Chapter 7

59 9 0
                                    

Behind his Mask

Limang daang taon na ang nakakalipas sa mundo na tinatawag na Astroladia ay may limang kaharian. Ang mga kaharian na iyon ay ang Reino Alevya, Reino Celium, Reino Alcorta, Reino Devreia, at ang Reino Enoika.

Ang bawat kaharian ay nagtutulungan at pantay pantay ang pakikitungo sa bawat isa. Ang Reino Celium ang tinuturing na pinakamalakas at nakakatakot na kaharian ngunit sa kabila nito ay mayroong namumunong napakabuting hari at reyna. Kinatatakutan ang kaharian na ito dahil isang dragon ang  nangangalaga sa kahariang ito.

Ang dragon na iyon ay tinatawag nilang Salamander ang dragon ng mga apoy.

Nagbago lamang ang napaka ayos na pamumuhay ng bawat kaharian nang mag silang ang reyna ng Reino Celium nang isang sanggol na lalaki. Ang sanggol na lalaki na iyon ay may kakaibang mukha dahil sa kulay pulang hugis krus na nakatatak sa kanang mukha nito. Sakop nito ang kalahati nang mukha nya.

Sinasabi nang mga nakakatanda na ang emblem na ito ay tinatawag na sumpa dahil kung sino man ang magkaroon nang ganoong tatak ay siyang sinasabi nilang ang susunod na hari ng kadiliman o masasabi kong ang hari ng mga demonyo.

Kaya labis na natakot ang bawat kaharian ng malaman nila ang tungkol sa sanggol na prinsepe at nagdulot iyon nang isang digmaan. Digmaan upang ipaglalaban ang prinsepeng nakatakdang pumaslang sa lahat ng mga bampira na namumuhay sa mundo nang Astroladia.

Upang mapangalagaan ang prinspe ay pinatungan nila nang maskara ang mukha nang sanggol at upang mas mapangalagaan pa s'ya, ang dragon na nangangalaga sa kaharian na iyon ay gumawa nang isang engkantasyon na mabubura sa alaala nang lahat ng nabubuhay sa mundo nang mga bampira ang tungkol sa prinsepe. Ang engkantasyon na iyon ay syang naging sanhi ng pagkawala nang buhay ng dragon.

Amaris POV

"Wala munang lalabas ng kwartong ito" ma-awtoridad na wika ni Sir Titus pero naalala ko agad si Caeli. Baka mapahamak sya.

Hindi kona pinakinggan ang sinabi ni Sir at dali daling lumabas ng loob ng ring, narinig ko ang agad ang mga tawag nila at dali-daling lumabas ng training room.

Nagulat ako nang makita kung gaano kagulo sa buong school ngayon, nagkalat ang mga nag sisigawang estudyante at may iba't ibang nilalang akong nakikita sa loob nang paralan na ito. Maraming mga nakasuot ng itim na cloak at hindi makita ang mga mukha nila. May mga estudyanteng ginagamit ang kapangyarihan nila para makalaban sa mga nakakatakot na iba't ibang klase nang mga nilalang.

Nagulat ako nang may makita akong isang bolang apoy na papalapit sa akin pero mas nagulat ako nang salubungin iyon nang isa pang bolang apoy kaya sumabog iyon sa gitna nang ere.

"Sinabing huwang lumabas eh, ang tigas nang ulo" napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likudan ko.

"Anong gusto mong gawin ko? Ang tumunganga sa loob nang kwartong iyan habang ang mga tao dito sa buong school ay nag kakagulo. Ikaw dapat ang nasa loob Jeiko, ikaw ang hinahabol nila." kalmadong sagot ko sa kanya.

"Kaya ko ang sarili ko, and I promise hindi nila ako makukuha." sagot niya at agad naglabas nang isang malakas na pwersa nang apoy at tumama iyon sa limang mga nakakatakot na halimaw na papalapit sa lugar kung nasaan kami ngayon.

"Maging alerto tayong lahat, we're in Class-A so we need to fight for our school" mahinahong wika niya. Hindi ko napansin na katabi na pala namin sina Klock, Laxe at Melody.

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon