Chapter 17

1.6K 103 20
                                    


Since that day na ma-meet ko si Angel ay lagi na itong kasama ni Hera sa pag-uwi sa bahay. Angel is a loud girl. Ang first impression ko sa kanya ay hindi maganda. Aside from her loud personality? Hindi ko gusto ang aura na nagmumula sa kanya. Dangerous. Kaya nag-aalala ako kay Hera dahil nung tinanong ko siya tungkol kay Angel? Sabi niya ay ilang linggo pa lang daw sila magkakilala.

Seriously? Ganon ba talaga ka-friendly si Hera? Madaling nagtitiwala sa ibang tao?

"Ikaw, Elliott? Wala ka pa bang girlfriend?"

Nag-angat ako ng tingin sa babaeng nakaupo tabi ni Hera. Nakangiti siya sa akin habang naghihintay ng sagot.

"Wala po."

Kasalukuyang nagl-lunch kaming tatlo at hindi ako makakain ng maayos dahil hindi ko gusto ang atmosphere rito. Suffocating. Though jolly naman si Angel. Pero hindi pa rin maitatanggi na hindi maganda ang nase-sense ko sa kanya.

"Ganon ba? Parehas pala kayong dalawa ni Hera na walang girlfriend. Hinahanapan ko nga siya ng girlfriend." Kumunot ang noo ko sa huling linyang sinabi niya. "Dapat hanapan mo rin ng girlfriend si Hera."

What? Why would I do that? It's not that I don't want Hera to have a partner pero hindi niya ba alam na gusto ko si Hera?

"Oo nga Elliott. You should find me a girlfriend too." Pagkasabi nito ni Hera ay sabay silang tumawa ni Angel.

Hindi ko alam kung bakit sila tumatawa dahil wala naman nakakatawa sa sinabi ni Hera.

Hanapan ko raw siya ng girlfriend? Am I not a girlfriend material kaya nagpapahanap siya? And another one, nakalimutan na ba niya na may gusto ako sa kanya?

I was in the middle of my thoughts nang magsalita si Angel. "Ano ba ang hanap mo sa isang partner?" What an interesting question. Ngayon lang ako naging interesado sa lumabas sa bibig niya.

Tiningnan ko si Hera dahil gusto kong marinig ang magiging sagot niya.

"Hmm... Someone who can cook, understanding, knows her priorities and have goals in her life."

Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay nakaramdam ako ng pagbigat sa loob ng dibdib. I know how to cook and to be an understanding person—sometimes. Pero ang last phrase? Hindi ko alam. I'm still lost at hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko.

Siguro ito ang adolescence na tinutukoy nila? Yung nagsisimula ka na pag-isipan ng mabuti kung ano ba talaga ang path o career na gusto mong piliin.

Uh... does being lost for the meantime is part of growing up?

"Elliott?"

Nag-angat ako ng tingin kay Hera. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa plato na nasa harapan ko. Napansin ko rin na parehas sila nagpipigil ng tawa ni Angel. Anong meron?

"You're spacing out."

"M-May iniisip lang po ako." Sabi ko at nagpaalam na babalik na ako sa kuwarto. Inilagay ko muna sa sink ang mga ginamit ko bago umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ay pabagsak akong umupo sa gilid ng kama. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi ni Hera tungkol sa hinahanap niya sa isang partner. Napabuntong hininga ako bago inilibot ang paningin sa loob ng silid. Nadako ang tingin ko sa drafting table kung saan natutulog sa ibabaw nito si Sirius. His favorite spot. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang alaga ko.

Kinuha ko ang sketchpad na nakapatong sa nightstand na katabi lang ng kama. Instead taking pictures of my pet? Why not sketch him? Mas maganda na rin para hindi ko na masyado isipin ang mga narinig ko kanina sa kusina.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon