Chapter 9

2.5K 182 6
                                    

Bago ako natulog kagabi ay itinago ko muna ang ginagawa kong painting. Baka kasi maisipan ni Hera na pumunta sa attic. Mas mabuti nang sigurado ako kaya itinago ko na kasama ng mga canvas na hindi pa nagagamit.

[Kamusta kayong dalawa dyan?]

"Ayos lang po." Sagot ko.

Kausap ko si Mama na tumawag para mangamusta. Nasa probinsya siya para asikasuhin ang negosyo ng pamilya nila. May sakit kasi si Lolo kaya si Mama ang pinakiusapan niyang mag-handle ng negosyo niya.

Gusto ni Mama na sumama ako kapag umuuwi siya doon pero hindi ako pumapayag.

[Nakita ko si Dominic.] Heto na naman kami. [Bakit ka ba kasi nakipag-break sa kanya? Tingin ko nga may girlfriend na siya dahil laging may kasamang babae sa mga post niya sa facebook.]

Nanatili lang akong tahimik dahil sa tuwing tumatawag siya o nag-uusap kami, hindi nawawala sa usapan ang ex ko. Lagi niya kasing binabanggit ang pangalan. Botong-boto siya masyado sa lalaking 'yon.

[Oh? Bakit natahimik ka dyan? Mahal mo pa noh?]

"Hindi." Kahit kailan hindi ko siya minahal.

Siguro, na-overwhelm lang ako nung mga oras na napasagot niya ako and I regret it. Kasama na don yung sobra ko siyang nasaktan. It's been two years at hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako. Walang sino man ang nakakaalam at wala rin akong balak na ipaalam sa kanya iyon. Masaya na siya, we're still friends pero hindi na katulad ng dati.

[Kahit kailan talaga ang boring mong kausap. Nandito ang kapatid mo, kakausapin ka raw niya.] Natahimik ang kabilang linya at maya-maya'y narinig ko ang boses ng bunso kong kapatid. [Ate, miss na kita.]

"Hello."

[Ay, hello lang? Hindi mo ako na-miss?] Malungkot na tanong niya kaya naman nakonsensya ako.

"I miss you too." Medyo nahiya ako dahil hindi ako mahilig magsabi ng I miss you or I miss you too kahit kanino.

Hindi naman naging mahaba ang usapan namin. Ikinukuwento niya lang ang tungkol sa mga kaibigan niya roon at pag-aaral niya.

Hinagis ko ang phone sa ibabaw ng kama bago pumikit at pabagsak na humiga.

Ano ba 'tong pinaggagawa ko? Maraming oras at panahon na akong sinasayang.

Masyado ko nang ikinukulong ang sarili sa silid na may apat na sulok. Walang bintana at pinto. Hindi ko nga alam kung paano nakapasok si Hera sa silid na kinalalagyan ko ngayon. Minsan may mga kamay akong nakikitang tumatagos sa haligi ng silid pero kapag sinusubukan kong hawakan ang kamay nila at magpahila sa kanila? Hindi ko magawang tumagos sa pader katulad ng ginagawa nila.

Para ngang nabubuhay na lang ako sa kalungkutan at kaunting kasiyahan. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Lagi ako nakakaramdam ng lungkot kahit na gusto ko maging masaya lagi. Sadness become my home instead of happiness.

Alam ko rin na ako lang ang tanging makakapag-alis sa sarili ko rito.

Minsan kapag nakakakita ako ng mga taong masasaya. Natatanong ko sa sarili ko kung paano nila nagagawa iyon? Paano sila nagkakaroon ng balanseng pakiramdam ng kasiyahan at kalungkutan? May iba naman na mas lamang ang kasiyahan na nararamdaman.

At bakit ba ang mga tao kapag masaya ka? Naiintindihan ka nila kahit na minsan hindi nila alam ang rason. Pero kapag malungkot ka? Hindi ka nila naiintindihan. Dahil madalas sinasabi nilang nagda-drama ka lang at masyadong sensitive.

Being happy and sad at the same time is normal. Hindi naman puro lang tungkol sa kasiyahan ang buhay ng tao. Dahil minsan kapag malungkot ka? May mga bagay kang nare-realize.

















Madilim ang buong paligid nang magising ako. Kinapa ko ang kinahihigaan ko at hinanap ang phone. Nahawakan ko agad ito at tiningnan ang oras. 7:08PM na pala.

Lumabas ako ng kuwarto at madilim ang buong bahay kaya binuksan ko ang lahat ng ilaw. Ibig sabihin hindi pa umuuwi si Hera? Bakit kaya? Wala naman akong natanggap na text galing sa kanya na mala-late siya ng uwi.

Dumeretso ako ng kusina para magluto para sa hapunan. Pagbukas ko ng fridge ay bigla na lang akong napangiti dahil nandito ang mga favorite foods ni Hera. Pati yung strawberry flavor na ice cream, lalo na ang apple at almonds na kulang daw ang araw niya kapag hindi siya nakakain. Napailing ako dahil minsan parang bata si Hera at mas lalo tuloy nadadagdagan ang cuteness niya.

Habang nag-iisip ng iluluto ay nag-ring naman ang phone ko. Nakita ko naman ang kung sino ang tumatawag.

"H-Hello?" Geez. Hanggang ngayon may stuttering voice pa rin ako lalo na sa mga phone calls.

Narinig kong mahina siyang tumawa nang marinig ang stuttering voice ko. [Hey, ako lang 'to.] Natatawang sabi niya sa kabilang linya. [Anyways, mala-late ako ng uwi. Tatapusin lang namin ng groupmates ko ang project namin. Bukas na namin ito ipapasa.]

"Okay. Pero, kumain ka na ba?" Tanong ko habang nakatingin sa loob ng fridge.

[Yes po. Ikaw? Kumain ka ha? Ayokong nagpapagutom ka.]

"Opo." Nawalan na ako ng gana kumain. Hindi ko kasi kasabay ang taong dahilan kung bakit magana na akong kumakain. "Mamaya mag-text ka kapag pauwi ka na. Ingat ka po."

[I will.]

Siya na ang nag-end ng call. Sinara ko ang fridge at piniling magtimpla na lang ng kape. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom.

10:36 PM na pero wala pa rin si Hera. Nag-text siya kanina na pauwi na raw siya at sinabihan din akong matulog na. Pero gusto ko siyang hintayin. Buong araw ko siyang hindi nakita at sobrang miss ko na siya. Kahit nga segundo o minuto na hindi ko siya nakikita? Miss ko na agad siya.

Nakasandal ako sa pader na ilang hakbang lang ang layo sa pinto. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga paa ko. Nabibingi na rin ako sa katahimikan ng buong bahay na dati naman ay wala akong pakialam. Ganitong katahimikan ang gusto ko lagi pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Dahil nalulungkot na ako sa katahimikan na nakapalibot sa akin.

Mabilis akong napalingon sa pinto nang bumukas ito. Halatang nagulat siya nang makitang nasa tapat ako ng pinto at hindi pa rin tulog.

"Akala ko tulog ka na." Isinara niya muna ang pinto at muli akong hinarap. "Bakit nandito ka?"

"Hinihintay kita." Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam kong nabigla siya sa ginawa ko. Gusto kong sabihin kung ano ang nararamdaman ko simula pa kanina. "Na-miss kita." Mas humigpit pa ang pagkakayakap ko sa kanya at isiniksik ang mukha sa gilid ng leeg niya.

Naramdaman kong yumakap din siya pabalik sa akin. "Na-miss din kita."

Parang isang magic spell ang mga salitang sinabi niya. Dahil bigla na lang naglaho ang matinding lungkot na nararamdaman ko simula pa kaninang umaga.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon