Chapter 10

2.6K 156 5
                                    

"Sa wakas nakalabas ka na sa lungga mo." Nagtawanan sila sa sinabi ni Marie.

Ngumiti lang ako dahil ganito naman talaga sila. Para silang nagdidiwang kapag napapayag nila akong sumama sa kanila.

"Minsan na lang natin nagagawa 'to ng magkakasama." Parehas kasi silang mga busy sa pag-aaral. Ngayong weekend lang kami nag-usap na mag-bonding apat.

"Oo nga eh." Napakamot sa ulo si Ariana. "Na-stress ako sa accounting subject namin."

Nagtawanan kami dahil halata naman sa pagkalukot ng mukha niya.

Umupo kami sa bench na malapit lang sa ilog. May dala-dala kaming mga street foods na binili namin di kalayuan sa kinauupuan namin.

"Ang presko ng hangin." Sumang-ayon kami sa sinabi ni Joyce. Mapuno rin kasi sa gilid ng ilog.

Naaalala ko pa na dito kami tumatambay nung high school tuwing uwian. Tapos puro street foods ang kinakain namin. Minsan pupunta muna kami ng mini grocery at dito kakainin ang mga binili namin. Nakaka-miss ang high school days.

"Elliott, nakita ko si Rhaven nung isang araw." Tumingin ako kay Marie na may mapanuksong ngiti. "Yieeeh! Grabe ka, hanggang ngayon crush mo pa rin yun?" Narinig kong tumawa si Joyce.

"Hindi na." Nung matapos ang graduation namin non ay nawala na rin ang pagka-crush ko sa kanya. Alam ko kasing hindi ko na siya makikita.

"Sinong Rhaven?"

Sina Joyce at Marie lang ang nakaka-alam na may girl crush ako nung high school.

"Naaalala mo pa yung top 1 ng section 2? Crush ni Elliott yon nung high school." Paliwanag ni Marie. Si Joyce naman tumatawa lang sa gilid.

"Eh? Di ba babae yun?"

Tumango si Marie at Joyce habang nagtatawanan. Si Ariana parang hindi pa rin makapaniwala na may naging girl crush ako non. Kasi... hindi naman talaga ako nagsasabi sa kanila kapag may crush ako. Baka asarin lang nila ako sa harapan ng crush ko. Mahilig pa naman manglaglag ang mga kaibigan pagdating sa mga ganito. After ng graduation ko lang sinabi kina Joyce at Marie kung sino ang crush ko non.

Malapit na magdilim nang maisipan naming umuwi na. May mga gagawin din kasi sila.

Habang naglalakad ako papasok ng Village, naka-receive ako ng text galing kay Hera. Tinatanong niya kung nasaan na raw ako. Sinabi ko naman na pauwi na ako. Nahinto ako sa paglalakad at muling naglakad palabas ng Village. Tiningnan pa nga ako nung security guard na nagbabantay.

Nakalagay kasi sa second message ni Hera na bilhan ko raw siya ng isaw. Wag daw akong uuwi ng bahay na walang dala. Grabe naman.

Bumili ako sa nagtitindang isawan malapit sa Village namin. Ang dami ngang bumibili tapos ang usok din. Ang hirap tuloy huminga dahil nalalanghap ko.

Nakauwi ako ng bahay at naabutan ko siyang nasa living room kasama si Sirius.

"Where's my isaw?" Tanong niya agad nung makita ako.

Inangat ko ang plastic na pinaglalagyan ng isaw niya. Ngumiti siya at parang batang patakbong lumapit sa akin.

"Thank you!"

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatitig sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya... bigla tuloy nawala ang pagod ko dahil sa ngiting 'yon.

◆◆◆

12 midnight na nung nag-aya si Hera na pumunta kami sa attic. Kinakabahan tuloy ako na baka makita niya ang bagay na hindi niya pwedeng makita. Nahihiya kasi akong ipakita sa kanya na gumagawa ako ng painting niya.

"Not bad." Komento niya habang nakaupo kami sa gilid ng kama at inililibot ang paningin niya sa kabuuhan ng silid.

Pinaghalong white at gray kasi ang kulay ng silid na 'to. Paboritong kulay ko ang gray.

Nakamasid lang ako kay Hera nung tumayo siya. Tinungo niya ang kinalalagyan ng mga painting na ginawa ko. May mga nakasabit sa katapat na wall ng kama. May mga nakalagay din sa ibaba at nakasandal sa wall.

Sana lang talaga ay hindi niya makita yung painting niya. Lalo na't hindi pa tapos iyon.

"Bakit karamihan sa mga works mo ay faceless ang mga tao?" Humarap siya sa akin habang nakakunot ang noo. "Nung tinanong kita noon, hindi mo ako sinagot." Ang cute niyang tingnan habang nakasuot pa ng gray pyjamas.

Huminga muna ako ng malalim. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Pero mas pinili kong h'wag sabihin ang mga dahilan.

"Hindi ko alam." Tipid ang ngiti na sabi ko sa kanya.

Nakatitig lang si Hera sa akin pero ilang sandali lang ay ngumiti na siya. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hinawakan din niya ang isang kamay ko.

"Bawat artist ay may mga malalalim na dahilan sa likod ng mga likha nila. Sa mga likha rin nila? makikilala mo kung sino at ano ang pagkatao na mayroon sila."

Ngumiti ako at hindi maiwasang isipin kung nakikita ba ni Hera kung sino ako at kung ano ang totoong pagkatao ko sa mga likha ko?

Pero, ayokong may mga taong makakilala kung sino talaga ako. Dahil kapag nakilala na nila ang tunay na ako? Bigla na lang sila umaalis. Na parang isang kasalanan ang ipaalam at ipakita sa ibang tao ang tunay na ikaw.

Ang gusto ko lang naman ay may mga taong mananatili sa tabi ko kahit anong mangyari. Pero, walang sino man ang kayang makagawa non.

Unexpected na dumadating ang mga tao sa buhay natin at unexpected din silang umaalis.

Pakiramdam ko ay disappointed sila sa akin kaya bigla na lang sila umaalis. Kahit na subukan kong manatili sila, pakiramdam ko ay wala akong halaga sa kanila. Alam ko naman sa sarili ko na may mga bagay at pag-uugali akong hindi maganda.

"Ayos ka lang?" Tumango ako pero hindi ko magawang tumingin sa kanya.

Pakiramdam ko, aalis din si Hera sa tabi ko. Iniisip ko pa lang na mangyayari 'yon ay sobra na akong nalulungkot.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon