CHAPTER 22

773 43 12
                                    

Weekend.

Usual spot ko na ang veranda lalo na kapag umiinom ng kape o, gumagawa ng artworks. Relaxing ang ambiance dahil sa mga puno at halaman na nakatanim sa backyard namin. Mayroon din nakalagay sa mga flower pots.

Mahilig kasi sa mga halaman si Mama, at ang pag-aalaga rito ang nakatulong sa mental health niya. She overcome depression and grieve sa tulong nito. Kaya sa tuwing wala siya sa bahay? Ako ang naka-assign na mag-alaga sa mga babies niya.

“OMG! Nandito ka nga!”

Nahinto ako sa pagguhit nang marinig ang familiar na annoying tone na yon. Kaya inilapag ko muna ang hawak na mechanical pencil sa tabi ng sketchpad, at kinuha ang tasa na nasa center part ng round teak table. I forgot na pupunta nga pala siya rito. Habang nagtitimpla kasi ako ng kape, sinabihan ako ni Hera na dadating daw si Angel.

Umupo si Angel sa upuan na nasa tapat ko at malawak ang ngiti sa mga labi niya. She has this bright smile but I don't know kung ganon rin ba ang aura niya. Kasi there's something about her energy na nags-send ng off feeling sa akin. At hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa annoyance kapag naririnig ko ang malakas na boses niya. Minsan gusto kong sabihin na para siyang nakalunok ng megaphone pero, naiisip ko rin na ang rude non.

Nakatingin siya sa sketchpad ko, kung saan may naka-sketch na female own character ko.

“Ang galing mo naman mag-drawing.”  Ang lawak pa rin ng ngiti niya.  “Pwedeng patingin ng mga gawa mo?”

Inilapag ko muna ang tasa sa ibabaw ng table matapos humigop rito, bago inabot sa kanya ang sketchpad.

Hindi ko naman maiwasan hawakan at laruin ang hikaw na nasa right ear ko.

“You're really into arts.”  Saglit siyang nag-angat ng tingin at nagpatuloy muli sa pag-scan.  “Nabanggit sa akin ni Hera na nag-stop ka raw pero anong course ang kinuha mo dati?”

Wala naman conversation between us pero bakit napunta roon ng topic? Huminga ako ng malalim dahil sa flashback images that makes me feel anxious..

“BS Architecture.”  Maikling sagot ko at sinubukan i-divert ang attention sa blue sky.

Ah, it's pretty.

“Talaga? Ang ganda ng napili mong course pero bakit ka pa rin nag-stop?”

Bumalik ang tingin ko kay Angel at mababasa ang curiosity sa kanyang mga mata.

“Do you know the proverb ‘Curiosity killed the cat’?”

“Oo, pero hindi naman ako cat eh.”

I stared at her blankly for a second.

“For me? That phrase is not only for the curious one but the subject of curiosity as well. Everyone can be a curiosity victim.”

Hindi nagsasalita si Angel, dahil nakatitig lang siya sa akin. Pero, ilang sandali lang ay tumawa na siya na nagpakunot sa noo ko.

“I'm just curious lang naman, Elliott. Does my question makes you uncomfortable?”

Mas pinili ko ang hindi na lang mag-respond sa kanya. I think mas makakabuti kung umalis na lang ako rito sa veranda at bumalik sa kuwarto. Jeez. This is my house pero bakit ako ang dapat na umalis?

Tumayo ako at nagsimula nang iligpit ang mga gamit ko sa ibabaw ng round teak table, at habang ginagawa ko ito ay muling nagsalita si Angel.

“Ngayon alam ko na kung bakit nagkaroon ng interest sayo si Hera noon. Dahil sa way of thinking mo but that was before because you are too complicated to understand, and focused in self-pitying.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon