Chapter 12

2.8K 190 16
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali. Pinag-iisipan ko kasi kung dapat ko na ba siyang tanungin? Kasi... Gusto niya ako at gusto ko rin siya.

Ano ba ang sunod na mangyayari kapag gusto niyo ang isa't isa?

Turn to lovers?

Or stay as friends?

Bago lang ang ganitong pakiramdam sa akin. Lalo na't sa isang babae. Kung parehas kayong babae, kahit sino sa inyong dalawang ang gagawa ng move. Para sa akin, ang bawat desisyon ko ay parang paglalaro ng Chess. Kailangang pinag-iisipan ang bawat hakbang, pwedeng iyon ang maging daan sa pagkapanalo mo. Pero minsan sa pagkatalo.

"Ikaw Sirius? Sa tingin mo... Dapat ko na ba siyang tanungin?" Tanong ko habang nakahiga siya sa ibabaw ng drafting table.

Pero sobra akong kinakabahan. Paano kung hindi siya pumayag?

I hate to admit this but I'm afraid of rejections.

Maraming beses na akong nakaranas ng rejection pero kahit paulit-ulit ko na itong nararanasan? Parang  unang beses ko pa rin itong naramdaman. Masakit pa rin. Kahit pa parte na ng buhay natin ang rejection, natatakot pa rin ako. Pero iba ito, dahil feelings para sa isang tao ang usapan rito.

Unti-unti nang pinupuno ng kaba ang loob ng dibdib ko. Pero sabi nga nila kung seryoso ka sa nararamdaman mo para sa isang tao? Hindi ka dapat matakot sa rejection.

I really like her...

I really like Hera...

Pabagsak na humiga ako sa ibabaw ng kama at iniisip kung paano ko sasabihin kay Hera na gusto ko siyang...

Gusto ko siyang maging girlfriend.

Ito ang unang beses na gagawin ko ang bagay na katulad nito. Never pa akong nakapasok sa isang relasyon na ang magkapareha ay dalawang babae. Wala rin akong ideya kung paano magw-work ang isang relasyon. I've never been in a long relationship before.

Stupid Elliott. Gusto mo maging kayo pero hindi mo alam kung paano magwo-work ang relasyon niyo? Hindi ka pa nga sigurado kung sasagutin ka niya.

Naiinis na ako sa sarili ko, dahil pinapangunahan ako ng takot.

Bumangon ako at kinuha ang phone sa ibabaw ng drafting table. Buti na lang hindi nahulog ni Sirius nung humiga siya. Malapit na kasi mahulog, kaunting unat lang niya ay tuluyan nang mahuhulog ang phone ko.

May 2 missed calls na parehong galing sa unknown number. Naka-silent ang phone ko kaya hindi ko alam na may tumatawag pala minutes ago.

Hindi ko na lang pinansin at nag-compose ng message kay Hera. Nami-miss ko na siya. Nakakasawa man pakinggan para sa ibang tao pero lagi ko talaga siyang nami-miss. Ganito pala kapag gusto mo ang isang tao. Lagi mong nami-miss. Tapos yung pangalan niya parang naka-tattoo na sa utak mo dahil siya lang ang laging laman ng isipan mo.

I am still here with Samantha

Kumunot ang noo ko sa reply niya. Tinanong ko kung nasaan siya at kung sino yung Samantha

—Nasa school and Samantha is a friend.

Kumunot ang noo ko sa sunod na message galing sa kanya.

—Pero gusto raw niya akong ligawan. Pumayag ako.


Ano?

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkirot sa puso. Akala ko ba gusto niya ako? Pero bakit pumayag siyang magpaligaw sa iba?

Gusto kong ibato ang phone ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Humigpit ang pagkakahawak ko rito at hindi na nag-reply pa kay Hera. Wala ako sa mood makipag-usap. Bahala siya magpaligaw sa Samantha na 'yon.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon