Chapter 20

1.2K 71 23
                                    

After that day na sagutin ko ang tawag at makausap ang unknown caller? Hindi na mawala ang curiousity ko.

Sino kaya yon? At bakit alam niya ang buong pangalan ko?

Gusto ko siyang i-message para magtanong, kaso nag-aalinlangan ako. Kahit pa sabihin na babae siya at mukhang mabait dahil sa boses? Hindi pa rin matitiyak na harmless siya.

“Elliott...”

Nag-angat ako ng tingin kay Hera na kasalukuyang pababa ng hagdan. Inalis ko sa pagkakadikit sa chin ang dulo ng pencil na hawak ko. Nakaupo ako sa sofa at naka-indian sit, habang ang sketchpad ay nakapatong sa mga binti ko.

“Aalis muna ako, may pupuntahan kasi kami nila Angel.”

Tuluyan na siyang nakababa ng hagdan at ngayon ay naglalakad na palapit sa akin.

Tumango na lang ako at itinuon ang atensyon sa sketchpad. Pero, muli rin ako nag-angat ng tingin nang maramdaman ang paghalik niya sa right cheek ko.

“Nagtatampo ka ba dahil lagi kong kasama sina Angel at Samantha?” Mapanuksong tanong niya.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. “Hindi po.”

Sa totoo lang, nakakaramdam nga talaga ako ng tampo. Parang kailan lang kasi, kami ang magkasama at magkausap. Pero ngayon? Ibang tao na. Kahit naman mag-react ako, wala nang magagawa iyon kung mas gusto niyang kasama sina Angel at Samantha.

“Who's that?”

Sinundan ko ang tingin niya, nasa sketchpad pala. Nang bumalik ang tingin ko sa kanya, doon ko lang napansin ang nakataas niyang left eyebrow.

Ah, sinubukan ko lang i-sketch ang nasa imagination ko.”

Pinagkatitigan ako ni Hera at tila sinusuri kung ako nga ba ay nagsasabi ng totoo. Hindi siya sumagot pero saglit siyang tumingin sa suot na wristwatch.

“Aalis na ako. Kung gagala ka? Just message me. Para alam ko kung saan ka pumunta at sino kasama mo. Responsibility pa rin naman kita. Parang ako na rin ang older sister mo.”

Nagimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya ng tingin, hanggang sa makalabas na siya ng bahay.

Akala ko ba gusto niya ako? Bakit naging sisterzone na naman?

Umayos ako ng upo at inilipat ang atensyon sa TV screen. Kahit kailan talaga, ang complicated ni Hera. Hindi ko siya maintindihan.

Gusto niya ba talaga ako?

O hindi na?

Pero bakit sweet and caring pa rin siya sa akin?

Bakit tinatawag niya akong baby minsan?

Naguguluhan na talaga ako sa kanya pero, mas naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

Bumuntong hininga ako, at hindi sinasadyang bumaba ang tingin sa sketchpad. Pinagkatitigan ko ang babaeng nasa sketch. Mabuti na lang hindi nag-usisa pa si Hera, dahil hindi naman talaga babaeng imahinasyon ko lang ito.

Si Artemis ito...

It's been a year pero, I still like her. Na-confirm ko lang nung marinig ko ang boses niya at makita ulit siya.

It's still the same. Everytime I see her, hear her voice and think of her. Pagkatapos kasi mangya—uhm... at huminto ako sa pag-aaral, nagkulong na lang ako. Parang umiikot na lang ang mundo ko sa sarili at pagiging mag-isa. Siguro, dahil din dito kaya naisantabi ko ang nararamdaman para sa kanya.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon