Chapter 15

2.1K 112 4
                                    


Inilapag ko muna ang hawak na paint brush at palette bago tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Inilayo ko ang sarili sa canvas para pagmasdan ng mabuti ang painting na ginagawa ko.

Sumilay ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang imahe na malapit ko nang matapos. Mabuti na lang tinandaan kong mabuti ang bawat features niya sa mukha. Ang ganda talaga ng mga mata niya lalo na ang dalawang dimple sa magkabilang cheekbones niya, na lumilitaw lang kapag ngumingiti siya.

Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng babaeng may dalawang dimple sa magkabilang cheekbones. Dahil ang naging girl crush ko nung high school ay mayroon din. Ang cute nila kapag ngumingiti lalo na kapag lumilitaw ang mga 'to at mas nakakadagdag pa ng appeal nila.

Nalipat ang tingin ko sa bintana nang mapansin na umuulan sa labas. Kanina pa makulimlim ang kalangitan kaya inasahan ko nang uulan. Kapag ganitong maulan ang panahon? Ang isa sa pinaka masarap na pampainit ng sikmura at katawan ay kape.

Naglakad ako papunta sa kama para kunin ang phone ko at habang naglalakad ay inalis ko sa pagkakatupi ang sleeves ng suot kong sweater na itinaas ko kanina. Baka kasi dumikit ang tela sa canvas at masira yung ipinipinta ko. Kinuha ko ang phone sa ibabaw ng kama at tiningnan ang oras. Alas diyes na pala at malapit nang magtanghali. Napansin ko na may isang message at kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang sender ay bigla na lang sumilay ang ngiti sa labi ko. Nakakatawang isipin na parang may sariling buhay ang mga labi ko at alam na agad niya kung sino ito.

"Ikaw Sirius? May nahuhulaan ka na ba kung sino 'to?" Itinapat ko sa kanya ang screen ng phone ko.  Inamoy-amoy lang niya.
Binuksan ko ang message at hindi nga ako nagkamali nung makita ang pangalan niya. Galing sa nag-iisang tao na dahilan kung bakit may ngiti na ako sa mga labi. Cheesy kung papakinggan pero iyon talaga ang totoo.

Ang sweet talaga niya. Nag-message siya para lang i-remind sa akin na kumain sa tamang oras.

Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko habang pababa ng hagdan at patungo sa kusina. Iba pala talaga sa pakiramdam kapag yung taong nagugustuhan mo ang nagsasabi at nagpapaalala ng mga ganong bagay. Simple man para sa ibang tao pero pagdating sayo? Ito ang nagiging dahilan para maramdaman mo na may tao pa rin na nagc-care at nagpapahalaga sayo.

Nasa tapat na ako ng fridge nang maramdaman ko ang sunod-sunod na vibration sa bulsa ng suot kong short. May isang taong bigla na lang pumasok sa isipan ko. Siya lang naman kasi ang laging laman ng call log history ko.

Kinuha ko ang phone sa bulsa pero kumunot ang noo ko nang makita ang nasa screen. Isang hindi kilalang numero ang bigla na lang tumatawag sa akin. Wala sana akong balak na sagutin ang tawag pero, bigla ko naman naalala ang sinabi ni Hera sa akin nung nakaraan. Dapat daw sumasagot ako ng tawag galing sa ibang tao o unknown number. Baka raw kasi emergency.

Kinakabahan ako. Hindi talaga ako sanay sumagot sa mga phone calls. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"H-Hello?" At bigo ako na wag mautal sa pagsagot. Nakakahiya.

Nakarinig ako ng pagsinghap sa kabilang linya at pagkatapos non ay wala na akong ibang narinig pa. Saglit kong tiningnan ang screen baka ibinaba na pero ongoing pa rin ang call. Sobrang tahimik ng background. Hindi ko tuloy alam kung magsasalita ba ako ulit o hindi na.

"S-Sino 'to?" Napangiwi ako dahil nautal na naman ako.

Pero wala pa rin nagsasalita sa kabilang linya. Naghintay pa ako ng ilang segundo sa sagot niya pero wala pa rin akong nakuha. In'end ko na ang tawag at bigla rin nawala ang kaba ko. Parang wala talaga siyang balak na magsalita. Prank call? Hindi ko nilabanan ang kaba ko sa pagsagot ng tawag niya para lang sa ganyang kalokohan.

Ibinalik ko ulit sa bulsa ng short ko ang phone at humarap sa fridge. Napakamot ako sa ulo ko dahil nakalimutan ko kung ano ang gagawin ko dapat kaya ako pumunta rito sa kusina.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng kusina at nang madapo sa stove ay doon ko lang naalala kung ano ang ipinunta ko rito. Magluluto nga pala ako ng kakainin ko mamayang tanghali at magtitimpla rin ng kape.

-

Pagkatapos kong magluto at magtimpla ng kape ay bumalik ulit ako sa attic. Umupo ako sa sahig at binuksan ng kaunti ang bintana. Naririnig ko ang mga patak ng ulan na bumabagsak sa mga dahon at bubong ng mga kalapit na bahay. Humigop ako sa laman ng hawak kong tasa habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan. Mas lalo kong nararamdaman ang init ng iniinom ko dahil sa lamig ng hangin na pumapasok sa bintana.

Pumikit ako at in'imagine na nasa loob ako ng isang kagubatan. Kung saan tunog ng mga patak ng ulan sa dahon ng mga puno ang maririnig sa paligi. Muli akong nagmulat ng mga mata at tumingin sa malayo.

Kung tutuusin, mas maswerte pa rin ang mga taong naninirahan sa mga kagubatan o kabundukan. Sabihin man na sila ang mga taong malayo sa kabihasnan? Ang buhay na mayroon sila ay isa sa bagay na pwede mong hilingin. Dahil mayroon silang tahimik na pamumuhay. Walang ingay mula sa mga establishment, sasakyan at mga tao sa kalsada. Sariwa ang hangin na nalalanghap nila kaysa sa lungsod na puro pulosyon. Ang tubig sa ilog ay napapanatiling malinis, isda at tao ang lumalangoy, hindi basura at kemikal.

At higit sa lahat, karamihan sa kanila ay kuntento na sa buhay na mayroon sila pero hindi ibig sabihin non ay wala na silang pangarap. Ang mga bata nga roon dalawa o apat na oras na naglalakad para makapasok lang sa paaralan.

Mahilig akong manood ng mga documentaries at isa sa mga napapanood ko ay kung gaano kahirap ang pamumuhay ng mga taong nakatira sa bundok. Pero kahit ganon? Para sa akin, maswerte pa rin sila kaysa sa ibang taong nakatira rito sa lungsod.

Napakamot ako sa ulo ko dahil ang lapit lang naman ng paaralan pero hindi ko magawang pumasok. Muli na naman nanumbalik ang mga alaala na matagal ko nang gustong kalimutan. Kakatapos lang ng first semester non nung mapagdesisyunan kong huminto sa pag-aaral. Sobrang nagalit at disappointed si Mama dahil first year college na ako non pero bigla na lang akong tumigil. Tinatanong niya kung ano raw ang problema ko dahil maganda naman daw ang grades ko at maganda rin ang university na pinapasukan ko.

Kung alam lang niya... Sobra akong nagsisisi na pumasok ako sa university na yon.

Bumuntong hininga ako at pagkatapos ay nadako ang tingin ko sa painting na ginagawa ko. Nakaramdam ako ng kalungkutan. Alam ko na katulad kay Mama ang naramdaman niya nung nakaraan, sobra rin siyang disappointed sa akin.

-

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon