runaway. Ito lang din ang kaya kong gawin, ang tumakbo at magtago.

"You know?" I hold my breath at hindi yun ipinahalata sa kanya. Nararamdaman ko na kung ano ang sasabihin niya. "I'm disappointed." Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa sinabi niya. Hindi ko ipinakitang nasaktan ako.

"I know." Ang bigat sa pakiramdam kapag may isang tao na disappointed dahil sa akin. Lalo na ang taong yon ay ang taong gusto ko.

"You should go back to school and continue your study, Elliott." Ang kalmado ng boses niya at iyon ang dahilan ng pagtitig ko sa mga mata. "Malapit na ako maging ganap na teacher at hindi ko gusto ang pakiramdam na may estudyant na himinto sa pag-aaral."

Nanatili akong nakatitig sa kanya at hindi tinangkang magsalita. Iniisip ko ang mga sinabi niya.

"Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na paghinto mo? Pwede mong sabihin sa akin. I will help you."

Ilang sandali pa akong natahimik. Tutulungan? Do I deserve someone's help? "Babalik din ako. Iisipin ko muna ang mga dahilan kung bakit nga ba kailangan kong gawin yon."

"Elliott..." Her voice become sad and I hate it! Ayokong nalulungkot siya. "I want to be with someone have dreams and goals in her life. Knows her priority in life." Seryoso siyang nakatingin sa akin. "If you didn't stop, maybe... Maybe I can see myself settle down with you. But how can I settle down with someone who don't have goals in her life?"

Hindi ako makapag salita sa mga sinabi niya. Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso pero nagsimula rin itong tumibok ng mabilis at parang nagka-arrhythmia ata ako. Settle down? With someone? With me? Kakaiba ang naramdam ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay na-fill ang malaking espasyo sa puso ko.

Pero bumalik ang lungkot na naramdaman ko kanina lang. Sobra ba talaga siyang disappointed sa akin? I really want to continue my study but-I can't. My fears barricading me.

"Okay." Kung ito ang paraan para hindi na siya maging disappointed sa akin. "Pero pwede bang kasama ka sa goals ko?" Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin at parang may karayom na tumusok sa puso ko. "K-kapag ba bumalik ako sa pag-aaral, nandito ka pa rin? Mag-s-stay ka sa tabi ko?" Ayokong umalis siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag lumayo siya pati ang loob niya sa akin.

Ngumiti siya na nagpagaan ng nararamdan ko sa loob ng dibdib. Dahil simula nung malaman kong disappointed siya sa akin at hindi niya pagsagot na gusto kong kasama siya sa goals ko ay hindi ko na siya nakita pang ngumiti. Na-miss ko kahit na ilang minuto lang ang lumipas na hindi niya pagngiti.

"Yes. No matter what happens, I will stay. I am always here for you, Elliott."

Napangiti ako, ramdam ko ang sincerity niya at nakikita ko rin ito sa mga mata niya.

Habang tumatagal, hindi ko maiwasan itanong sa sarili na maaring hindi lang basta pagkagusto itong nararamdaman ko para kay Hera.

Pwedeng nahuhulog na ako sa kanya.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon