Chapter 6

2.8K 170 16
                                    

"What makes you happy?"

Ayan ang nakalagay sa nabunot na papel ni Hera.

Gumawa kami ng mga tanong na dapat sagutin at inilagay sa isang kahon. Salitan kaming bubunot ng mga tanong para makilala namin ang isa't isa. Since parehas namin na gusto ito. Kapwa rin kaming nakaupo sa sahig ng living room.

What makes me happy?

Nag-isip ako ng mga bagay na nagpapasaya sa akin at kahit ito lang ang mayroon ako ay kuntento na ako. "Books, art materials and phone."

Napansin kong medyo natawa siya sa sinabi ko. "Simple but meaningful. How about people? No one makes you happy?"

Ngumiti ako na ikinalawak naman ng ngiti niya. "Family and friends." Ako na ang sumunod na bumunot. "What is your talent?"

"Uhmn... Dancing." Ang lawak at ganda ng ngiti niya. "I love dancing at may ginawa na nga rin akong dance cover."

"Pwede ko bang makita ang pag-sayaw mo kahit saglit lang?"

Ang ngiti sa labi niya'y nahaluan ng pag-aalinlangan. "Maybe next time?"

"Please, Hera?" Ipinagsalikop ko pa ang dalawang palad ko. Hindi ko akalain na magagawa ko ang ganito lalo na sa isang tao. "Kahit kaunti lang." Ipinaglapit ko pa ang forefinger at thumb ng kanang kamay ko. Para ipakita ang kaunti na tinutukoy ko at para pumayag na rin siya.

Idinikit niya ang gilid ng forefinger sa labi at parang nag-iisip siya. Ilang sandali lang ay bumuntong hininga siya. "But do not record it, okay?" Tumango ako na ikinatayo niya mula sa pagkakaupo sa sahig.

Nang magsimulang gumalaw ang katawan niya ay bigla na lang huminto ang pag-ikot ng mundo—ko. Titig na titig ako sa kanya. Her body moves gracefully and I could feel how much she loves dancing. Parang may magandang musika rin siyang sinasabayan. Nakakadala rin ang facial expression niya, parang isang pro dancer ang nasa harapan ko.

She dances with that facial expression and... Gosh... Hera looks so perfect!

"How was it?" Tanong niya nung makaupo ulit siya matapos sumayaw.

Speechless.

Hindi ko alam kung ano ang tamang salita para sabihin kung gaano ko nagustuhan ang ginawa niya. Habang sumasayaw siya ay nakatitig lang ako sa kanya. Pakiramdam ko wala kami sa living room ng bahay dahil para kaming nasa tuktok ng bundok at nasa ilalim ng libo-libong bituin. Ang bawat kislap nito ay parang ritmo na kanyang sinasabayan.

Mesmerizing.

"A–ang galing mong sumayaw. Nakaka-amaze." At parang nanunuod ako ng isang breathtaking view dahil pigil ang hininga ko habang sumasayaw ka.

"Thank you." Nakangiti siya at lumalabas na naman ang dalawang cute na dimple sa magkabilang cheekbone niya. Ang cute talaga ni Hera.

Nagpatuloy kami sa pagbunot ng mga tanong galing sa loob ng kahon. Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya at ang sarap sa pakiramdam lalo na't unti-unti ko siyang nakikilala. Ganito siguro kapag gusto mo talagang makilala ang isang tao.

"What is your favorite part in woman's body?" Medyo natawa ako sa tanong na binasa ko. She is really into girls. Hindi ako ang nagsulat ng tanong na 'to.

"Legs." May kasama pang pagkagat sa labi ang pagkakasabi niya non na mahinang ikinatawa ko.

I won't deny Hera is really an attractive woman.

"Para sayo talaga ang tanong na yan." She pouted her lips like a cute cat. Gusto ko tuloy panggigilan ang magkabilang pisngi niya. "Pero pwede mo rin sabihin kung ano ang favorite part mo sa isang babae." May ngisi pa sa labing sabi niya.

"Boobs."

"Ooohhh..." May mapaglarong ngiti sa labi niya. "What cup?"

"B?" My gaze automatically went down to her chest.

"Perv."

Pinagtawanan ko lang ang sinabi niya. Pero sa totoo lang ang cute niya dahil namumula ang buong mukha niya. Siguro nahiya siya sa ginawa ko? Stupid Elliott, bakit kailangan may ganon pa?

"Do you want to touch my boobs?"

I was caught off guard dahil sa tanong niya. Ako naman ang namumula ang mukha.

"Bumunot ka na ng tanong." Sabi ko habang nilalaro ang hikaw sa kaliwang tenga ko. Hindi na ako makatingin sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman ko.

Naririnig kong tumatawa siya pero bumunot din at binasa ang tanong.

"Do you like me?"

Kasabay ng pag-angat ng tingin ko sa kanya ay ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Ohhh... interesting question."

"Ayan ba talaga ang tanong?"

Tumaas bigla ang isang kilay niya. "Sa tingin mo nagsisinungaling ako?" Ipinakita niya pa sa akin ang nakasulat sa papel. Iyon nga talaga.

"Hindi naman sa ganon." Napakamot ako sa ulo ko. "Uhmn..." Parang ito na ata ang pinaka mahirap sagutin na tanong sa lahat. "I..." Sasabihin ko ba o hindi? Pero paano kung... Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang tindi rin ng kabang nararamdaman ko ngayon. "I don't know." Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kayang tumitig ng matagal sa mga mata niya. Sana hindi niya nabasa sa mga mata ko ang totoong sagot.

"Ang sagot lang naman ay 'Yes' or 'No' but you answered I don't know." Tumango-tango siya at inilagay ulit ang lahat ng papel sa loob ng box. "Yun na ang pinaka huling question sa box."

Hindi na niya ako tinitingnan. Nakaramdam ako ng lungkot dahil ang mga matang paborito ko ay hindi na nakatingin sa akin.

Bahala na. Sasabihin ko na kung ano talaga ang nararamdaman ko.

"I like you, Hera."

Mas napuno ng kaba ang dibdib ko at ang bilis din ng tibok ng puso ko. Natatakot ako sa pwedeng maging reaction niya sa sinabi ko.

Nag-angat siya ng tingin. Nakaramdam ako ng kakaibang saya ng muli siyang tumitig sa akin. "Are you sure?" Tanong niya at wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mukha niya. "Ayokong magsabi ka ng mga bagay na hindi mo kayang panindigan."

Napahawak ako ng mahigpit sa sleeve ng suot kong sweater. "I like you. Seryoso ako at kaya kong panindigan iyon."

Tumayo ako at pakiramdam ko pa nga ay nanlalambot ang mga tuhod ko habang paakyat ng hagdan.

El Primer Amor De Una IntrovertidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon