Chapter 3

3.2K 176 14
                                    


Sunday afternoon.

One week ko nang kasama si Hera. Every morning siya ang nagpre-prepare ng breakfast. Ako naman ang nagluluto ng lunch at dinner.

Hindi naman mahirap pakisamahan si Hera. Nung unang nakita ko pa lang siya ay magaan na ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganon ang naramdaman ko kahit na may trust issues ako. Sa tuwing may nakikilala ako na ibang tao ay hindi agad ako nagtitiwala.

Kakaiba siya...

Kaso hindi pa rin mawawala na nahihiya ako tuwing magkausap kami.

"Sirius..." Saway ko dahil hinahawakan niya ang kamay ko.

Kasalukuyang nagkukulong ako sa loob ng kuwarto at nagd-drawing sa sketch pad. Hindi naman ako makaguhit ng maayos dahil sa tuwing gumagalaw ang kamay ko ay hinahawakan niya ang lapis.

Parehas pa kaming napatingin sa pinto nang makarinig ng pagkatok mula rito. Mabilis na bumaba ng kama si Sirius at umupo sa tapat ng pinto. Tumingin siya sa akin bago ibinalik sa pinto. Parang inuutusan niya akong buksan.

Napabuntong hininga ako bago bumaba ng kama at tinungo ang pinto. Binuhat ko muna si Sirius bago ito buksan.

"Bakit?"

Tumaas ang isang kilay niya sa ibinungad ko sa kanya. "Sa tingin ko nakalimutan mo atang may kasama ka pa rito sa bahay."

Hindi ko inasahan ang sunod na ginawa niya. Pumasok na lang siya bigla at umupo sa gilid ng higaan ko. Nakamasid lang ako sa kanya habang hinahaplos ang makapal na balahibo ni Sirius.

Kinuha niya ang sketch pad na ipinatong ko sa ibabaw ng kama nung bumaba ako. Sa bawat paglipat niya ng mga pahina ay nakakaramdam ako ng kaba.

"Ikaw talaga ang gumawa ng lahat ng ito?"

Hindi ako sumagot. Hindi ba obvious?

"Ang ganda ng mga gawa mo..." Saglit siyang tumingin sa akin bago ulit naglipat ng pahina. "Alam mo bang weakness ko ang mga taong magaling gumuhit?"

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Seryoso ba siya sa sinabi niya?

At seryoso ka rin ba Elliott para makaramdam ng kakaibang tuwa?

Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya. Pwede bang mangyari iyon na maging weakness mo ang talento ng ibang tao? At ano ba ang ibig sabihin niya sa weakness? Hindi maganda sa health niya? O attracted siya?

Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko pero ayokong magtanong sa kanya. Baka iba pa ang isipin niya kapag itinanong ko pa iyon.

Oo, isa na sa habit ko ang pangunahan ang pwedeng isipin ng ibang tao sa akin. Lalo na pagdating sa mga kilos, gawi at salitang lumalabas sa bibig ko.

Naglakad ako patungo sa kabilang gilid ng kama. Nakatitig ako sa kanya habang tinitingnan pa rin niya ang mga gawa ko.

"Bakit karamihan sa mga drawing mo na tao ay faceless?" Nagtatakang tanong niya. Nakatitig na siya sa akin at naghihintay ng sagot. Nanatili akong tahimik. Mukhang napansin niyang wala akong balak sumagot kaya iniba niya ang tanong. "Paano ka natutong gumuhit?"

Hinaplos ko muna ang balahibo ni Sirius at inisip kung paano nga ba. "Hindi ko alam." Tinatamad ako magsalita ng mahaba.

"Seriously?" Kung paano niya ako tingnan? Parang ipinaparating na umayos ako ng sagot. Nakataas din ang isang kilay niya.

Inilipat ko ang tingin kay Sirius habang hinahaplos pa rin ang balahibo nito. "Ang naalala ko lang, bata pa lang ako ay mahilig na akong gumuhit. Nag-umpisa sa stick na tao hanggang sa nag-upgrade." Nung una parang nahihirapan pa ako magpaliwanag dahil nauutal pa ako.

Kumunot ang noo ko dahil nagsimula na siyang tumawa. Nalipat sa kanya ang tingin ko na kanina lang ay na kay Sirius.

"Sa tuwing kausap kita? Laging hindi ko alam ang sagot mo. Pero ngayon alam ko na, sinasabi mong hindi mo alam pero ang totoo ay mayroon ka talagang sagot sa mga tanong." Tumawa ulit siya matapos magpaliwanag. "Or pwede rin na ayaw mo lang sumagot." Dagdag niya.

Geez, bakit ganon? Ang ganda pakinggan ng tawa niya. Hindi lang maihahalintulad sa magandang musika ang tawa niya. Parang isang mahinahon na alon sa karagatan na nakaka-relax pakinggan.

Muli kong iniwas ang tingin sa kanya at piniling ibaling sa kabilang dulo ng silid. "Hindi ako mahilig makipag-usap at magsalita ng mahaba."

"Bakit?"

Akala ko kapag nasabi ko na ay hindi na siya magtatanong pa. Mali pala ako.

Tumitig ako sa mga mata niyang naghihintay ng kasagutan. "Nakakapagod magsalita."

Ngumiti siya pero parang pagpipigil iyon ng tawa. "You're..." Tuluyan nang kumawala ang tawang pinipigilan niya. "Unbelievable, Elliott." Umiling-iling din siya.

Habang tumatawa siya, ako naman ay nakatitig lang sa kanya. Hindi ko akalain na matutuwa ako sa taong pinagtatawanan ako. Nakakairita na pinagtatawanan ka ng ibang tao pero kapag siya? Hindi ko magawa. Natutuwa pa nga ako. Weird.

Huminto siya sa pagtawa nang mapansin na nakatitig lang ako sa kanya. "Bakit?" Umiling ako at nag-iwas ng tingin.

Gusto ko pang titigan ang mga mata niya pero naco-conscious ako. Kahit na ayokong tumingin sa mga mata ng ibang tao. Sa totoo lang ay gawain ko ang tumitig sa mga mata ng taong nagugustuhan ko. Hihintayin ko kung sino ang unang susuko sa aming dalawa. Pero kapag kay Hera ay hindi ako makatagal. Parang hinihigop nito ang lakas na mayroon ako.

Napalunok ako nang ma-realize ang sinabi ko at lalo na sa nararamdaman ko tuwing nakikita siya. Lalo na kapag kasama at malapit siya sa akin.

Pero masyado pa atang maaga para makaramdam ako ng ganito. Lalo na't isang linggo ko pa lang siyang kilala.

Napaatras ako nang maramdaman ang paghawak niya sa braso ko. Tumingin ako sa kamay niya bago nag-angat ng tingin at nagtatakang nakatitig sa kanya. Nakangiti lang siya at hinatak ako nang hindi naman ganon kalakasan pero sapat na para mapaupo niya rin ako sa kama.

"Bakit nakatayo ka lang? Dapat umupo ka rin."

Hindi ako makapagsalita habang nakatitig pa rin sa kanya. Nihindi nga ito naputol nung hatakin niya ako paupo.

"Hello, Sirius." Hindi ko namalayan na nabitawan ko ang alaga ko at ngayon ay buhat na ni Hera. "Galing ba sa Harry Potter ang pangalan niya?" Kunot noo na tanong niya.

Tumango na lang ako. Ngumiti siya at hinaplos ang makapal na balahibo ni Sirius. "Sabi na nga ba. Kaya Sirius ang ipinangalan mo dahil sa kulay ng balahibo niya."

Tumango na lang ulit ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon